“Nang dumating sa buhay ni Hendrix ang dalagitang si Tanashiri Laison isang fourth year high school student ay nagulo ang dating tahimik niyang buhay. Kilala si Tana bilang isang trouble maker at walang araw na hindi sumakit ang ulo ni Hendrix sa dalagita dahil sa madalas na pagkakasangkot nito sa gulo. Ngunit hindi naging hadlang ang mga kapilyahan nito sa nararamdaman niya para sa dalaga bagkus ay naging obsessed pa siyang lalo dito. Malayo man ang agwat ng kanilang edad ay hindi iyon naging sagabal upang tuluyang mapasa kanya ang makulit na si Tana. Dahil sa pagiging seloso ni Hendrix ay nagbago ang buhay ni Tana nawala ang dati niyang buhay na kung saan ay nagagawa niya ang lahat ng naisin. Magawa pa kayang makalayo ni Tana sa binatang labis ang pagkahumaling sa kanya? Ating tunghayan ang makulit at makulay na mundo ni TANASHIRI LAISON ang MY YOUNG WIFE.”
Sofie Suarez is from the orphanage, at the age of thirteen, dumaan sa matinding pang-aabuso mula sa taong umampon sa kanya. She thought she was freed from the past but she didn't expect that even when the person who abused her was dead, she would continue to suffer from his cruelty. She was made an evil one feared by all. Sofie tries to live as a normal person but how can she live quietly if her entire being is covered in darkness? Paano siya makakaalis sa anino ng nakaraan kung ang mismong sarili niya ang kan’yang kalaban? Ating tuklasin ang mga lihim sa pagkatao ni Sofie ang babaeng may split personality disorder.
“ “COLLINNNN! AHHHHH! AHHHHH...” halos isigaw ko na ang lahat ng sakit na aking nararamdaman habang patuloy sa pagtangis. Para akong masisiraan ng bait, wala sa sariling niyugyog ko ang katawan nito umaasa na magkaroon ng isang himala at ibalik ng langit ang buhay ng aking kapatid. “Isinusumpa ko! magbabayad ang mga taong gumawa sa’yo nito! Sisiguraduhin ko na mamamatay silang lahat sa aking mga kamay...” kasabay ng mga katagang lumabas sa aking mga labi ay ang pagbuhos ng isang malakas na ulan at paglitaw ng isang matalim na kidlat mula sa madilim na kalangitan na sinundan ng isang nakabibinging kulog. Tila nakikiramay ang masamang panahon sa pagdadalamhati at paghihinagpis ng aking kalooban dahil sa pagkamatay ng aking kapatid.” Mag tagumpay kaya ang dalaga sa kan’yang paghihiganti? Paano kung sa kan’yang pagbabalik bansa ay sa unang pagkikita pa lang nila naging marupok na siya at naisuko na niya ang sarili sa Identical twin ng lalaking inakala niyang pumatay kay Collin, si “Demetriou.” Hanggang saan siya dadalhin ng kan’yang galit? Paano kung sa huli ang lalaking minahal ay nais din siyang patayin? Ating tunghayan ang masalimuot na buhay ng dalaga maging ang kwentong pag-ibig ni Zoe Zullivan at Demetriou Aragon na pinaglaruan ng tadhana. Ano ba ang mas matimbang sa kanilang mga puso PAG-IBIG ba O HUSTISYA!?
“The first time I saw you, my heart beat fast. The best thing I did with my life was to love you. I don't care if you bring me a thousand troubles, I don't even care if I lose everything but please.... Come back to me sweetheart! Don’t leave me, because if I lose you my life will be useless.”-HARVEY VANDERBERG _ _ _ _ _ _ _ _ Nang magpaulan ang langit ng kayabangan sinalo na yata lahat ni Cassandra dahil sa overconfidence na taglay nito sa kan’yang sarili. Siya si Cassandra Axford isang fourth year high school student, ang pasaway na bunsong anak ni Don Fernand. Dumating sa punto na naubos na ang pasensya ng Don sa kan’yang anak kaya ipinagkatiwala na lang niya ito sa taong pinagkakautangan ng kanilang pamilya, umaasa ito na mapapatino nito ang dalagita. Hindi matanggap ng dalaga na kinokontrol siya ng ibang tao at labis na ikinagalit niya ang pakikialam ni Mr. Vanderberg sa kan’yang buhay. Ang lalaking inakala niyang fiance ng kapatid niyang si Almira ngunit walang alam ang dalaga na siya ang kabayaran sa pagkakautang ng kanilang pamilya. Dumating ang araw ng kasal ni Mr. Vanderberg at Cassandra ngunit naglahong parang bula ang dalaga. Labis na nasaktan si Harvey dahil sa matinding kahihiyan at sa pagkawala ng kan’yang bride. After five years sa muling paghaharap nila ay matinding galit ang naramdaman ni Harvey ng makita niya na ang nawawala niyang bride ay may sarili ng pamilya. Ipinangako niya sa sarili na pahihirapan at sisirain niya ang pamilya ng babaeng minahal. Magtagumpay kaya si Harvey na sirain ang buhay ni Cassandra? Ano ang gagawin ng binata kung malaman niya ang pinakamalaking sikreto sa pagkatao ni Cassandra na siguradong wawasak sa kanyang puso? Halina’t samahan n’yo akong tumawa at umiyak sa kwentong pag-ibig ni CASSANDRA at HARVEY sa “THE BILLIONAIRE’S MISSING BRIDE.”
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.