"Tinraydor mo ako!" sigaw ko habang hindi na hinarap pa ang aking asawa. "Pero palalayain kita. Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita." Tumulo ang masaganang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. At saka ako nag patuloy na muling maglakad palabas ng gate ng bahay. Lahat ng mga pangarap ko, kasama si Lyndon. Kaya ngayon, hindi ko alam kung saan at paano nga ba ako mag-uumpisa.
Desperada. Mukhang pera. ilan lamang sa masasakit na salitang pikit mata na lamang tinatanggap ni Karen. Maging ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawang si Simon kasama narin ang pisikal at emosyonal na pananakit nito sa kanya. Si Simon na kanya raw "Pinikot"para mapilitang sya ay pakasalan para maging asawa. Kinakaya ni Karen ang lahat lalo na ng isilang nya ang kanyang anak. Ramdam nya ang malamig ding pagtingin ng asawa sa sanggol na kanyang iniluwal. Masakit man para sa isang Ina ang isiping hindi tanggap ang kanyang anak. Ngunit pilit paring lumalaban si Karen dahil alam nyang hindi sya nag-iisa.. Dalawa na sila ng anak nya.. Ngunit hanggang saan at kailan ka lalaban kung maging ang anak mo ay na nadadamay na sa kaguluhan?
Pinagmalupitan at alila ang turing sa dalagang si Ana Joy ng mga kamag anak na kumupkop sa kanya ng siya ay ma ulilang lubos ng kanyang mga magulang na sabay namatay dahil sa aksidente. Ngunit dahil sa likas na busilak ang puso ni Ana Joy, isinakripisyo niya ang kanyang sarili kapalit ng kanyang pinsan at huwag lamang ipakulong o patayin ang kanyang tiyuhin dahil sa pagkakautang ng malaking halaga sa isang malupit na bilyonaryo. Ano ang kapalarang naghihintay kay Ana Joy sa kamay ni Damian Zarrate na may madilim na nakaraan?
Nagkamali si Alexis ng taong binangga. Dahil sa isang pangyayari ay nagulo ang lahat ng plano niya sa buhay. Tinakwil siya ng kanyang mga magulang dahil sa kasalanang hindi naman niya talaga ginawa. Matapos ang ilang taon ay hindi akalain ni Alexis na muli pa silang magtatagpo ng bilyonaryong si Dark Lee na isang demonyong nagpapanggap na tao para sa kanya. Isang demonyo na laging handa upang pahirapan siya. Isang demonyong malaki ang kinalaman sa kung ano ang nangyari sa kanya sa nakaraan.
Isinumpa ni Marga sa kanyang sarili na hindi na siya kailanman magbabalik pa sa bayan ng Guadalupe. Ngunit dahil wala na silang mapuntahan ng kanyang anak kaya naman wala na silang pagpipilian pa kung hindi ang manirahan dito. Ngunit ano ang naghihintay na kapalaran sa mag-ina lalo na sa kamay ni Mayor Yael na malaki ang galit sa pamilya ni Marga? At mananatili nga bang sikreto ang lihim na itinatago ni Marga?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.