At the age of forty-four, Javier Antonio De Vera was elected as the second youngest President of Republic of the Philippines. Ngunit sa kabila ng magandang pamumuno niya sa bansa, tila hindi niya magawang pamunuan ang sariling pamilya. He felt that everything is falling apart. His wife suddenly died five years ago because of Food Poisoning. Simula noon ay napabayaan niya ang kanyang nag-iisang anak na si Marcela dahilan para lumayo ang loob nito at magrebelde. All these years, Javier didn’t know that Marcela is dealing with Depression at her young age of fifteen. At parang isang anghel na pinadala ng langit ang dalagang si Regina sa kanilang mag-ama nang minsan magtangkang magpakamatay ang kanyang anak. Sa pagdating nito sa buhay nila. Nagmistula itong tulay na nagdugtong muli sa kanilang mag-ama. She takes care of them as if they are her family. Sa laki ng responsibilidad na nakaatang sa balikat ni Javier, bilang Leader ng bansa. Nagagawa ni Regina na pawiin ang lahat ng alalahanin at pagod niya. They find themselves one day falling so fast and deeply with each other. Tinanggal ni Regina ang lungkot niya sa buhay. Kapag kasama niya ang dalaga, pinaparamdam nito na hindi siya ang Presidente ng Pilipinas kung hindi isang ordinaryong lalaking nakakapagpaligaya dito. Binuhay nito ang puso niyang nakalimutan na yata umibig. Pero hindi naging madali ang lahat para sa kanila. Kinailangan nilang ilihim ang kanilang relasyon dahil na rin sa estado niya sa bansa. Hanggang sa dumating ang isang tao mula sa nakaraan niya. Nabuhay ang lihim niyang tinatago sa pagkamatay ng asawa at hindi niya nagawang protektahan si Regina nang madamay ito sa gulo ng buhay niya.
A supermodel like Lia Santillan lives a perfect life. Iyon ang akala ng karamihan. Dahil sa likod ng mga ngiti, magandang larawan at marangyang lifestyle. Sa likod ng runway stage at flash ng camera, isang katotohanan ang hindi niya kayang dayain. Lia is living a life full pain and sadness. Five years ago when her five-year-old daughter, Avery, died from an inoperable tumor called DIPG. Matapos iyon ay unti-unting nasira ang relasyon nilang mag-asawa dahil sa isang larawan na sumira sa imahe niya kay Michael. Hanggang sa tuluyan iyon nauwi sa hiwalayan. Bilang ganti sa kanya ng asawa sa inakala nitong panloloko niya, mariin nitong pinagkait na ibigay sa kanya ang annulment. Lumipas ang limang taon, tuluyan nawalan ng komunikasyon si Lia sa asawa. They both lived their own lives. Siya bilang sikat na modelo, at ito bilang pribadong businessman. Ngunit nag-krus muli ang kanilang landas nang isang araw ay pumunta ito sa bahay nila, dala ang hindi magandang balita. Ang lola nito, si Lola Martha na naging malapit sa kanya noong nagsasama pa sila ay naospital at hinahanap siya. Hindi nagdalawang isip si Lia na puntahan ang matanda, at bago pa matapos ang araw. She found herself in the bed with him. Seven weeks later, a shocking news came to her that change her life. Lia is pregnant.
At the young age of fourteen, Musika has seen the worst. Matapos siyang mag-kidnap ng isang Sindikato. Doon, naging saksi siya sa paggahasa sa isa sa mga kidnap victim. The girl was raped and killed in front of her. She was saved eventually, but the loud s****m and cry of that girl begging those men, became Musika’s reason to dream and become an NBI Agent. Makalipas ang ilang taon, lumaki at nagdalaga si Musika na matapang, walang kinatatakutan, astig. Sa layunin niyang iligtas at tulungan ang mga biktima, at sa pagtupad ng tungkulin niya. Musika lost the love of her life. Her fiancé, Tommy. Sa pagkawala nito, tuluyan sinarado ng dalaga ang puso niya. She will never love someone else. Iyon ang pangako niya sa sarili. But some promises are bound to be broken. Musika met Edward Pangilinan, isang bagong agent na nadestino doon sa main headquarters ng NBI. Sa unang beses pa lang nilang pagkikita, nag-iwan na ng kakaibang impresiyon sa kanya ang lalaki. He is manipulative, aggressive and brave enough to go against her words. Pero ang mas nakakapagtaka ay ang kakayahan ni Edward na pasunurin siya sa bawat sabihin nito. Hanggang sa natagpuan ni Musika ang sarili sa mga bisig ng binata. Loving his presence, enjoying his care, liking his kiss, his every touch. And maybe, some great things never last. Musika found herself alone again, after Edward left on a mission and never came back.
Para kay Migs, business is life. Pinalaki siya ng ama at ate niya sa mundo ng negosyo. Kaya naman gagawin ng binata ang lahat ng paraan makuha lang ang kanyang gusto. That includes the heart of this mysterious woman named Anne Marasigan. A blind but mysterious and beautiful woman. Ang dalaga ang nagma-may-ari ng kahuli-hulihan lupa kung saan nila itatayo ang Hotel Santillan Beach Resort & Leisure Park. Hindi nila masimulan ang proyekto dahil sa pagmamatigas ng babae at ayaw nitong ipagbili sa kanila ang lupa. Sa kabila niyon ay humanga siya sa paninindigan at determinasyon nito at lalo lang siyang na-challenge. And giving up is not in his vocabulary. He is Himig Van de Berg Santillan. He grew up and learned from his Dad that giving up is not an option and there is always a way. Kung hindi nila makuha si Anne sa maayos na usapan at pakiusap. Then, he will proceed to Plan B. Make her fall for him and from there he will persuade her to sell the property. After all, she’s blind. Madaling kuhanin ang loob at mabola dahil hindi naman siya nakikita nito. Ngunit sa pagtira ni Migs sa iisang bubong kasama si Anne. Nakilala niya ito. Nalaman niya ang mas malalim na dahilan kung bakit ayaw nitong ibenta ang lupa. Imbes na ang babae ang mapaibig. His heart gave in instead. He just wants to be there for her. Take care of her. Love her and hold her. But a tragedy happened. Dahil sa trahedyang iyon, lumayo at nawala si Anne sa kanyang buhay. Pero hanggang doon na lang ba talaga sila?
Gumuho ang mundo ni Amihan matapos sumabog sa kanyang harapan na tila bomba ang katotohanan tungkol sa asawa. He is gay. Handa siyang tanggapin ang buong pagkatao nito, ngunit dumating ang araw na kinatatakutan niya, ang tuluyan siyang iwan nito. Two years later, after their divorce, Amihan came face to face with her ex-husband again. Ngunit sa pagkakataon na iyon, kaylaki na ng pinagbago nito, literal. He’s already a Transgender. Amihan became more devastated. Dumagdag pa sa bigat ng nararamdaman ang problema sa negosyo. Matapos pumanaw ang isa sa pinagkakatiwalaan niyang tauhan ng Bloom Breeze International, nalaman ni Amihan na matagal na pala siyang ninanakawan nito at nabaon sa utang ang buong kompanya. At kailangan niyang mabayaran ang utang na iyon kung ayaw niyang makuha ng mahigpit na kalaban niya sa negosyo ang buong BBI. Sa gitna ng tambak na problema. Her younger twin brothers and quadruplets sisters came up with a solution, kapalit ng perang ipapahiram ng kaibigan ng isa sa kambal sa BBI, kailangan niyang magpakasal kay Alvin Sebastian. A man who is ten years younger than her. No way!
Nightmares. Sleepless Nights. Post Traumatic Stress Disorder. Anxiety. Malaya Santillan had to deal with the aftermath of her attempted murder. Kaya naman para tuluyan makalimot sa nangyari, umalis siya ng Pilipinas at namalagi sa Grindelwald, Switzerland. The initial plan was just a vacation with Musika, but later on, she chooses to stay. She shut down all the people around her including her family. Hanggang sa lumipas ang dalawang taon, hindi na umuwi pa si Laya. Inakala ni Laya na magiging maayos na ang kanyang lagay kapag nakalayo, ang ganda ng lugar na tinitirahan niya ay tila nakakatulong sa kanya para tuluyan makalimot sa nangyari. Pero lahat nang iyon ay sa una lamang, sa tuwina ay dinadalaw siya nang gabing nangyari ang muntikan pagpatay sa kanya. Everytime, she closes her eyes, she can still the image of Jim Dela Torre. Kinakailangan pa niyang uminom ng gamot sa gabi para lang makatulog siya. Dahil doon, sinubsob ni Laya ang sarili sa trabaho. But everything changes when Chad Alejandro came. Her closest guy friend since college. Sa unang pagkakataon, matapos ang dalawang taon, naramdaman niya ang saya na may muling makausap na kaibigan. For the first time, after the attempted murder, Laya opened to him about what happened that night. She broke down and cried in his arms. Pero kinabukasan, pakiramdam niya ay gumaan ang kanyang kalooban. Bilang pasasalamat, niyaya ni Laya si Chad na kumain sa labas. They had dinner and wine after. And when they got home, he suddenly kissed her. And that simple kiss leads them to bed. Then, that one-night changes everything between them.
Hiraya found himself sad and alone after their youngest sibling got married. Nang malaman ng bunsong kapatid na si Yumi ang kanyang pinagdaraanan. She set him up on a blind date. And to his surprise, ang dumating nang gabing iyon ay walang iba kung hindi si Samantha, ang kanyang ex-girlfriend noong College na huli niyang nakita fifteen years ago. Ang unang date ay nasundan pa ng isa hanggang umabot sa apat na beses. Hanggang isang araw ay isang katotohanan ang nalaman ni Hiraya, he had no idea that months after they broke up, Sam found out that she's pregnant and he is the father of her child.
Sa pitong magkakapatid, si Yumi ang pinaka-masayahin. She loves to make her loved ones happy. She’s everyone’s darling. Pero sa likod ng magandang mukha at ngiti na iyon ay isang mabigat na sakit ang dinadala niya sa loob ng pitong taon. Seven years ago, Yumi was diagnosed with coronary artery disease, where a plaque builds up can narrow the arteries and decreasing the flow of blood to her heart. Sa loob ng mga taon mula nang malaman ang kanyang kondisyon. Sinubukan na niya ang lahat ng klase ng paraan para gumaling siya, she even undergone open heart surgery, but the surgery ended up failing. So, they came up to their last option, a heart transplant. Yumi is dating Mikee Reyes, anak ng isa sa pinakamalaking Chinese-Filipino businesswoman na kilala sa tawag na Mrs. Chen. Dahil nag-iisang anak at walang asawa, lumaking mama’s boy si Mikee. Isang rason kung bakit patago ang kanilang relasyon. Malaki ang takot nito sa ina na wala itong ginawa kung hindi umoo lang ng umoo sa sinasabi ng ina. Ngunit kahit na ganoon, palibhasa’y mahal niya ang nobyo kaya tinanggap iyon ni Yumi. Ngunit dumating ang araw na nalaman niya ang totoo, may ibang girlfriend pala si Mikee at nakatakda na ang kasal ng dalawa. Sa panahon broken hearted siya naging close sa kanyang doctor na si Carlo De Luna. Dahil magkalapit lang halos ang edad nila, madali silang nagkasundo at nagkapalagayan ng loob ni Carlo. Yumi also find herself confiding to him about her love problems, and always willing to listen to her. He helped her heal her broken heart. She found herself comfortable around Carlo. From friends they leveled up and went on dates. Yumi decided to open up her heart again and give love another chance, this time with Carlo. Ang buong akala ni Yumi ay magiging maayos na ang lahat. Pero dumating ang araw na natuklasan niya ang pagsisinungaling ni Carlo.
“When you smiled at me, binulong ng puso ko. Ikaw ang lalaking makakasama ko habang buhay.” Teaser: Lady is famous in the social world. Lahat ng mata ay sa kanya nakatuon. Hindi na kataka-taka ‘yon dahil she’s the only child of Senator Mario Castillo. A real socialite as they call her. Sa kabila ng katanyagan, yaman at atensiyon ng publiko sa kanya. Still, she felt the emptiness inside her. Hanggang sa masangkot siya sa dalawang magkasunod na eskandalo na ikinagalit ng husto ng magulang niya at gumiba sa magandang imahe niya. Her savior came sa katauhan ni Humphrey, ang sikat na photographer na minsan na rin niyang nakatrabaho. Nagkasama sila nito ng kinailangan niyang magtago sa media dahil sa mga kabi-kabilang issue sa kanya. At habang tumatagal ang pagsasama nila ng binata. Hindi maiwasan na makigulo ng puso niya. Bakit ba ganito na lang ang nararamdaman niya para dito? Was she in love with this stranger?
Sa pagbabalik ni Cassy ng Pilipinas ay hindi niya inaasahang madurugtungan ang nakaraan nila ni Leo. Ang pagkakaligtas nito sa kanya sa tatlong lalaking humarang sa kanya sa gitna ng dilim ang naging daan upang maging madalas ang pagsasama nila. At sa mga sandaling kaharap at kausap niya ito, muling nabuhay ang pag-ibig niya rito na inakala niyang matagal nang naglaho sa puso niya. Ang nakakalungkot lang ay tila sarado na ang puso nito. Ibang-iba na rin ito sa dating Leo na kilala at hinangaan niya. Wala na ang mga ngiti nito, sa halip ay lagi itong seryoso. Nalaman niyang nakakulong pa rin pala ito sa isang pangyayari sa nakaraan na nagpatigas sa dating mapagmahal na puso nito. Ngunit ipinangako ni Cassy sa kanyang sarili na ibabalik niya ang dating Leo. Gagawin niya ang lahat, maiahon lamang niya ito sa madilim nitong nakaraan. Kahit pa masaktan siya nang ilanga beses at kahit alam niya kung gaan ito kahirap mahalin.
Nang dahil sa naudlot na kasal ni Allie ay mas pinili niyang lumayo. Sa tulong ng matalik niyang kaibigan ay natagpuan niya ang katahimikang hinahanap niya at unti-unti ay nakalimutan niya ang masaklap na kapalaran sa buhay pag-ibig. Pero ginulo na naman ang isip niya ng isang misteryosong lalaki sa kanyang panaginip. Mabuti na lamang at may nakilala siyang bagong kaibigan -- si Darrel James Luciano. Tuwing napapanaginipan niya ang lalaking iyon na tuwina ay hindi niya nakikita ang mukha ay inaaliw siya ni Darrel at inaalis nito ang inis niya. Sa muling pagbangon niya ay nakaalalay ito sa kanya. Kaya sa paglipas ng mga araw na nakakasama niya ito ay hindi napigilan ni Allie ang puso na mahalin ito. Masayang-masaya siya nang magpahayag ito ng pag-ibig sa kanya. Ngunit agad din pala iyong mapuputol dahil sa pagbabalik ng isang taong ayaw na niyang makita at pagsulpot ng lalaki sa kanyang panaginip.
“I want to spend my life waking up in the morning and stare at your beautiful eyes and tell you how much I love you.” Hindi na bago sa lugar nila ang lantaran niyang paghayag ng matinding paghanga kay Victor. Kulang na nga lang ay patayuan niya ng altar sa gitna ng kalyeng iyon ang lalaki. Akala niya ay tunay na pag-ibig na ang nararamdaman niya para kay Victor. Nagbago ang lahat ng kinailangan niyang makisama sa numero unong kontra sa buhay niya. Si Rene Roy Cagalingan. Kaya ganoon na lang ang inis niya para sa lalaki. Hanggang sa isang araw ay magising siya na tila may nararamdaman na para dito. Mahal na niya ito. Would she be able to fight for her love? Sa kabila nang katotohanang ang kaibigan niya ang mahal ng lalaking mahal niya.
She was supposed to confess her feelings to Grayson Evans that night, her one and only best friend. But in just a snap of a finger, everything changes, after she was hit by a raging car that lead to her death. Kaylee thought that’s the end of her life on earth. She quickly accepts her death and now ready to cross the after life. But the angel of God gave her another chance to go back. Not to her body, but to go back in time. Thirty-one days earlier before the accidents happen that killed her. And in a span of thirty-one days, Kaylee have to complete her mission. To be able to confess to Grayson that she’s in love with and to tell him truth. A sin that gave him endless guilt and sleepless nights.
I'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it? Teaser: Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yumaman para guminhawa ang kanyang buhay. Hanggang sa makilala niya si John Michael Lombredas, ito ang naging daan sa biglang pagbabago ng kanyang buhay. At sa bawat araw na lumipas na nakakasama niya ito, naging malapit siya dito. Natagpuan niya ang sarili na umiibig sa estrangherong biglang sumulpot sa buhay niya. Siya na yata ang pinakamasayang babae ng magpahayag ito ng parehong damdamin at hindi nagtagal ay magpakasal silang dalawa. Ngunit isang lihim ang tumambad sa kanya na siyang kinasira ng pagtitiwala niya sa kanyang asawa. Dahil sa sakit na dulot ng pangyayari, mas ninais niyang tumakbo at lumayo dito, na siyang naging dahilan upang maaksidente siya at mawalan ng malay. Sa kanyang paggising, ganoon na lang ang takot na naramdaman niya ng wala siyang matandaan sa kanyang nakaraan. Sino siya? Sino ang lalaking nasa larawan kasama niya?
"Kung sa mata ng buong Pilipinas, anak ako ng Presidente. Sa mga mata mo, gusto kong makita mo ako. Bilang isang simpleng lalaki na nagmamahal sa'yo." Teaser: Jhanine is a simple girl living a simple life. Kuntento na siya sa kung ano man ang ipinagkakaloob sa kanya ng Diyos. Kung meron siyang nirereklamo sa buhay niya, iyon ay ang pang-aasar sa kanya ni Prince Daryl Rivera. Ang kababata niya at anak ng Senador. Ang simpleng pamumuhay niya ay biglang nagbago ng masangkot sila ni Daryl sa isang eskandalo at malathala ang mukha nila sa diyaryo ng magkalapat ang mga labi. Kaya nang magkita sila, sinalubong niya ito ng isang suntok. Ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya ng sa mismong harap niya at ng mga kasamahan niya sa trabaho, ay sinabi nito na in love daw ito sa kanya. At sa pagdaan ng mga araw na nagkakasama sila. Hindi na yata napigilan ni Jhanine ang sarili na mahalin ang lalaking dati'y mortal niyang kaaway. Isa lang ang tanging gumugulo sa isip niya, kayanin kaya niya na harapin ang klase ng mundo na ginagalawan nito? O mas nanaisin na lang niyang talikuran ito at bumalik sa simpleng buhay na nakasanayan niya?
"I've been in love with you the moment that I met you. At kung itatanong mo sa akin kung paano kahit minahal. Hindi kita masasagot dahil hindi ko rin maipaliwanag. Basta gumising ako isang umaga na ikaw ang tinitibok ng puso ko..." Teaser: Hindi napigilan ni Madi ang sarili nang mag-krus muli ang landas nila ng taong naging dahilan kung bakit nawalan siya ng trabaho. Si Chef Rio Vanni Cruz. Kaya sa sobrang inis ay bigla niya itong sinuntok sa harap ng maraming tao. Nangako din siya sa kanyang sarili na gaganti dito. Kaya nag-apply siya sa restaurant na pag-aari nito para maisakatuparan ang plano niya. Ngunit nakalimutan niyang bigla ang planong pagganti nang unti-unti'y makilala niya ang tunay na Vanni. At hindi rin napigilan ang puso na ibigin ito. Pero mukhang may hahadlang pa yata sa bonggang pagmamahal niya para sa binata.
Cold. Fearless. Luna is no damsel in distress. She’s far from it. Her job as a secret agent gives her to live a life in darkness. She does undercover missions at day, a cold-blooded Assassin by night. Sa bawat araw na lumalabas siya ng bahay ay kalakip niyon ay ang paghihintay na magkita sila ng kanyang kamatayan. After all, she has nothing to lose anymore. Ngunit nagbago ang kanyang pananaw sa buhay nang makilala si Blaine Montejo, ang subject ng kanyang latest undercover mission. Her job is to find evidence that Montejo Group is the secret and biggest mafia group in the country. Sa pagpasok niya sa mundo ni Blaine, sa halip na ebidensya na magdidiin dito ang kanyang nahanap. Luna found herself falling to his arms instead. One night, Luna received an assassination assignment from her superior to kill Blaine Montejo.
"Having someone like you in my life, is the best thing that happened to me." Teaser: Third year highschool nang mag-transfer sa Buting National Highschool si Abby. Doon niya nakilala ang guwapo at sikat sa buong campus at basketball player na si Victor. Naging magkaibigan sila and later on, they became bestfriends. Ngunit kasabay nang paglalim ng pagkakaibigan nila, ay paglalim din ng nararamdaman niya para sa binata. Hanggang sa lumaki sila ay mahal pa rin niya ito. Ngunit paano niya masasabi sa bestfriend niya na higit pa sa pagiging magkaibigan ang tunay niyang damdamin para dito? Kung hanggang sa kanilang paglaki ay ang tingin nito sa kanya ay isang tomboy.
Tahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop. Nagulo lang ang lahat sa buhay niya nang bigla siyang magka-utang ng two point eight million pesos kay Jared Bandonillo. At bilang kabayaran, hiniling nito na magsilbi siya dito bilang isang 'housemaid' nito sa loob ng dalawang buwan. Labag man sa kalooban niya, pumayag siya dahil wala naman siyang choice. Ngunit iyon na yata ang pinaka-malaking pagkakamaling ginawa niya. Dahil habang tumatagal siya sa pagsisilbi sa binata. Kasabay niyon ay ang unti-unting pagtibok ng puso siya para dito. Paano na lang kung isang araw ay matuklasan niyang isang malaking kalokohan lang pala ang lahat ng iyon?
"I will shower you with kisses everyday. That's my revenge." Teaser: Umalis si Bernadette sa Canada at nag-desisyon na umuwi ng Pilipinas nang hindi nalalaman ng kanyang Daddy. She has to do that. For her freedom. For her own life. Tumuloy siya sa bahay ng pinakamalapit niyang pinsan. At doon sa lugar na tinutuluyan niya, nakilala niya si Wesley. Hambog at malakas ang bilib sa sarili. Ngunit ang pinaka-ayaw niya dito ay napakaguwapo nito. Na kahit na anong gawin niyang iwas dito, nagagawa pa rin nitong makalapit sa kanya. Hindi rin niya alam kung paano nito nagagawang pabilisin ang t***k ng puso niya. Hanggang sa isang araw, namalayan na lang niya ang sarili na umiibig dito. At sa paghahanap niya sa Ina niyang nawalay sa kanya ng matagal na panahon. Si Wesley ang nasa tabi niya at dinamayan siya sa mga sandaling labis ang kalungkutan niya. Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay niya nagpahayag ng pag-ibig si Wesley sa kanya. Nagkita na sila ng Mommy niya. Ngunit kasabay niyon ay ang pagdating ng kinatatakutan niya, dumating ang Daddy niya at pilit siyang nilayo sa lalaking pinakamamahal niya. Hanggang kailan niya matatagalan ang buhay na malayo sa piling nito?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.