R-18: STORY WITH EXPLICIT/MATURE CONTENT She considered herself as Andrew's number one fan. Si Andrew Scott, isang sikat na actor at dito lamang umikot ang mundo ni Lana mula pagkabata. Pangarap niya itong makita at mayakap. Pangarap niya itong pakasalan. Pero hindi niya inakala minsan man na ang lahat ng pangarap at pantasya niya tungkol kay Andrew ay maaaring magkaroon ng mas nakakakilig pa palang mga eksena. Mas higit pa sa inakala niya. Hindi lang madali dahil magkaiba sila ng mundo, kaya napilitan siyang lumayo. Pero tunay nga na nagiging maliit ang mundo sa mga taong itinakda ng tadhana para sa isa't-isa. Dahil muli silang nagkita ng binata makalipas ang tatlong taon. At sa pagkakataong ito alam niyang wala na siyang magagawa pa, kundi ang ipakilala ang binata kay Andrea, ang anak nila na naging bunga ng isang gabing para kay Lana ay siyang katuparan ng matagal na niyang pag-ibig para sa hinahangaang artista.
Nagalit si Portia at lumayo kay Vincent nang malaman niya ang ginagawang pagsisinungaling sa kaniya ng huli. Nasaktan siya ng labis dahil narin sa labis na pagmamahal na mayroon siya para sa kaniyang asawa. At ang sakit na iyon ang naging dahilan kaya mas pinili niyang ilihim kay Vincent ang tungkol sa anak nila, kay Vince. Pero iba palang magparusa si Vincent, dahil makalipas ang tatlong taon nagkita muli silang dalawa. At sa pagkakataong ito binigyan siya ng chance ng lalaki na pagbayaran ang lahat ng atraso niya rito, ang atraso ng pagtatago niya sa anak nila. Pinarusahan siya ni Vincent pero kakaibang pagpaparusa ang ginawa nito sa kaniya. Mainit, nakakapaso, nakakabaliw at talagang kulang ang kahit anong salita para ipaliwanag kung gaano kasarap. Pero hindi lang doon natatapos ang problema nila, may taong galit sa kaniya at nakahanda ito gumawa ng masama, mapagbayad lamang siya.
Louis Dela Llana: He used to be a faithful boyfriend. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang iwan at saktan siya ng unang babaeng minahal niya ng totoo, si Rhiza. Iyon ang dahilan kung bakit biglang nawala sa bokabularyo niya ang salitang ‘faithful’. At ang matindi ba, natutunan niyang lagyan ng expiration date ang lahat ng babaeng nakakarelasyon niya. Good for two months lang. Dahil base narin sa sarili niyang karanasan, habang tumatagal ang isang relasyon lalong lumalim ang pagmamahalan at higit sa lahat sa bandang huli mas masakit ang hiwalayan. Until dumating sa buhay niya ang isang maganda at simpleng babaeng parang walang pakealam kahit sikat at hinahabol man siya ng napakaraming babae sa university nila, si Jade. At kahit sobrang taray nito na parang dinaig pa ang Hungarian Horntail kung magalit ay nakapagtatakang hindi niya mapigilan ang sariling lapitan ito ng lapitan. Gusto niyang lagi itong nakikita, napapasaya, nakakausap hanggang sa matagpuan niya ang sariling parang gusto niya itong laging protektahan at sa kalaunan ay napansin niyang gusto na niya si Jade ng higit pa sa kaibigan lang. Alam niyang kaya niyang gawin ang lahat para kay Jade. At gagawin niya ang lahat maging sila lang hanggang sa huli, ipaglalaban niya ito kanino man. Kahit kay Cindy, ang ex niyang sobrang obssessed sa kaniya. Maging kay Carol na sarili pa niyang ina.
Sa unang pagkikita palang ay iba na ang nakita at naramdaman ni Enzo para kay Ynah. Pero dahil napakabata pa nito ay minabuti niyang walain ang kakatwang damdaming iyon. Pero pagkakataon ang masasabi niyang talagang naglalapit sa kanilang dalawa dahil muli nanaman silang nagkita ng dalaga sa gabi ng pasayaw sa bayan ng San Lorenzo. Malakas na atraskyon ang nararamdaman niya tuwing nasa malapit ito. At ganoon rin ang naramdaman nya nang makalipas ang apat na taon ay muli nanaman silang nagkita. At sa pagkakataong iyon wala ng dahilan si Enzo para pakawalan ito dahil gaya na nga ng naipangako nito kay Ynah noon. “I’ll make you mine.”
Keira, a woman who is always gets fired from her job. It wasn't because she was lazy, it was just because she was really destined to meet Charles. The President and CEO of the Bluebook Book Store who fell in love with her. She also likes Charles. And eventually, she fell in love with the man. But he was a playboy and Keira did not want to cry in the end. Until her first love, Erik returned. And the man is ready to stand up for her now.
May pagmamahal na kung minsan kahit magkalayo, kahit walang pinag-usapan at kahit walang katiyakan ay hindi maiwasang kapitan at panghawakan. Lalo na kung doon ka nagiging buo at masaya. At ganoon ang nangyari kay Michelle nang umibig at masaktan siya kay Ace. Pero hindi nagawang sirain at walain ng sakit na iyon ang pagmamahal na mayroon siya para sa binata. Sabi nila, nauulit ang kasaysayan. Gusto niyang maging mas matalino sa muli nilang pagkikita ni Ace pero ayaw sumunod ng puso niya, ano ang gagawin niya?
Minsan nang nawala sa buhay niya si Joan at wala siyang nagawa doon. Kaya naman sa muli nilang pagkikita hindi siya nagdalawang isip na gawan ito ng pabor. Malaking pabor na alam niyang para rin sa kanya. Inalok niya ito ng kasal sa kagustuhang itaboy si Paul, ang lalaking naging dahilan ng pagkawala ng paningin ng dalaga. Pero hindi naging madali ang lahat. Dahil kahit nasa kanya na ang babaeng pinakamamahal niya, marami palang paraan para mawala itong muli sa kanya. Isa na doon si Letty na ang plano ay burahin sa mundo ang kanyang asawa.
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Umuwi si Doctor Jake Rellama ng Pilipinas upang hanapin ang kaniyang ina. Wala na sana sa plano niya ang mag-aksaya ng panahon para gawin iyon pero dahil sa kahilingan ni Vivian, ang babaeng nagpalaki sa kaniya ay napilitan siyang sumunod. Noon nga nabuhay sa puso ng gwapong doktor ang galit. Gusto niyang hanapin ang nanay niya, para sumbatan at ipamukha rito kung nasaan at ano na ngayon ang batang walang pagdadalawang-isip nitong ipinamigay noon na parang isang lumang laruan lang. Pero nakilala niya si Monica at ang kwento ng buhay nito ang unti-unting bumago hindi lang sa paniniwala niya kundi lalong higit sa hugis ng kaniyang puso.
Sa pagtakas ni Mia mula sa malungkot na buhay na ibinigay sa kaniya ng demonyo niyang kinakasama na si Bernie, isa lang ang hangarin niya. Ang magbagong buhay. Ang maging lubusang masaya. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli silang nagkita ni Erik. Si Erik ang unang lalaking minahal ni Mia. Isang uri ng pagmamahal na siya at ang hangin lamang ang nakakaalam. Dahil hindi niya iyon naipagtapat sa binata noong mga bata pa sila. Hindi nawala sa puso niya ang pagmamahal na iyon. Dahil sa loob ng mahabang panahon, aminado siya na ito lamang ang lalaking minahal niya. At iyon ang dahilan kaya nagagawa niyang ibigay kay Erik ang sarili niya. Nang paulit-ulit, kahit pa wala silang relasyon, kahit wala itong sinasabi. Masaya siya at totoong nakakalimutan niya si Bernie sa mga pagkakataon na kasama niya ang binata. Alam niyang hindi titigil si Bernie makuha lamang siya nito. Pero wala narin namang silbi sa kaniya ang buhay niya dahil para sa kaniya patapon na iyon. Kaya bago pa man madamay si Erik sa problema niya, mas nanaisin niyang mamatay nalang.
WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT She considered herself as Andrew's number one fan. Andrew Scott, a famous actor, and has always been the most beautiful highlight of Lana's fangirling years. She dreamed of seeing and embracing him. She dreamed of marrying him. But she never once thought in her fangirl life that all her dreams and fantasies about Andrew could have even more thrilling and romantic scenes. It was more than what she thought. But it wasn't easy because she knew for a fact they were from different worlds, so she was forced to stay away. But destiny has always had its own way of reuniting hearts set for one another. Because Lana met the young man again three years later. And this time she knew she could do nothing more, but introduce Andrew to Andrea, their daughter. The fruit of a nightly fulfillment of all of Lana’s fantasies about her admired actor.
COMPLETED Bata pa si Sara nang una itong masilayan ni Benjamin. Pero sa kabila niyon ay nagkaroon na ito ng espesyal na parte sa kanyang puso. At masasabi niyang puso niya mismo ang nag-alaga ng bahaging iyon kaya hindi niya iyon nagawang ibigay sa iba. Pero hindi madali ang lahat, dahil minsan kahit hawak mo na ang mundo kailangan mo parin itong bitiwan, hindi sa kung anumang kadahilanan kundi dahil pinili iyon ng tadhana. Ang isang tunay at wagas na pagmamahal ay walang pinipiling panahon o edad, minsan kailangan lang maghintay. Pero anong katiyakan ni Benjamin na hindi mahuhulog sa iba at babalik sa kanya ang dalaga kung ang tanging pinanghahawakan niya ay isang pangakong kung tutuusin ay posible rin namang masira?
Nang tanggihan ni Claire ang inialok na kasal ni Lawrence at piliin ang Amerika, nasaktan noon ang binata. Pero nagbago ang ihip nang hangin makalipas ang walong araw ay maganap ang isang malagim na aksidenteng nagbigay daan sa muling pagsasanga ng buhay nina Lawrence at Anya. Ang unang babaeng minahal ng binata, ang unang babaeng pinangarap nito at ang nag-iisang babaeng hindi nawala sa puso nito sa loob ng mahabang panahon. At higit sa lahat ang pinakamamahal ni Lawrence pero minabuti nitong talikuran para sa kapanan ng iba. Kaya naman sa muli nilang pagkikita, sinubukan ng binata ilapit muli ang sarili sa dalaga, pero parang bula itong bigla nalang nawala.Dalawang taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Mapatunayan ba ni Lawrence ang lahat ng nararamdaman nito para kay Anya? Na hindi siya napagod na mahalin ito kahit sa alaala lang niya ito nakakasama? Pero hindi lang si Anya ang nagbalik sa buhay niya, kundi maging si Claire. Si Claire na mas nanaisin pang mawala nalang ang binata bago ito mapunta sa iba.
STORY WITH EXPLICIT/MATURE CONTENT [R18]: (FIND ME: A LOVE THROUGH ETERNITY SEQUEL) Jenny never dreamed of becoming a mistress but that happened. That's why she did not hesitate to go away when she found out the truth, to move on. But life is full of surprises when she and Jason cross paths again. Jason, the first to claim everything that she could give, and this time Jenny knew that her desire for the young man is stronger. And so, it is with him. The reason why she is so ready to get burned. They crave so much for each other and that can even happen every time their eyes meet.
Ipinangako ni Fritz sa sarili niyang walang ibang babae siyang iaakyat sa dream house niya maliban kay Julia. Ang nag-iisang babaeng minahal at minamahal niya mula pagkabata. Pero nasira ang pangakong iyon nang hingin ng isang malapit na kaibigan na patuluyin niya doon ang isang nangangailangan na sa kalaunan ay napag-alaman niyang si Julia pala. Time is forever for those who love truly. Pero paano mangyayari iyon kung nariyan ang asawa ni Julia na siyang mas may higit na karapatan sa babaeng pinakamamahal niya?
WARNING: [R-18] STORY WITH EXPLICIT/MATURE CONTENT "I-I know you're tired, take a rest, I love you so much, you have to always remember that," despite the seeming lump stuck in my throat I still forced myself to say those words that I knew he had wanted for a long time. My husband wants to hear those words from me because he was tired and wanted to rest just like what I have said. When I felt the hot liquid dripping on my forehead followed by the hot lip that also touched it, I cried even more. "Starting tomorrow I need you to be brave, hold your heart, especially when you wake up and my eyes are still closed," Daniel continued. I did not open my eyes but I continued to cry silently. "Until we meet again, sweetheart, Ara, I love you," Daniel said again as I felt him kissed me on the forehead once more. Then I opened my eyes and met his dark eyes. Suddenly it was as if I saw everything he said, that we would meet again at a different time, and will never be apart ever. "Until we meet again, my love," I replied before I raised my head then touched his lips with a warm kiss, for the last time.
WARNING: R[18]: STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Dahil bawal ang kanilang pagmamahalan naisipan nina Vincent at Isla na magpakasal ng lihim upang hindi na magkalayo kailanman. Pero sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay naganap ang isang insidente na kahit sa panaginip ay hindi nila inasahang pwede pa lang mangyari. Gamit ang pera nito ay binayaran ng ina ni Vincent ang ama ni Isla upang ilayo ang dalaga sa binata isang araw bago ang kanilang kasal. Gumuho ang mundo ni Isla dahil sa nangyari. Pero muli silang nagkita ni Vincent, at kahit suklam ito sa kaniya sa hindi niya malaman na kadahilanan ay sinabi sa kaniya ng binata na sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan niya itong pakasalan, kung hindi ay mawawala sa kaniya si Matthew, ang kanilang anak.
STORY WITH EXPLICIT/MATURE CONTENT [R18]: (FIND ME: A LOVE THROUGH ETERNITY SEQUEL) Hindi pinangarap minsan man ni Jenny sa buhay niya ang maging kabit pero nangyari parin iyon. Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na lumayo upang makalimot nang malaman niya ang totoo. But life is full of surprises dahil muling nagtagpo ang landas nilang dalawa ni Jason. Si Jason, ang lalaking unang umangkin ng lahat ng kaya niyang ibigay, at sa pagkakataong ito aware si Jenny na ang desire niya para sa dating nobyo ay mas matindi, at ganoon rin naman ito sa kaniya. The reason why she is so ready to get burned. Masyadong malakas ang pangangailangan nila para sa isa’t-isa that can even happen kahit sa simpleng pagtatama lamang ng kanilang mga mata.
WARNING: [R-18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT) Nang makilala ni Ara si Daniel Trinidad, ang pinakanakakainis na tao sa kaniyang mundo, she actually met the man of her dreams. Ang kaniyang knight in a shining armor na nakahanda siya protektahan anuman ang mangyari. At kahit pa sabihing mistula silang mga aso at puso, nagawa pa rin ni Daniel na gawing kulay rosas ang kaniyang paligid. And soon, thorns. Iyon ay ang sakit na hatid ng katotohanang kailangan niya itong pakawalan at tanggapin ang isang mapait na katotohanan. That their love for each other is not for them to share for life but for eternity.
WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. There are many of them and they come to him voluntarily, because he has a lot of money. He has agreed to find a bride within two months in order to thwart his father's wanting for him to marry his childhood friend who is secretly in a relationship with his best friend, Patrick. Because of this, he offered marriage to a stranger woman who turned out to be the mother of his own daughter whom he had impregnated four years ago, Lara. But what about his father's reputation? The honorable name of their family that had long kept from being tarnished if the woman he chose to marry for his father would bring shame to their family because she is a scourge and a disgrace? Is he willing to lose everything and this time stand up against his father whom he has always followed for the only woman who truly loved him despite him hiding to her his true identity? Where does a romance that started with pure lies lead?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.