Si Hana ay isang college student na nagkagusto sa kaniyang snob and strict professor na si Lance. Sinabi niya sa sarili na gagawin niya ang lahat mapansin lang siya nito. Pero paano niya gagawin 'yon kung mailap ito at parang iniiwasan siya? Kaya naman nakaisip si Hana ng paraan para lihim na ligawan ito. Ang maging secret admirer ng kaniyang professor. Makakamit niya ba ang pinapangarap na atensyon ni Sir? Sabay-sabay tayong kiligin, tumawa, umiyak, masaktan at ma-inlove sa kwento ni Hana at ng kaniyang professor na si Lance.
Allyza Alcantara is simple, yet beautiful student. She is a scholar in a popular university who caught the attention of- Jackson Mondragon, a good looking varsity player and known as a campus playboy. Nagustuhan niya si Ally sa kabila nang pagiging simple pero may mala-anghel na mukha nito at personalidad na malayo sa mga nagiging ka-fling niya sa campus. But Ally doesn't like him simply because he is not her type. She hates womanizer just like her father! Pero paano kung kailanganin niya ang tulong ni Jackson pero may kapalit. Ang maging alalay nito. Makakaya niya magpa-alila sa mayabang na lalaki?
Dahil sa sobrang pagmamahalan sa isa't-isa ay agad nagpakasal sina Elise at Andrei pagtapos ng anim na taong relasyon. Naging masaya sa pagsasama nila bilang mag-asawa at after a year of trying, sa wakas ay dumating na ang pinaka-inaasam nilang biyaya- ang magdalang-tao si Elisse. Masayang-masaya sila sa magandang balitang 'yon not until dumating ang pagsubok sa buhay nilang mag-asawa. She had a miscarriage. Labis silang nanlumo at tila gumuho na ang mga pangarap nila sa nangyari. Hindi nila iyon matanggap lalo na si Elise hanggang maging ang samahan nila bilang mag-asawa ay labis na naapektuhan at doon na rin nagsimula ang sunod-sunod na problema. Makakaya ba ni Elise na tiisin ang lahat kung ang asawa niya na siyang dapat ay kino-comfort siya ay nagpapa-comfort na sa iba?
She is a spoiled brat. Career, Men, Money. Lahat kaya niyang makuha kapag ginusto niya. Pero isa lang ang hindi niya makuha. Ang puso ng bodyguard niya. Kahit anong pang-aakit ang gawin niya rito ay tila balewala dahil ang tingin lang nito sa kaniya ay spoiled brat na gusto lang makuha ang gusto para sa self satisfaction at manipulation. Hanggang sa may magtangka sa kaniyang buhay dahil na rin sa politikong ama kaya naisip ng kanyang mga magulang na ilayo siya at itago sa skwater kung saan nakatira ang pinagkakatiwalaang bodyguard. Makakaya kaya ni Isabelle ang buhay na ibibigay sa kaniya ng bodyguard niya? Pero paano kung madiskubre niya na may lihim pala itong galit sa kanilang pamilya kung kailan mahal niya na ito?
18 years old pa lang nang maulila si Kaila Samonte kaya naman isinama siya ng kaniyang tiyahin sa Hacienda Fontanilla kung saan ito naninilbihan bilang mayordoma. Makikilala niya doon ang anak ng mag-asawang Don Gerardo at Madam Helen Fontanilla na si Grey Fontanilla. Sa kabila ng magkalayong estado sa buhay at walong taong agwat ay hindi iyon naging hadlang para mamuo ang espesyal nilang pagtingin sa isa't-isa. Pero paano kung ang ina mismo ni Grey ang tumutol sa namumuo nilang pagmamahalan at gawing impyerno ang buhay ng dalaga? Kaya bang mamili ni Grey sa dalawang mahalagang babae sa buhay niya?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.