Matagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw niya nang makilala si Gavin. Akala niya, ito na ang babago sa buhay niya dahil ito lang ang nagmahal at rumespeto sa kanya. Akala niya, ito na ang maglalayo sa kanya sa madilim niyang mundo. Ang hindi niya alam, ito pa ang lalong maglalapit sa kanya sa impyernong matagal na niyang tinakasan.
Si Maria Allena Carreon, sa edad na beinte dos anyos ay nangarap ng isang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo. Pero sadya yatang hindi ayon sa kanya ang kapalaran. Not once, not twice but three times. Oo, tatlong beses siyang umibig at nabigo. Kasalanan ba niyang maging marupok sa pag-ibig? Napakadali niyang ma-inlove. Basta tumibok ang kanyang puso, gora na! Push kung push. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Basta ang alam niya, nagmamahal lang siya. Pero dahil sa karupukan niya, nauuwi sa pagkasawi ang peg niya. Luhaan ang lola ninyo. Mabuti na lang at nandiyan si Nikki na handa siyang saluhin sa bawat pagkahulog niya. Handang sermunan at damayan siya sa lahat ng karupukan niya. Okay sana kung kay Nikki na lang siya mahuhulog, ang problema, certified beki ito at imposibleng ma-inlove sa kanya. Tanggap na niyang lagi siyang nahuhulog at walang sumasalo. Sanay na siyang masaktan at masawi. Tama na ang tatlong beses na pagkahulog. Tama na! Suko na siya! Ayaw na niya! Alamin kung mapapanindigan niya at hanggang saan siya dadalhin ng karupukan niya.
Nagmahal... nasaktan... nag-move on? Move on... iyan ang palagi kong naririnig sa mga tao. Pero gaano ba kadaling mag-move on? Madaling sabihin pero mahirap gawin. Panoo ba kalimutan ang isang taong naging malaking parte ng buhay mo? Paano ba magsimula ulit at tumayong muli matapos madapa? Gaano ba kadaling kalimutan ang sakit na dulot ng pag-ibig? Makaka-move on ka ba kung sakaling may magturo sa'yo kung paano gawin 'yon? Paano kung 'yong taong 'yon din ang magtuturo sa'yo kung paano magmahal muli? Handa ka bang sumubok at masaktan muli? Find out how Geraldine Cervantes will move on after all the heartaches. And how did John Dexter Torres teach her how to move on? Let's learn the lessons of moving on.
May mga alaala na hindi madaling nabubura lalo na kung ito ay pinakamagandang parte ng buhay mo. Ang highschool na yata ang hindi malilimutang alaala ni Katherine Marie Loyola. Dito niya unang nakilala ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso ~ si Jon Robert Jones. Isang hearthrobe sa kanilang klase at pinagkakaguluhan, hindi lang ng mga babae kundi ng mga beki. Ito ang unang lalaking nagparamdam ng kanyang halaga pero hindi niya masiguro kung totoo ba ang pinapakita nito. Nag-aalangan siya dahil magkaibang-magkaiba ang estado nila. Malabong magustuhan o totohanin siya ng isang tulad nito. Kaya naman pilit niyang iniiwasan ito at pinapalayo. Paano kung kailan handa na si Jon Robert na patunayan sa kanya ang tunay nitong nararamdaman ay saka naman naglaro sa kanila ang tadhana? May happy ending pa ba para sa kanilang dalawa o mananatili na lamang na isang "alaala" ang kanilang high school life?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.