Tumakas s'ya sa kanilang bayan para makalayo sa panganib at lupit ng mga tao sa lugar na iyon. Pero nagkandaletse-letse ang buhay ni Catalina Adoracion ng maloko s'ya ng bading na nakilala at pwersahang pinasok sa isang club. At doon nakilala n'ya sa unang pagkakataon si Cayde ang lalaking 'malandi'. At ng gabi ding iyon sinubukan n'yang tumakas sa club na iyon. Pero sa pagtakas n'ya nabanga s'ya ng isang babae na nagngangalang Batsy. Ang babaeng tumulong sa kanya para sa panibagong buhay---buhay na kasama sa iisang bubong ang lalaking malandi. Makakaya n'ya kayang iwasan ang tulad nito na waring nabihag ang puso ng babaeng nakilala nito sa club? O baka ito pa ang umiwas pag nalaman nito ang totoo niyang katauhan? The Bad Billionaire Series: Cayde, Love and Lies ©mis_annie
RATED SPG! BAWAL SA BATA! HUWAG NA PONG ITULOY kung hindi ganitong genre ang inyong hanap. Salamat po. THE BROKEN VOW SERIES 1 Maayos naman ang pagsasama ni Melisse at Brent. Mahal na Mahal nila ang isa't isa simula pa noong college, nagpakasal at nagkaroon ng anak. Pero 'yong masayang pamilya na binuo nilang dalawa ay nagbago dahil sa isang hinala. Hinala na nauwi sa pagkabuhay ng curiosity ni Melisse na magsiyasat. At nang makumpira ang hinala kahit pa gustuhin n'ya ng isang pamilya unti-unti iyong nawasak. Lalo pa nang nalaman n'ya ang tunay na sekreto ng kanyang asawa. "Revenge is not just a word for me, it is definitely an action towards those cheaters!" Melisse Sandres
Dahil sa apat na taong paghihintay ni Danny na umabot sa next level ang relasyon nila ni Shaun madami s'yang nasayang na pagkakataon sa buhay n'ya. Sa sobrang pagmamahal niya rito ay nakalimutan n'ya ang sariling kasiyahan then Shade came, Shaun's Twin brother who hates Shaun to the core. To the point that Shade force Danny into marriage. Then everything changed to Danny's life especially when she fell for the bad Billionaire Shade Santi Baniez.
"Minahal ko s'ya pero si Zoey ang Mahal n'ya. Anong laban ko roon? Sa papel lang kami mag-asawa!" Dahil sa pakiusap ng kapatid ni Quinn na si Zoey kinailangan n'yang pakasalan ang kasintahan nitong si Theodore Abe Mcfline. Nangako itong sa pagbalik nito aayusin nito ang lahat at kailangan lang raw n'yang tulungan ang kasintahan nito sa problema nito. Nangako si Quinn na hindi iibig sa lalaking mahal nito. Pero isa iyong malaking kabiguan sa parte n'ya. Nahulog s'ya sa lalaking hindi n'ya dapat mahalin. At malaking gulo ng bumalik si Zoey at binabawi na ang lalaking simula pa lang pag-aari na nito. The Bad Billionaire : THEODORE ABE'S POSSESSION
The Bad Billionaire Series 6: The Mafia Princess Noon pa man alam na ni Keia na ampon lang s'ya, pero sinubukan n'yang ilapit sa pamilyang umampon sa kanya ang sarili. Pero bigo s'yang makuha ang loob ng mga ito. Na-kidnap ang tunay na anak ng Mama Rose and Papa Lucien n'ya, kahit mga awtoridad ay walang nagawa para tulungan ang mag-asawa kaya naman gumawa sila ng isang mabigat na desisyon. Kapalit ng pagbawi nila sa kanilang anak, kailangan nilang ibigay si Keia para sa kalayaan ng kanyang kapatid na si Mary. Hinasa sila ng organization na maging mahusay na babae. Babaeng hinding-hindi matatanggihan ng kahit sino. Para silang puppet na sumusunod sa bawat utos ng organization. Isang misyon ang napunta sa kanya, ang pabagsakit ang lalaking nagngangalang Hendrix Zimmer, nang makilala ito, hati ang puso ni Keia sa planong sirain ang lalaki at ang protektahan ito. Kahit pa, mababa ang tingin sa kanya ng lalaki at itinuring na isa lamang sa mga babaeng maaari nitong hilain sa kama. Umibig si Keia kay Hendrix, kahit pa kapalit no'n ay ang buhay n'ya. Para sa kanya, kung mahal mo ang isang tao, kahit kamatayan pa ang humarang babalewalain mo.
Rom-com Dahil sa hirap ng buhay napilitan si Jas na sumang-ayon sa gusto ng kanyang tatay. Kailangan n'yang pakasalan ang taong pinagkakautangan nito, sa isang judge idinaos ang kasal nila ng lalaking tanging ang alam lamang n'ya ay ang pangalan nito, Laurence Allen Santorin. Nakaitim itong maskara na nagkubli sa mukha nito upang hindi n'ya makilala, at dahil sa galit na nararamdaman sa lalaki ay hindi na n'ya pinagkaabalahan pang kilalanin ito. Sa edad na 23 may isang lalaking umagaw ng inosenteng puso n'ya. Nagpakilala itong L.A, ang gwapong lalaki na bago nilang kapitbahay. Maling umibig rito dahil sa s'ya ay naka tali na sa isang kasal sa lalaking hindi kilala. Pero paano n'ya pipigilan ang sarili kung ang lalaking kapitbahay ay di lang puso n'ya ang pinasok pati ang silid n'ya ay inakyat bahay na nito.
Simula ng mamatay ang kanyang magulang gumulo na ang mundo ni Nazneen. Mula sa mga mapanghamak na kamag-anak sa mother side at sa mga taong gusto s'yang mapahamak tulad ng sinapit ng kanyang magulang. Para maprotektahan s'ya humanap ang Lolo Jako n'ya ng taong maaaring promotekta sa kanya. Saka n'ya nakilala si Gage, ang lalaking napili ng abuelo para alagaan s'ya. Isang lalaking matagumpay sa larangan ng pagnenegosyo pero may mapait na nakaraan---nakaraan na may kinalaman ang kanyang ina. Paano pa s'ya proprotektahan nito kung sa bawat pagtatagpo ng kanilang paningin mukha ng kanyang ina ang nakikita nito. Paano rin kaya niya proprotektahan ang puso mula sa lalaking may pusong bato at may mapait na nakaraan. At paano nga ba ilalayo ni Gage ang sarili sa dalagang nagpapaalala sa kanya ng sakit ng nakaraan, pero ginugulo naman ang puso't isip n'ya dahil sa labis na ka-inosentihan ng dalaga.
Isang mapait na nakaraan sa kamay ng angkan ng ama ni Lucille ang dahilan kung bakit nagpakalayo-layo s\'ya. Misyon n\'yang balikan ang mga ito at pagbayarin silang lahat sa kasalanan nila sa kanya. Bukod doon, target din n\'yang wasakin ang pinakaiingat-ingatan nilang babae sa pamilya. Si Coleen, ang pinsan n\'yang pinakamamahal ng lahat. Magagawa lang n\'ya iyon kapag nakuha na n\'ya ang asawa nito. Sa kanyang pagbabalik, handa s\'yang maging kabit para lang maisakatuparan ang kanyang plano. Lucille The Mistress mis_annie
Misteryosang dalaga ang umagaw nang atensyon ni Soul. Nabighani ang binata sa angking ganda nito. Kaya kahit alam n'yang delikado ang sumunod sa dalagang papasok ng gubat ay hindi s'ya nag-alinlangan. Ngunit isang pangyayari ang naglapit pa sa kanya rito. Makukuha kayang pukawin ng binata ang puso ng dalagang buong buhay ay nanirahan sa kagubatan o mas piliin pa rin n'yang balikan ang buhay niya sa siyudad.
WARNING ⚠️ MATURE CONTENT ⚠️ Bakit sa dami ng pwedeng magustuhan ay asawa pa ng kakambal ko? Iyon ang tanong na paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko ngunit hindi ko naman masagot-sagot. Pansamantala akong nakikituloy sa bahay nilang mag-asawa. Mabait si Meridette, ang kakambal ko at si Timothy na asawa n'ya. Hindi gusto ni Meridette na mag-isa ako sa apartment ko after kong masangkot sa isang car accident. Malaking parte ng alaala ko ang nawala. Kaya labis ang pag-aalala n'ya, lalo't wala akong kasama sa bahay ko. Inalok nila akong manatili sa bahay nilang mag-asawa. Noong mga unang linggo ay ayos pa naman ang pananatili ko roon, ngunit napadalas ang pag-alis ni Meridette. Palagi kaming naiiwan ni Timothy, na walang ibang ginawa kung 'di maging mabuti sa akin. Nagkalapit kami ng lalaki na unang kinaawaan ko dahil pakiramdam ko'y napapabayaan na ng kapatid ko dahil sa trabaho. Dumating ang panahon na nagbago ang pakikitungo ni Timothy sa akin, umabot sa puntong bina-blackmail na ako nito para lang makipaglaro rito. Ang mabait na lalaki ay naging demonyo ang tingin ko kalaunan. Pero sa demonyong tingin ko rito hindi ko namalayan na nahuhulog na ako. Iyong pagkahulog na hindi ko napigilan. Ano ang dapat kong gawin? Paano ko isasalba ang sarili ko at ang relasyon nilang mag-asawa? Paano ko rin nga ba lilimutin ang mga bawal na sandali sa piling ng asawa ng kakambal ko, kung ang bawat sandali na iyon ay ang pinakamasasayang sandali sa buhay ko?
Magulo na ang buhay ko pero mas gugulo pa pala dahil sa kanya. Sa lalaking nangako na proprotektahan ako sa abot ng kanyang makakaya. Ginulo niya ang sistema ko na natural ng magulo. Ginising niya ang mga emosyong matagal ng natutulog pero ang gago proteksyon lang pala ang kayang ibigay sa akin hindi ang puso. Tinamaan din ng magaling ang kupal.
Galit na galit si Landon Sebastian Aiden sa dalagang dahilan kung bakit nasira ang kanyang pamilya. Kaya naman gusto n'yang gumanti, at ang naisip n'yang paraan upang magawa iyon ay ang paibigin ito at iwan pagkatapos, pero kabaliktaran ang nangyari. S'ya ang umibig, at sa araw ng kanilang kasal, s'ya ang iniwan. Naglahong parang bula ang dalaga, parang nawalan ng lakas ang binata na mabuhay pa. When Hearty Rein left, he lost his sanity. He even begged God to save him from pain. Kaya ba s'yang isalba ng pagmamahal n'ya sa dalaga, o maging dahilan pa lalo sa kanyang pagbagsak?
"Surrendering doesn’t mean you’re weak, sometimes you just need to rest or maybe accept the fact that it's not meant for you." - Batsy Buenaventura Lahat na yata nang ginusto ni Batsy nakuha na n'ya. Isinilang sa mayamang pamilya, sunod lahat ng luho n'ya, mahal na mahal din s'ya ng halos lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Pero may isang taong kahit anong gawin n'ya, hindi n'ya talaga makuha at iyon ay si Abram Cleaven. Matalik na kaibigan ng kanyang kapatid. Mahilig sa babaeng mas matanda sa kanya at kahit anong gawing effort ni Batsy ay 'di sapat para mapansin ng gwapong binata. Nang mapagod s'ya sa kahahabol dito, kusa na rin s'yang huminto. Muntik na rin kasi n'yang nakalimutan na tao rin pala s'ya, napapagod. Kaya habang kaya pa n'ya, sumuko na s'ya.
ROMCOM Naglayas si Belle ng malamang ipinagkasundo siya kay Paris Kiefer El Frid. Ang lalaking binansagan nila ng kaibigan si Cara na Mr. Stalker. Dahil sa ginawa niyang pagtalikod sa responsibility walang nagawa ang kuya niya kundi akuin ang tinakasan niyang kasal. Mabilis na naka hanap ng babaeng pwedeng makapareha nito. Pero ng malaman niyang buntis ang kasintahan nito at tunay na mahal na bago ang lahat. Nangako siya sa kapatid na gagawin ang naudlot na kasal sa pagitan nila ni Paris. Ang kaso ayaw na ng binata. Choosy ang gago. At ang naisip niyang plano. Seduce him. In a crazy and wild way. Char paano ba yung wild?
ROM-COM Madami ang takot sa binatang bilyonaryo na si France Kevin El Frid. Pagdating sa negosyo wala itong sinasanto. Kahit pa gumapang sa hirap ang mga katunggali nitong kompanya ay wala man lang nararamdamang guilt ang lalaki. Naging bato ang puso simula ng mawala ang babaeng minahal. Then he met Lila Arguilla, same face with the woman he loves. Single mom sa kambal na anak. Kahit anong tangi ng isip, parang baliw naman ang puso na humabol sa babae na paulit-ulit na iginiit na hindi ito ang babaeng mahal niya. Makukuha kaya niyang mahulog sa babaeng kapareho ng mukha ng kanyang mahal o igigiit pa rin ng puso na ito talaga ang babaeng matagal ng pumanaw.
Girl Power - Ang paghihiganti ng babaeng sawi. The Broken Vow Series 3 Kapatid n'ya ang kaagaw n'ya sa lalaking mahal n'ya. Pero dahil kasal sila ni Dane ay malakas ang loob n'ya na hindi ito magwawagi. Pero sa pag-aakalang malabo nito iyong magawa ay naging kampante s'ya. Umabot na lang sa punto na unti-unting na wala ang lahat sa kanya. Sa pagiging ganid ni Audrey ay umabot sa puntong pinagtangkaan nito ang buhay n'ya. Ngunit hindi ito nagwagi, at sa pagbabalik ni Lorielle, buo ang loob na pagbayarin ang kapatid at asawang nagtaksil sa kanya. She's back, not the old Lorielle they've known. But, a new persona who will make her biggest revenge on all of them. #yugtowritingcontestGirlPower
WARNING : R-18 Isang m*****r ang nangyari sa bayan ng Apolina. Ang tanging witness ay si Wolf, ang pitong taong gulang na batang lalaki na tagapagmana ng angkan ng mga De Rama. Bago po s'ya makuha ng mga taong may gawa, bigla na lang s'yang nawala. Naglaho at walang iniwang bakas upang matagpuan s'ya. Maraming tao ang nais s'yang mahanap, dahil s'ya ang itinuturong susi upang mahanap ang limpak-limpak na kayamanang pag-aari ng mga De Rama. Isa ang ama-amahan ni Lupita sa nagnanais na makuha ang kayamanang iyon. Iniatas sa kanya ang misyon na iyon; ang hanapin si Wolf De Rama. Ngunit sa kanyang pagdating sa Apolina, ibang misyon ang plano n'yang gawin. Sinimulan n'yang paglaruan ang buhay ng mga naghahangad ng yamang nais din ng kanyang ama-amahan, hindi lang isa o dalawa ang manlalaro, kung 'di lahat ng prominenteng pamilya sa Apolina. Larong ang tanging paraan mo lang para manalo ay manatiling buhay. Pero para kay Lupita, sa larong iyon... lahat sila'y mamamatay. Lahat ng mga taong umasam ng nakatagong yaman ng mga De Rama ay nakatakdang mamatay. Ngunit may isang lalaki na nagngangalang Nimrod ang dumating din sa bayan ng Apolina, hindi tiyak ang pakay. Isa kaya itong kakampi, o s'yang sisira ng kanyang mga plano?
FREE LANG PO ITO. Kitang-kita n'ya kung paano pinahirapan ng mga demonyo ang kanyang pamilya. Binugbog, pinahirapan at sa huli'y sinunog. Sa edad ni Tatiana na pito ay tumatak na sa kanyang isipan ang masakit na pangyayaring iyon sa kanyang buhay. Sa kanyang pagtakas sa lugar nang Santa Estrella baon n'ya sa alaala ang masamang alaala, na ginamit n'ya upang buuin ang katauhan katatakutan ng lahat. Nabuo ang isang plano para sa pamilyang dahilan kung bakit nawala ang kanyang pamilya. Isang paghihiganting aabot sa puntong gagamitin n'ya ang katawan magawa lang ang paghihiganting inaasam.
Alam ni Mace na kapag nag-settle s'ya sa Pilipinas ay muling manganganib ang buhay n'ya. Ayaw n'yang maging pabigat sa Ate Jas n'ya, kaya naman pinalabas n'yang sumama s'ya sa kanyang magulang paalis ng bansa. Tinanggap n'ya ang alok na mapabilang sa organization ng mga kababaihan na wala man lang pangalan, trinatrabaho nila ang mga masasamang tao na hindi kayang salingin ng batas at gobyerno. Walang kamalay-malay ang mahahalagang tao sa buhay n'ya na pinasok n'ya ang magulong mundo na iyon. Nang bumalik s'ya sa Pilipinas, may isa s'yang misyon na naiatas sa kanya na kailangan tapusin. Pero magagawa lang n'ya ang misyon na iyon kapag mas inilapit pa n'ya ang sarili kay Macario Ecov Satte, ang lalaking maglalapit sa kanya sa babaeng pinakaiingatan ng kanyang target. Pero sa pagbalik ni Mace sa Pilipinas, may ibang plano pa pala ang tadhana na hindi n'ya inasahan. Hindi kasama ang pag-ibig sa plano n'yang iyon, pero namalayan na lang n'yang umiibig na pala siya sa taong kailangan lang n'yang protektahan.
Hindi s'ya tutulad sa kanyang ina na masyadong magulo pagdating sa pagdedesisyon sa buhay nito. Pero nang makilala n'ya si William Agassi Apolinario ay nagbago ang lahat. Pumayag s'ya na magpanggap na kasintahan nito. Pumayag s'ya sa malaking kalokohan nito. Ngunit nang maramdaman n'yang unti-unti s'yang nahuhulog dito ay nakiusap s'yang tapusin na ang kanilang usapan. Ngunit hindi ito pumayag. Hindi nga s'ya pumayag, ngunit bago pa man sila makapagtapos ng high school ay bigla na lang itong naglaho. Walang dahilan, walang kahit na anong salita. May pag-asa pa kayang masagot ang lahat ng bakit sa bigla n'yang pagkawala. O, muling masasaktan sa kanyang malalaman?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.