BENAVIDEZ FOURTH GENERATION SERIES: TATIUS ZECHARIAH BENAVIDEZ Upang maisalba ang negosyo ng kanyang pamilya, pumayag si Eulalia Clementine Henriquez na magpakasal sa isang lalaking nagngangalang Tatius Zechariah Benavidez. Isang lalaking kailanman ay hindi niya pa nakikilala o nakakaharap sa personal. Ang tanging alam niya lamang dito ay mga negatibong pananaw at opinyon ng ibang tao. Takot man magpakasal sa isang taong hindi niya alam kung ituturing siya nang maayos ay mas natatakot siya sa maaaring gawin sa kanya ng ama kung hindi niya susundin ang kagustuhan nito. Ngunit paano mo nga ba magagampanan ang pagiging mabuting asawa mo sa taong pinakasalan mo kung sa unang gabi pa lamang, matapos ang mainit na pinagsamahan ninyong dalawa’y iniwan ka niya. Walang paalam, walang kahit anong iniwang salita. Basta paggising mo…wala na ito. Warning: This story contains mature content that may not be suitable for some audiences. Reader discretion is advised.
BENAVIDEZ MAFIA SERIES #4: HATI AZAEL BENAVIDEZ Si Adira Valencia Agnello ay nagtatrabaho bilang sekretarya sa isang malaking cosmetics company sa Pilipinas na pagmamay-ari naman ng fiancée ni Hati Azael Benavidez. Unang kita pa lamang, ayaw na ni Adira kay Hati. Ramdam na ramdam ng dalaga ang mayabang at pagiging babaerong katangian ng binata, ngunit kabaligtaran naman ang nararamdaman ng binata para kay Adira. Magmula nang magkita sila sa airport, hindi na matanggal si Adira sa pag-iisip ng binata. Ang pilit nilalayuang lalaki ni Adira ay pilit namang hahanap ng paraan upang magkalapit sila. Gumawa si Hati ng paraan upang mapalipat si Adira sa kanyang kompanya at maging sekretarya niya ito. Nang una, ayaw ni Adira, ngunit nang malagay sa kapahamakan ang buhay ng kanyang kapatid ay walang pagdadalawang isip niya itong tinanggap. Kapalit ng kaligtasan ng buhay ng kapatid niya, kinakailangan niyang patayin si Hati Benavidez. Pain, love, happiness, and betrayal. Ang tahimik na buhay na pinapangarap ni Adira para sa kanyang sarili? Unti-unti at dahan-dahang masisira dahil nahuhulog na siya sa binata. Saan nga ba hahantong ang lahat? Magtatagumpay nga ba si Adira sa plano niya, o siya mismo ang mahuhulog sa sarili niyang patibong? Warning: This story contains strong emotional content and tackles themes that may trigger disagreements and opinion-based judgments. It may contain scenes that some readers may find (triggering)/disturbing and/or may not be suitable to younger audiences, including but not limited to: s****l assault, violence, death, abuse, and use of illegal drugs. Read with caution, an open mind, and with deep understanding. NOTE: Please read the first to third series before reading this story, There's a lot of spoilers ahead. Thank you. Disclaimer: This story is written in Filipino/Taglish.
BENAVIDEZ FOURTH GENERATION SERIES: LUCIEL MAXIMIANO BENAVIDEZ Si Luciel Maximiano Benavidez ay nagdesisyon na lumayo sa maingay at magulong syudad ng Manila at pumunta sa Villa Benavides, isang prestigious farm and resort na pagmamay-ari ng kanilang pamilya sa Calatagan, Batangas. Doon ito nagliwaliw, nagpapakasawa sa iba’t ibang babae, at panay ang pagpunta at pagbisita sa mga iba’t ibang bar na nasa resort nila at maging sa bar sa labas nito. Isang gabi habang si Luciel ay nagbibigay ligaya sa isang babaeng dinala niya sa isang silid ng hotel sa resort ay may hindi inaasahang dalaga ang pumasok sa silid na iyon at nakita ang lahat ng pangyayari sa pagitan ni Luciel at ng babaeng kasama niya. Hindi napanatag si Luciel simula ng gabing engkwentro nila ng babaeng nakasaksi ng kanyang ginagawang makamundong bagay. Hinanap niya ito at nalaman niya na isang intern ang nasabing dalaga sa kanilang resort at nagngangalang Chantria Rylee Davis. WARNING: This story contains mature content that may not be suited to young audiences.
BENAVIDEZ MAFIA SERIES #5: ZAVIAN MAGNUS BENAVIDEZ Si Triana Evadne Lopez ay nagtatrabaho sa isang high-end club bilang pole dancer nang makilala niya ang isang mayamang biyudo na siyang kinahumalingan ng dalaga. Hindi kalauna’y nagkaroon sila ng relasyon. Nang umuwi silang dalawa sa Laguna upang maipakilala si Triana sa dalawang anak ng kanyang sinisinta’y hindi niya inaasahan na makikita niyang muli si Zavian Magnus Benavidez, ang panganay na anak ng kanyang kasintahan na siyang nakilala rin ni Triana sa kanyang trabaho noon. Paano mo nga ba masasabing mahal mo na ang isang tao at hindi ito manipulasyon lamang ng utang na loob na inaakala mong pagmamahal? May pagkakamali nga ba sa pagmamahal ganoong hindi mo naman ito kontrolado? Sino nga bang mas matimbang sa puso mong nananant’ya: ang amang una mong nakilala at una mong binigyan ng interes o ang anak na nagbigay ng matinding pagbabago sa pananaw mo sa buhay at ngayo’y handang magkasala maiparamdam lamang ang pagmamahal niya sa ‘yo? Zavian Benavidez, who was said to be the most dangerous among the Benavidez cousins, will be banished from his family for stealing and loving the same woman his father fell in love with. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENTS// SPG // RATED 18+ NOTE: Please read the first to fourth series before reading this story, There's a lot of spoilers ahead. Thank you. Disclaimer: This story is written in Filipino/Taglish.
BENAVIDEZ FOURTH GENERATION SERIES: GARETH ALLISTER BENAVIDEZ Si Gareth Allister Benavidez o mas kilala sa palayaw na Ali sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ay ipinadala sa malayong probinsya ng Claveria upang alagaan ang kanilang pag-aari sa nasabing lugar at bilang parusa na rin mula sa kanyang mga magulang matapos niyang suntukin at ipadala sa ospital ang isang lalaking ‘di umano’y bagong boyfriend ng kanyang ex-girlfriend. He’s stoic, cold, and short-tempered. Mainitin ang ulo ng binata at parating dinaraan sa dahas at pagmumura ang init ng ulo. Madaling madala ng emosyon at wala ring kontrol dito. Sa probinsya ng Claveria ay roon makikilala niya ang isang babae. Isang babaeng gigiba ng yelong nakapalibot sa malamig na puso ng binata. Ang panlalamig ay mauuwi sa pag-aalab at ang inaakalang pagpapanggap ay mauuwi sa totohanan. Gareth, who is like the sun, a prideful and powerful man, will be enthralled by Serena Kailani Fontanez, the illegitimate daughter of the mayor, and the woman who is like the ocean, that will absorb the heat from her furious sun. WARNING: This story contains mature content that may not be suited to young audiences.
BENAVIDEZ MAFIA SERIES #1: SILVANUS MAXIM "SILAS" BENAVIDEZ Halos papalubog na ang araw ngunit si Hyacinth Auset Morga ay nasa kalagitnaan pa rin ng kanyang trabaho at hinahanap pa rin ang bodega ng kanyang kliyente malapit sa Port Area sa timog na bahagi ng Maynila. Habang hinahanap niya ang lugar na kanyang pupuntahan ay hindi inaasahan ni Hyacinth na may marinig na mga lalaking nag-uusap sa hindi kalayuan sa kanya. May apat na lalaki roon kabilang na si Silvanus Maxim Benavidez, ang kasalukuyang boss ng Benavidez Mafia Organization at narinig ng dalaga ang mga ilegal na aktibidad ng mga ito na naglagay sa kanya sa isang mapanganib na sitwasyon. Magtagumpay kaya si Hyacinth na mahanap ang bodega ng kanyang mga kliyente at mapunan ang kanyang trabaho o makikita na niya ang kanyang katapusan as the young boss of the Benavidez family puts his gun on her forehead? WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENTS// SPG // RATED 18+ Disclaimer: This story is written in Filipino/Taglish.
BENAVIDEZ FOURTH GENERATION SERIES: YAGO ALCIDES BENAVIDEZ BLURB: Si Yago Alcides Benavidez ay nasangkot ‘di umano sa isang eskandalo kaya’t nagpasiya siyang mag-relax kasama ang mga pinsan sa isang bar. Sa bar ay nakilala niya ang isang magandang dalaga na nagngangalang Aiselle. Ang kanilang pag-uusap ay napunta sa mainit na tagpo na siyang nauwi naman sa one-night stand. Habang pauwi si Yago papuntang Laguna ay may isang babae siyang muntikan nang masagasaan nang tumawid ito sa daan. Doon muling nagtagpo ang landas nina Yago at Aiselle. Ang pagmamahalang nabuo sa biglaang pagkakataon ay siya ring mabubuwag sa hindi inaasahang rason. Kaya mo bang ipaglaban ang isang pagmamahalan na tutol ang pamilya ninyo? Kaya mo bang panindigan ang pag-iibigang mali sa mata ng mga tao? Hanggang saan nga ba ang kaya mong isakripisyo para sa pagmamahal na mayroon ka? Handa ka bang talikuran ang buong pamilya mo? Handa ka bang kalabanin ang lahat ng hahadlang sa inyo? Ano pa nga ba ang nakakubling sekreto sa likod ng mga pagkatao ninyo? Bakit nga ba magmamahal ka na lamang ay sa babaeng hindi mo pa maaaring mahalin? Is your raging desire worth fighting for even though it is forbidden? WARNING: This story will tackle sensitive topics and contains mature content that may not be suited for some readers.
BENAVIDEZ MAFIA SERIES #3: AVION LUTHER BENAVIDEZ Nang makilala ni Piper Maureen Riviere si Avion Luther Benavidez sa isang party ay kaagad nakuha ng binata ang atensyon ng dalaga. Panay ang pagpapansin ni Piper ngunit hindi siya nito pinapansin o tinitingnan man lang hanggang sa magdesisyon siyang dakipin ang binata. Paano kung ang lalaking dati lamang ay dinakip mo upang makuha ang atensyon niya ay ang lalaki pa lang itinakda ng mga magulang mo para sa ‘yo? Magiging masaya ka ba? Paano kung malaman mo na may kasintahan pala ito? Pakakasal ka pa rin ba? Sa isang relasyon na nabuo ng kasinungalingan, may mabubuo nga bang tunay na pagmamahalan o mahahantong pa rin ito sa isang masakit na pagtatago ng katotohanan? WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENTS// SPG // RATED 18+ NOTE: Please read the first and second series before reading this story. There's a lot of spoilers ahead. Thank you. Disclaimer: This story is written in Filipino/Taglish
BENAVIDEZ MAFIA SERIES #2: GIOVANNI JARRET BENAVIDEZ Si Bryleigh Ainhoa Acosta ay napilitang lumayo at tumakas mula sa kanyang stepfather nang ibenta siya nito sa isang matandang haciendero. Napunta siya sa syudad at doon ay humingi siya ng tulong sa kaibigan ng kanyang ina na si Leonor Benavidez. Namasukan si Bryleigh bilang katulong sa bahay ng mga Benavidez habang tinutulungan siya ng mga ito na hanapin ang kanyang nawawalang ina. Nang una ay maayos ang nagiging buhay ni Bryleigh doon, ngunit agad din iyong nagbago. Nagbago ito nang mapilitan siyang makipagkasundo kay Giovanni Jarret Benavidez, ang nag-iisang anak na lalaki nina Leonor at Santiago Benavidez. Kapalit ng pagtulong nito sa paghahanap niya sa nawawalang ina ni Bryleigh ay gagawin ng dalaga ang lahat ng nanaisin ni Gio, maging ang pagbibigay niya ng kanyang puri at katawan sa binata. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENTS// SPG // RATED 18+ NOTE: Please read the first series before reading this story. There's a lot of spoilers ahead. Thank you. Disclaimer: This story is written in Filipino/Taglish.
MOTECALVO SERIES: MASSIMO SYLVESTER MONTECALVO BLURB: Si Massimo Sylvester Montecalvo o mas kilala bilang Silver ay ang kasalukuyang mafia boss ng isa sa pinakamalaking Sicilian Mafia—ang Montecalvo Family. Silver was described as cold, ruthless, vicious, and like a venom that will poison you alive. People think that he has no weaknesses, but that ain’t true. Besides his family, Silver has another weak point—his wife. Unfortunately, a fortuitous event happened, napatay ng mga hindi kilalang tao ang kanyang asawa, and now Silver is out for revenge. He kills the people who may be suspects of murdering his wife, kahit na hindi siya sigurado kung ito nga ba ang pumatay rito. Until one day, his men found someone in the middle of a rainy street. Agad ibinalita ng kanyang mga tauhan na nakakita sila ng babaeng kamukhang-kamukha ng kanyang namayapang asawa, and so, he kidnapped her. Ngunit paano kung ang babaeng akala mo ay nagkataon lamang na kamukha ng iyong asawa ay may sekreto pa lang nakalakip sa kanyang katauhan. At paano kung malaman mo na ang pumatay sa iyong asawa ay hindi lang basta kalaban mo kung hindi isang taong hindi mo inaasahang magtatraydor sa ‘yo? Will love bloom even when it started with lies and pretensions? How can you learn to love someone when both of you make a vow, sinfully? Are you ready to be entangled with the Mafia Don with the uncertainties of escaping? WARNING: The story is a dark-themed romance. It may not be suitable for some audiences. Reader discretion is advised.
BENAVIDEZ FOURTH GENERATION SERIES: AZRIEL VALERIEN BENAVIDEZ BLURB: Si Zariah Dominique Hidalgo ay lumaki sa marangyang pamilya. Nasusunod ang kanyang luho at buhay prinsesa, hanggang sa dumating sa kanya ang isang trahedyang hindi niya inaasahan sa murang edad. Due to some unexpected event, napasok si Zari sa isang kasunduang hindi niya kayang makawala, kung saan kailangan niyang magpakasal sa anak ng matalik na kaibigan ng kanyang ama. Nakilala niya si Azriel Valerien Benavidez, ang bunsong anak ng kaibigan ng kanyang ama. Sa loob ng maiksing panahon ay nagkamabutihan silang dalawa. Ang inaakalang perpektong pagsasama ay siyang punung-puno pala ng pagpapanggap at kasinungalingan. Na hindi nagtagal ay kinain si Zariah ng tinatago at pinakaiingatan niyang sekreto. Kaya naman, nang araw na dapat ay magpapakasal siya kay Azriel ay siya ring araw na tinalikuran niya ang lahat at iniwan ito. Zariah Hidalgo left his groom—Azriel Benavidez—and ran away. WARNING: This story contains mature content that may not be suited to young audiences.
“I was born to conquer, and that includes her. I will take full control over her and invade her innocent body.” – Rage Niccolò De Laurentis. BLURB: Isang balita ang gumimbal sa buhay ni Calista Azalea Villareal nang malaman niya na may bagong kasintahan ang kanyang ina at binabalak nitong magpakasal dito. Calista was so against it, tinangka niyang magrebelde sa ina para lamang hindi matuloy ang binabalak nito. Naisipan ng ina ni Cali na manirahan muna sila sa bahay ng kasintahan niya upang makilala ni Calista ang magiging stepfather nito at nang sa ganoon, malaman ni Cali kung bakit gustong magpakasal ng ina niya rito. Mayaman, maimpluwensya, at may magandang reputasyon ang pamilya ng kasintahan ng ina. Hindi rin maipagkakaila na maganda ang nagiging pakikitungo ng lalaki kay Calista. Sa pamamalagi nina Cali sa mansyon na iyon, makikilala niya ang anak na lalaki ng pakakasalan ng kanyang ina. Ang lalaking magiging stepbrother niya kapag nagkataon. Rage Niccolò De Laurentis, is a successful young businessman who will take over their empire once his father decides to retire, and Cali isn’t really fond of him. He’s everything she hates: womanizer, arrogant, and mischievous. Ngunit paano kung sa huli, makita mo na lamang ang sarili mo na nahuhulog sa kanya without the assurance he will catch you once you fall? What if you fell in love with your soon-to-be stepbrother? Bukod pa roon, paano kung malaman mo ang madilim na lihim ng pamilyang kabibilangan mo? A dangerous game. A forbidden romance. How can you escape the illicit situation? WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR SOME READERS. READER DISCRETION IS ADVISED.
MONTECALVO SERIES: MAXINE AMARYLLIS MONTECALVO Si Maxine Amaryllis Montecalvo ay ang panganay na anak ng boss ng Montecalvo family. Marami ang naghahangad na makuha ang kamay ng dalaga sa kadahilanang gusto nilang makuha ang pamilyang Montecalvo na isa sa pinakamakapangyarihang pamilya ng Cosa Nostra o Sicilian Mafia, ngunit hindi kailanman gusto ni Maxine ang mauwi sa isang arranged marriage nang dahil lamang sa kapangyarihan. Para sa mga lalaki namang ninanais na makuha si Maxine, kailangan nilang pumayag sa isang batas na mayroon ang kanyang pamilya—ang magpalit sa apelyidong Montecalvo kung ikaw ay mas mababang uri ng tao sa kanila. Maxine is not a fan of romance. Kaya walang kaso sa kanya ang magpakasal sa kahit sinong lalaking papayag na magpalit ng apelyido para sa kanya, just to secure her freedom—and she found one. Sa araw ng kasal ni Maxine sa lalaki ay may hindi inaasahang pangyayari ang kanyang nasaksihan. Sa mismong araw ng kanyang pagpapakasal ay binaril sa harapan niya ang lalaki. Ang araw ng pag-iisang dibdib sana niya sa lalaki ay siya namang araw ng pagkawala nito sa kanya. But she knows! Alam ni Maxine kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa kanyang dapat ay mapapangasawa. The man she hates. The man she swears to herself that she will never get involved with. The man she treats as her enemy. Unfortunately, it is also the same man who has been hiding in the shadows and darkness and has been obsessed with her for years.
MONTECALVO SERIES: SYLVIO VINCENTIUS MONTECALVO BLURB: He’s the youngest but the most corrupted Montecalvo. Tainted even, with blackness and darkness even hell will be put to shame. Corrupted soul. Corrupted heart. Corrupted mind. Sylvio Vincentius Montecalvo o mas kilala sa kanyang palayaw na Yvo, is the youngest amongst the Montecalvo siblings and is known to be the most evil—the devil. Sa gitna ng paglilinis niya ng kanyang madugong trabaho, hindi niya inaasahang may makikita siyang isang babae. And because of his twisted way of thinking, he saved her; wanting to have her for himself. Ang mga taong nilamon ng kadiliman ay may pag-asa pa nga bang makakita ng liwanag? Paano kung ang kauna-unahang pagtatagpo nila ay hindi man inaasahan subalit nakaukit sa kanilang mga kapalaran? How can you escape his grasp when the moment he lays his eyes on you, there was an invisible string that connected you and him and became inseparable for the rest of your life? Paano kung ang taong inaakala mong nagligtas sa sa ‘yo ay siya mismong panganib na handang gumiba ng buhay mo? Secrets, temptation, and love. In a game between love and hate, good and evil, light and darkness, which side are you on? Are you willing to be with the devil? Remember, once the devil has tasted you, he will never get enough. He will devour you to oblivion—hanggang sa wala nang matira sa ‘yo at isuko mo ang lahat-lahat sa kanya. WARNING: This is a dark-themed romance. The story may not be suitable for some audiences. Reader discretion is advised.
BENAVIDEZ MAFIA SERIES: SERAPHINE HARRIETTE BENAVIDEZ BLURB: Buong buhay ni Sera ay nangarap siya ng isang love story para sa kanyang sarili na parang sa kanyang mga magulang. Gusto niya ng lalaking mamahalin siya nang buong-buo; iyong hindi siya iiwan o sasaktan. An almost perfect love story. Ngunit dulot na rin ng mga past relationships niya ay roon niya napagtanto na maaaring walang perpektong love story. Lahat ay nasasaktan, at maging ang mga taong mahal mo ay magsisinungaling at iiwan ka. She almost lost her belief in love. Inisip niya na maaaring hindi naman talaga totoong may pagmamahal. Nang magpakasal siya sa isang boss ng isang malaking Russian Organization na si Alexei Vassiliev ay muling nagkaroon si Sera ng pag-asa na maaaring may pagmamahal nga. Na minsan kailangan mo munang pagdaanan ang sakit bago mo makamtan ang kasiyahan at ang tunay na pagmamahal. When everything feels so right and in the right places, doon din magsisimulang gumunaw ang lahat. Nadakip si Sera ng mga kalaban ng pamilya ng asawa niya. She lost her baby at inakala ng lahat na patay na ito. Subalit paano kung hindi naman talaga siya namatay? Paano kung muli siyang bumangon sa hukay at tangkaing bumalik sa piling ng kanyang sinisinta? Matatanggap pa kaya siya nito? Lalo na kung sa pagbabalik niya ay may iba nang kapiling ang kanyang minamahal? Revenge, hatred, and love. How can you hate someone and love them at the same time? WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENT THAT MAY NOT BE SUITABLE FOR SOME AUDIENCES
“I am famine; silent but lethal. One taste will never be enough to satisfy my cravings. Especially if it’s a taste from a woman who is a delicacy custom-made for me.” – Dmitry Ivanov BLURB: Sa murang edad ay naranasan ni Cecily Evonne Alcazar ang kahirapan ng buhay. Nang mamatay ang kanyang ama ay puro utang ang naiwan nito. Kasama ang kanyang stepmother, nagtrabaho si Cecily upang matustusan ang mga kailangan nila para mabuhay.Isang gabi habang nagtatrabaho si Cecily ay hindi inaasahang may lalaking makakapukaw ng kanyang atensyon. They had a great night, and the said guy took her virginity, na hindi kalaunan ay nagbunga ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.Nang manganak si Cecily, tinangka niyang hanapin ang ama ng bata. Ngunit may hindi magandang pangyayari ang naganap sa buhay niya. May mga hindi kilalang lalaki ang kumuha sa kanyang anak at inilayo ito sa kanya. Cecily was forced by her stepmother to marry someone—an abusive one yet a wealthy man. Paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon, makita mo ang lalaking isang beses mo lang nakilala ay may nabuo nang koneksyon sa inyong dalawa? Paano kung mahanap mo ang lalaking minsan lamang ay gusto mo ulit makita.Nahanap ni Cecily ang ama ng kanyang anak, si Dmitry Ivanov. Ngunit sa paghaharap nilang muli, ibang-iba ang pakikitungo ng lalaki sa kanya na akala mo ay ni minsan, hindi nila pinagsaluhan ang mainit na gabi. Maaari nga bang mabuo ang minsan ay pinangarap lamang ni Cecily lalo na ngayong kasal siya sa ibang lalaki? WARNING: This is a dark mafia romance. The story may contains themes that may not be suitable for younger audiences and sensitive readers. Read at your own risk!
The Four Families #2 This story is under revision. Mapapansin niyo po na iba ang apelyido ng mga bida sa naunang series kumpara rito. Nirevise ko po kasi iyon at balak ko pong i-revise din ito. Maraming salamat! "Destiny is not a matter of chance but a matter of choice" - Luri Villafuerte Part 1: Campus Clash (Campus Royalties) Part 2: The Game Between Love and Pain
Book 2: Mystique Academy: Bodhisattva Eye Astrid, the daughter of the Ace and the goddess of the dead, and the one who possesses the cursed eye, Bodhisattva Eye. It is the power of ultimate healing, resurrection, and death. Even with the protection and guidance from her parents, she committed a grave mistake that eventually destroys the balance between life and death.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.