-Karen- “Karen , ano pa ang inaantay mo bilisan mo yan bka maabutan pa tayo ng tiyuhin nating sugarol, siguradong hindi na tayo makakatas kung sakali na abutan niya tayo paki bilian mo naman yan oh”. Sambit sakin ni Camille habang nagaayos ako ng mga pwde kong dalhin sa pag-alis naming dito sa bahay na aming Tiyuhin na hindi man lang kami tinuring na kamag-anak. Pinsan ko si Camille at katulad ko ay wala na rin kaming mga magulang maagang kinuha sila samin ng may kapal halos Anim na taon palang kami ni Camille ng walan ng mga magulang.At hindi naging madali ang buhay namin sa puder ng aming tiyuhin kahit sabihin pang kamag-anak namin. Ang totoo ay may naiwan na mga lupain ang aming mga magulang ngunit lahat yun ay binenta lang nito ng ganoon kabilis at dinala kami sa isang probinsya sa Bulacan. Habang lumalaki kami ay namumulat kami sa isang kahirapan ni hindi na kami nakapagtapos ng pag-aaral pareho kaming Elmentary ang natapos dahil wala daw kami mararating at makakpag-asawa ng maaga yun ang madals sabihin ng aming Tiyuhin na kahit insan ay hindi na namin pinamsin pa. Nang tumungtong kami ng Disi-otso ay pinaghanap buhay na kami nito kahit anong trabaho ay pinasok na namin hanggang sa nalaman namin sa isang kapit-bahay na may balak pala ang aming Tiyuhin na ipagbili kami sa isang club na maalas nitong pinupuntahan, kaya naman kahit hating gabi na ay umalis kami sa lugar na yon para hini kami maibenta ng Tiyuhin naming walang puso. Wala kaming kasiguraduhan kung san kami puppunta dahil sa wala naman kaming ibang lugar maliban dito sa bayan na kinalakihan na naming dalawa. Mabilis kaming nakalabas ng bahay at nagmamadali din kaming naglalakad sa isang madilim na lugar na kung san ay magkayakap kaming dalawa at ayaw maghiwalay. Pareho kaming takot at walang paggustong bumitaw saming pagkakahawak. Hanggang sa marating naming ang isang terminal ng mga jeep bigla na lang kami sumakay ng matanaw naming ang mga lalaking kasama ng aming Tiyo Tony na alam naming papunta sa aming tirahan. Nangangatog ang aming mga tuhod dala ng takot at pagkabalisa sa pwdeng makita kami o mahuli ng mga ito. Nakayuko kaming dalawa ni Camille hangang sa nagsimula ng umandar ang jeep na sinasakyan naming. Isang mahabang hininga ang aming sabay na napakawalan, samantalang saka lang naming na pansin na nasa amin pala ang mata ng mga taong nasa loob ng jeep na sinakyan namin. Isang pekeng ngiti ang aming ginawa para mawala ang kanilang atensyon samin. “San tayo ngayon pupunta?” mahinang bulong sakin ni Camille halatang ayaw ipaalam sa iba. Nag-isip ako at nagtanong sa driver ng jeep na kung pwde kami ibaba sa isang termial ng bus na papuntang maynila. Sumagot naman ito at nakahinga ulit kami ng mahuwag. Napadpad kami ni Camille sa isang palengke dito sa maynila, walang kilala at hindi rin naming alam kung san kami titira, pero sabi ng iba basta may buhay ay may pag-asa. Un nalang ang pinanghahawakan ko para magpatuloy sa buhay. Hanggang isang Ale ang narinig kong nangangailangan ng katulong sa kanilang mansion na pinapasukan nito dahil sa walang gustong pumasok ng katulong dahil sa sobrang lupit ng kanilang among lalaki na malimit lumabas ng kanyang silid. "Hay naku Tasya wala naman kong kasama sa mansion ng mga De Lana, ewan ko ba dun sa batang yun minsan na nga lang lumabas ehm magpapalayas pa ng mga katulong ok sana kung mabilis lang kumuha ng katulong eh hindi naman, grabe talaga ang isang yun Tasya hindi ko na rin alam ang gagawin sa batang yun." Paliwanag nito sa kausap habang bumibili ng mga gulay na paninda nito, mukha rin sila matagal ng magkakilala dahil sa klae ng pakikiusap nito sa matanda. "Naku ikaw naman Mila hindi kana nasanay yan sa alaga mo eh mula ng mamatay ang buong pamilya eh nawalan na ng tiwala sa ibang tao yang batang yan, mabuti na ngalang ay hindi siya nawala kunghindi naku syang ang yaman ng mga Del Lana noh." Sagot naman dito ng ginang habang sinasalansa ang mga napabiling gulay ni Aling Mila. Hindi na ako nakatiis at lakas loob na nagsalita sa pagitan ng kanilang pag-uusap. Ngumiti muna ako bago nagsalita sa mga ito, "Ahmm,, magandang araw po narinig ko pong nagahhanap kayo ng magigng katulong maari po ba kaming magaaply ng pinsan ko." Magalang kong salita dito. Nakita ko sa mata ng matandang babae na nagaalinlangan siya pero nagsalita ang kasama rin nitong isa pang Ale at sabing “kunin mo na sila Mila mukhang maasahan mo naman ang dalawang yan."Tahimik na pinagmasdan kami ni Camille ng matanda at ilang sandali pa ay sumagot ito na “sige subukan ko kung makakatagal kayong dalawa, tutal naman eh kaylangan ko talaga ng makakasama sa loob ng mansion na yon. ”Isang malaking ngiti ang aming nagawa ni Camille at nagtatalon na sa wakas ay hindi kami titira sa lansangan, nagpasalamat kami sa parehong matanda at ilang sandal pa umalis na kami para magpunta sa mansion na sinasabi nitong aming pagtatrabahuhan. Lulan kami ng isang tricyle papasok sa iang malawak na subdivision walang gaanong mga bahay at
Naranasan mo na ba ang mabaliwala ng buong pamilya mo, at ang tanging nag-uugnay nalang sa inyo ay ang asawa mong kahit na ito ay hindi ka pa rin mabigyan ng pagpapahalaga kahit bilang tao. Siya si Marta isang simpleng babae na ang hangad ay magkaroon din ng simpleng pamumuhay sa probinsya at hindi sa magulong mundo ng lunsod. Pero hindi maaari dahil ang angkan na kanyang pinagmulan ay kilala sa mundo ng business world. Ang kanyang mga kapatid ay puro lalaki at wala din ito pakialam sa kanya, naiisip niya na baka isa lamang siya ampon dahil sa pinapakita ng mga ito sa kanya. Ganon pa man ay naging masunurin siyang anak at kapatid sa mga ito. Hanggang sa ihayag ng kanyang ama ang pag-aasawa niya sa isang lalaking ni minsan ay hindi man lang niya nakikila o nakita. Pero dahil ama niya ang mas nasusunod sa lahat ay wala siyang nagawa ng itagda ang kasal nilang dalawa ni Jacinto De Lana. Paano ang gagawin mo kung ang inaakala mong kakambi ay isa din pala sa magpapahirap sayo. At ang masakit ay sarili mo pang asawa ito.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.