Si Vianna May Meranda, pinili na kalimutan ang masakit na alaala ng nakaraan. Kasama ang ina, namuhay ng masaya na wala ang bakas ng masakit na alaala. Nakatagpo ng pag-ibig. Si Romeo Cordova. Dahil sa kan'ya naranasan niya ang mga bagay na akala niya hindi nangyayari sa totoong buhay. Ngunit ang pag-ibig na akala niya panghambuhay ay unti-unting nagbago. Dahil sa pagbabalik ng taong naging parte ng nilimot na alaala. Si Diego Fabriano, kaklse, mabait na kaibigan at higit sa lahat ang lalaking lihim na hinangaan. Umalis na wala man lang paalam, ngunit nagbalik dala ang nilimot na alaala ng nakaraan. Kwento ng paglimot at pag-ibig. Pag-ibig na hanggad ng bawat isa. Ano ang dala na pagbabago ni Diego sa buhay nina Vianna May at Romeo? Ano at hanggang saan ang kayang gawin makuha lamang ang ninanais na pag-ibig.
Boss mong akala mo ay galit sa'yo, bigla na lamang magtapat na gusto ka. Maniniwala ka ba? Si Arrianne, isang probinsyanang lumuwas ng Maynila sa kagustuhang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang ina. Nagtiwala at umibig sa kababata na akala niya ay tunay siyang mahal, ngunit hindi pala. Paano kung may muling kumatok sa kaniyang puso, na hindi pa tuluyang maghilom. Papapasukin kaya niya?
Minsan nga lang tumibok ang puso. Doon pa sa taong hindi inaasahan. Si Cahaya Villarin, isang dalagang napilitan na lumayo. Matakasan lamang ang mga magulang na gusto siyang gawing pambayad utang. Napadpad sa isang liblib na lugar kung saan doon namuhay ng payapa. Malayo sa mga magulang at magulong syudad na kinagisnan. Pero ang payapang pamumuhay ay bigla na lamang nagbago at gumulo dahil sa lalaki na tinulungan. Ano ang dalang pagbabago ng lalaki sa buhay ni Cahaya? Ito ba ang magiging dahilan upang tuluyang makalimutan ang buhay na tikasan o ito ang magiging dahilan upang lisanin ang lugar na pinagtaguan.
Si Erica, babaeng nerd na hindi lang ang katawan at mukha ang tinatago sa over-size na mga damit, kung hindi pati ang totoong pagkatao niya. Nakatagpo ng kaibigan na naging karamay sa lahat at nagtatanggol sa kaniya sa mga kaklaseng walang ginawa kung hindi ang bulaskahin siya. Dahil sa kaibigan, unting-unti naging bukas si Erica sa ibang bagay. Kasama kaya ang puso niya sa magbubukas? Hahayaan niya ba ang sarili na magmahal at mahalin? Pero paano kung isang araw ay mabunyag ang lihim na tinago niya ng matagal? Paano kung ang taong akala niya ay maintindihan at matatanggap siya ay walang ginawa kung hindi ang panoorin siyang kinukutyan ng ibang tao? Kakayanin kaya niya?
Namulat sa karangyaan pero itinakwil ng basta na lang. Bumaliktad ang mundo ni Nelson nang itinakwil ng mga magulang. Ang masakit, hindi niya alam ang tunay na dahilan. Ngunit sa isang iglap, hinahatak na naman siya sa mundo ng pamilyang nagtakwil sa kaniya, na hindi pa rin alam ang dahilan. Babalik pa kaya siya sa buhay ng mga taaong nagtakwil sa kaniya o tuluyan niya na itong tatalikuran? Paano kung sa muling pagbaliktad ng mundo niya ay siyang pag-cross ng landas nila ng babaeng dating minahal? Malalaman pa kaya niya ang mga kasagutan sa likod ng pagtakwil ng pamilya sa kaniya? May pag-asa pa ba kaya sila ng babaeng minahal o muli lamang mawawasak ang puso niya?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.