Chapter 1 "Calling all passengers bound to Canada please....." "Weng, tara na pila na tayo ! Nakatulala ka na naman kalimutan mo na muna yang broken hearted mo, aalis na tayo!".. "Oo na mauna ka sa likod mo lang ako," at nakipila na nga kami upang makapaok na sa loob ng iroplanong sasakyan namin papuntang Canada. Pang ilang alis ko na ba ito? at pang ilang bansa narin?, labing siyam pa lamang ako ay umalis na ako ng bansa una kung pinasukan ay ang pagiging domestic helper sa Saudi Arabia. Dahil sa hirap ng buhay noon ay nakipagsapalaran akong magtrabaho sa Saudi at pinalad naman akong magkaroon ng mabait na employer doon. At pag katapos ng contract ko ay lumipat ako ng Hongkong dahil sa kagustuhan kong mag aral at nagawa ko yon tuwing day off ko umabot ako ng anim na taon sa Hongkong bago ako nakapag tapos . Pagkatapos ay umalis ulit ako papuntang Israel dahil sa mas malaki ang sahod doon at gusto kong matapos ang aking itinatayong pangarap na nagawa ko naman at hindi ko inaasahang magtatagumpay ako sa pag susumikap ko lagpas pa sa inaakala ko noon. Ngunit ang taong Inspirasyon ko at lagi kong isinasama sa mga plano ko ay syang nag bigay ng lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon na kahit wala na sana akong plano na umalis ng bansa para magtrabaho ay pinili ko paring umalis para makaiwas at hindi ko sya masyadong isipin. "Weng,tulala ka na naman!",,, si Jen sabay tapik sa kamay ko"kanina pa ako dito daldal ng daldal dito may sarili ka parang mondo jan! Akala ko ba kaya ka magtrabaho para makailimutan mo yang boyfriend mong cheater!". "I'm sorry Jen,hindi ko maiwasan nasasaktan pa rin ako buong akala ko kasi talagang tapat Sya sa akin kahit LDR kami dahil hindi ko naman nababakasan ng pagpapangap ang mga ginagawa nya ginagampanan naman nya ang pagiging boyfriend kahit na malayo sya at sa bawat uwe ko noon ay sinusulit nya ang mga panahon na magkalayo kami kaya lunod na lunod talaga ako sa pagmamahal na ipinaramdam nya sa akin,..." at naramdaman ko na naman ang sakit kaya nagsimula na namang umalpas ang aking luha na hindi ko mapigilan "Tama na nga yan!!,, naku kapag nakita ko yang ex mo makakatikim yan sa akin ng mag asawang karate!!,, sabay aksyon pa nya kaya napangiti ako sa itsura nya. "Diba dapat mag asawang sampal?" Saad ko habang nagingiti dahil sa ayos nya at tuluyang umurong ang aking luha. "Hindi dahil sa kapal ng mukha nya hindi nya yon iindahin kaya karate ipapatikim ko sa kanya!!!,,,,, "Oo nalang pero salamat sayo kasi kahit sa agency lang tayo nagkakilala ramdam kong kaibigan na talaga ang turing mo sa akin "....bigla naman syang humawak sa dibdib nya, "Ang sama mo!!!,, ang lagay ay nagpapangap lang din ako? ",,, "Oy! Hindi,,,ang ibig kong sabihin ay hindi mo man ako inusisa sa buong kwento ko at nakikita ko at ramdam ko yong respect at sympathy mo sa akin. Wag ka na mag tampon jan" "Baka naman pag dating natin sa mga employer natin kalimutan mo na ako kasi ikaw sanay na sanay ka ng magtrabaho abroad ako first time ko palang to kaya kinakabahan ako kung anung klase na pamilya ba ang dadatnan ko doon",, bigla naman syang nalungkot kaya hinwakan ko sya sa kamay para pagaanin din ang loob nya. "Wag ka mag alala hindi mapuputol ang pagkakaibigan natin at magtutulungan tayo kung anu man ang kakaharapin natin sa bansang pupuntahan natin",..nawala naman ang lungkot nya yes hindi ko sya pababayaan dahil nakatagpo ako ng panibagong tao na ramdam kong hindi mapag kunwari ang mga katulad nya ang dapat na binibigyan ng halaga. Matapos ang mahabang byahe ay narating namin ang Canada at naghiwalay na kami dahil magkaiba ang aming employer pero nangako ako sa kanya na hindi mapuputol ang aming pagkakaibigan nakikita ko sa kanya ang kaba habang palayo kami sa isat isa subalit pilit nyang tinatago sa isang tipid na ngiti at pag kaway nya sa akin at ginantihan ko naman ng fighting at isang positibong ngiti, sana lang ay mabait pareho ang aming mapuntahan.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.