Ang bente-tres anyos na si Eunia ay isang spoiled brat na lumaki sa isang mayaman at marangyang pamilya, kaya naiiba ang ugali nito sa karaniwan. Nakukuha niya ang anumang kaniyang naisin gamit ang isang salita lamang. Maging ang kaniyang mga magulang ay nahihirapan sa ugali ng dalaga at hindi na nila matiis ang masamang paguugali nito. Kaya naisipan ng kanyang mga magulang na kumuha ng isang mapagkakatiwalaang tao, pero hindi basta bastang tao lang. Siya si Hansley Rosenheim, 30 years old isang dekalibreng well-trained solder na hinire nila para bantayan at disiplinahin ang kanilang anak na si Eunia. Hindi alam ni Eunia na ang kanyang magiging personal butler ay hindi lamang isang ordinaryong tao, at wala silang balak na ipaalam sa kanya, kaya't pinahintulutan nila si Hansley na gawin ang anumang bagay na makakatulong sa pagdidisiplina sa kanilang anak. Pero hindi lang pala niya nagawang disiplinahin si Eunia, nagawa rin niyang mapaibig ito at paikutin sa sarili niyang mga kamay.
Si Laurene Ellison ay isang twenty-three years old independent woman na lumaki sa isang may kayang pamilya. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang game programmer sa isang Game Development Company. Ngunit isang trahedya ang nangyari sa kanya limang taon na ang nakararaan na naging sanhi ng pagkawala ng kaniyang memorya, kasama na rito ang lalaking nag-iisa niyang minahal at kaniya rin naging kasintahan na si Vaughn Calson, isang twenty-nine years old na binatang bilyonaryo na tagapagmana ng kumpanya ng kaniyang pamilya. Sa kabila ng halos perpekto niya ng buhay ay tila may kulang pa rin sakaniya. Iyon ay walang iba kundi si Laurene, ang dalagang pilit pa rin niyang ipinahahanap. Tila naging mapaglaro ang tadhana nang malaman ni Vaughn na si Laurene pala ay nagtatrabaho lang sa kanilang kumpanya bilang kanilang mahusay na empleyado. Labis ang naramdamang pananabik ni Vaughn nang muli silang magkita ng dalaga sa tinagal ng panahon. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na siya maalala ng dalaga. Napuno si Vaughn ng mga agam-agam at katanungan tungkol sa nangyari kay Laurene, kung bakit hindi na siya nito matandaan? Magawa pa kaya siyang maalala ng babaeng kaniyang pinakamamahal? O Tuluyan na kayang mabaon sa limot ang kanilang pagmamahalan ng dahil sa isang masalimuot na trahedya?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.