Oportunista-ganito ang tingin kay Raquel ng kapatid ng kanyang fiancé. Upang maiwasan ang taong nagnanais na sirain ang magiging kasal niya, umuwi siya sa probinsya. At dito ay nakilala niya si Drake. Isang pagkakamali na umibig siya kay Drake pero sumugal siya. Pinangakuan siya nito ng pag-ibig na wagas. Nang umalis si Drake ay nangako ito na babalikan siya. Subalit kabiguan ang naging kapalit ng paghihintay niya. Handa na si Raquel aminin sa fiancé niya ang nagawang kasalanan, nang muling nagtagpo ang landas nila ng lalaking minahal niya-si Drake Morri. Huwad ang pag-ibig na ipinangako nito sa kanya. Dahil may kinalaman ito sa taong gustong sirain ang buhay niya. ©2023 Miss Contessa
She finds out that her parents planned her 'funeral'-arranged marriage para sa lalaking mortal enemy niya na ipinanganak upang pakuluin ang dugo niya minu-minuto. Kay Kier Williams. Gagawin ni Fatima ang lahat, matakasan lamang ang kasuklam-suklam na tadhanang nilikha ng kanyang ama. Ngunit nagising na lamang siyang kasama si Kier sa isang lugar na sila lang dalawa ang magkasama. At upang makaalis sila sa lugar na 'yon, nagpanggap silang nagmamahalan at pumayag na magpakasal. Lingid sa kaalaman ng lahat, peke ang kanilang kasal. Nagpanggap silang happily married. Habang tumatagal, nahuhulog na ang damdamin niya kay Kier. Totoong umiibig na siya rito. Kaya naman hiniling niyang 'wag dumating ang araw na matuloy ang plano nilang divorce kahit hindi sila legal na kasal. Ngunit hindi niya mababago ang nakatakdang mangyari... Alam niya kung bakit nagmamadaling makalaya si Kier sa kanilang kasunduan. At upang huwag masaktan, pinili niyang lumayo...
Long-term boyfriend ng actress na si Hannah Lindsey ang male actor na si Froilan Dantes. Pero katulad ng ibang relasyon, dumaan din sila sa isang mabigat na pagsubok na humantong sa hiwalayan. Her boyfriend is having an affair with Maricar Asuncio-a famous actress and has a long-term non-showbiz boyfriend, Duwayne Fuentez. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Natagpuan na lamang ni Hannah ang kanyang sarili na kasama ang lalaking mainit ang dugo sa kanya. Si Duwayne Fuentez. Mapigilan pa kaya ni Hannah ang namumuong pag-ibig niya para kay Duwayne? Paano kung siya lang ang nagmamahal at ang lalaki ay gustong gumanti lamang? Paunawa: Ito ay completed na. Kasalukuyan itong in-edit. 2023©MissContessa
Parang sinampal si Krizzy nang tanggihan ni Cloud ang pagmamahal na inalay niya para sa binata. She had loved him then as only young could love. And because he was her first love, the pain was unbearable. Saka naman dumating sa buhay niya si Hezekiah Fuentevilla. Bukod sa feeling guwapo, nayayabangan pa siya rito. Habang pilit siyang umiiwas kay Hezekiah, lapit nang lapit naman ito sa kanya. At habang patuloy na iniibig si Cloud ay lalo naman siyang nasasaktan. Gagawin niya ang kahit na ano para kay Cloud, mapansin lang siya nito. Pero bakit si Hezekiah ay ginagawa rin ang lahat para sa kanya? Ganoon ba kadesidido si Hezekiah na paibigin siya? O, ginagawa lang niya ang lahat para lang sa pagmamahal na walang hinihinging kapalit? ©2023 MissContessa Nagsasabing–may sariling kwento po parents ng mga nasa loob ng libro.
After six years of longing, hahanapin na ni Monica ang katipang si Trevor na isang piloto. Nangakong babalik pero hindi nito tinupad ang pangako. Hanggang isang araw ay nagtagpo ang kanilang landas. May kasama itong isang magandang babae. Ngunit ang ipinagtataka niya, hindi siya nito kilala. Nawala na ba ang pagmamahal nito para sa kanya? Balewala na ba rito ang pangako nila sa isa't isa, o kamukha lang nito ang lalaking mahal niya kaya hindi siya nakikilala?
Natagpuan nina Veronica Aragon at Arthur Morri ang kani-kanilang sarili sa isang memorial park. Parehong ikakasal na iniwan sa altar. Nagpasya pa rin silang magsolo honeymoon. Playful fate? Dahil ang hindi nila alam, sila'y papunta sa parehong resort sa Destiny Island. Maging tagumpay kaya ang solo honeymoon nila, o may pag-ibig na mabuo sa kanilang dalawa?
Author Note- May physical book na po ito. Siyam na mag-aaral ang naimbitahan sa mansyon ng sikat na pintor na si Gregorio Santillan. Ngunit ang hindi alam ng mga mag-aaral, mayroong panganib na naghihintay sa kanila. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ni Alyssa? Babala ba o panaginip lamang 'yon? Paano maililigtas ni Alyssa ang walong mag-aaral sa sumpa ng bawat larawan na nilagdaan nila, kung siya ay bilanggo na rin ng sumpa ng larawan?
Note– Wala akong sapat na oras para po e-edit ito. Grammatical Errors, warning.Book1 –ang book 2 ang magkakaroon ng pisikal book. Kinasal sila na walang pag-ibig sa isa't-isa na kalaunan ay nauwi sa totoong pag-iibigan. Ngunit kung kailan mahal na ni Lindsey si Draven, doon niya malalaman na may tinatago pala itong lihim. Her husband is having an affair with his ex-girlfriend, Eunice Delgado. Labis siyang nasaktan sa katotohanang niloloko siya ng kanyang asawa. Ngunit wala nang mas sasakit pa para kay Lindsey nang mamatay ang kanyang munting anghel sa sinapupunan na kagagawan ng kanyang asawa. Ang buong akala ng lahat, namatay si Lindsey sa aksidente. Tatlong taon ang lumipas ngunit hindi pa rin naghihilom ang sugat sa puso niya. Ipinangako niya sa sarili na siya'y magbabalik upang maningil sa dalawang taong nagkasala at babawiin ang lahat ng nawala sa kanya. Babawin niya pati ang kanyang asawa! Ngunit may puwang pa nga ba ang pag-ibig sa puso niya para sa dating asawa, gayong puno nang poot at galit ang puso niya?
This is the dimension of imagination, it is an area which we call book of mysteries. Mga kakaibang kwento na mahirap ipaliwanag. Kwentong pag-ibig, kababalaghan at katatakutan. Mga kwentong mag-iiwan ng mga katanungan sa iyong isipan. Kung ang lahat ba ng iyong mga nabasa ay nangyayari sa totoong buhay o kathang isip lamang at walang katotohanan. 2023©Miss Contessa
Halina't tuklasin ang misteryong bumabalot sa bawat pahina ng kuwento...Mga kuwentong mag-iiwan ng mga katanungan sa iyong isipan kung ang iyong nabasa ay nangyayari nga ba sa totoong buhay o ito ay gawa-gawa lamang ng malikot mong isipan.Handa ka bang harapin ang takot na iyong nararamdaman?Sigurasuhin na hindi ka nag-iisa at panatiling bukas ang ilaw habang nagbabasa.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.