Masarap daw ang bawal na pag-ibig. Anong gagawin mo kung sa unang pagkakataon sa iyong buhay ay magmahal ka, at sa lalaking may asawa pa? Ipaglalaban mo ba ang karapatan mo, o hahayaan na lamang na maging masaya siya sa kanyang tunay na pamilya? Simply lang ang pangarap ni Emily Alvares, 18 years old. Ang maka pagtapos ng pag-aaral at makakita ng magandang trabaho at mapagamot ang kanyang ama na may sakit. Ngunit nahinto siya sa pag-aaral, dahil hindi na siya kayang paaralin ng kanyang ama dahil sa malubhang sakit nito. Kaya napagpasyahan niyang mamasukang katulong sa Manila, para makatulong sa pagpapa gamot ng kanyang ama. Ngunit biglang nangailangan ng malaking halaga ang kanyang ama, para maoperahan ito sa Kidney. Kaya naglakas loob siyang umutang ng malaking halaga sa kanyang mayamang amo, para may maipadala siya sa kanyang amang nasa Hospital. Pumayag naman ang kanyang amo na bigyan siya ng malakin halaga, ngunit may kapalit na hinihinge ang amo niya para sa halagang 2 Million Pesos na ibibigay sa kanya. Iyon ay ang pagpayag niyang maging Surrogate Mother sa magiging anak ng mag-asawa, ngunit gagawin nila ito sa natural na paraan. Dahil ayaw pumayag ng amo niyang lalaki na mabuo ang magiging anak nito sa test tube lamang. Hanggang saan ang kayang gawin ni Emily, para maka hanap ng malaking halaga at mapa operahan ang kanyang mahal na ama? Makakaya ba niyang ipag-palit sa pera ang kanyang dangal at kinabukasan? Paano kung ang isang kasunduan lamang kapalit ng malaking halaga ay mauwi sa pagmamahalan? Kaya ba niyang ipaglaban ang kanyang mahal, kung ang kalaban niya ay napaka yaman at makapangyarihan? Tatanggapin na lamang ba niya ang katutohanan na isa lamang siyang kasangkapan at bayaran upang mabuo ang pamilya ng lalaking kanyang minamahal?
Travis Coleman, 37, isang dating Navy Seal sa US, ngunit umalis dahil sa pagkamatay ng kanyang fiancè na kasamahan din niya sa Navy. Dahil sa sakit ng pagkawala ng babaing labis niyang minamahal ay nagpasya si Travis na bumalik na lang ng pilipinas. Pumasok siya bilang Secret Agent sa isang intelligence group at naging Undercover Agent sa isang mayamang Babae. Dito niya makikilala ang babaing muling bibihag ng kanyang puso. Si Joy, na noon ay labing pitong taong gulang lamang at yaya sa anak ng kanyang Amo. Paano niya lalapitan at liligawan si Joy, kung napaka laki ng agwat ng kanilang edad na dalawa. 15 years ang tanda niya sa dalaga at tinatawag pa siya nitong kuya. Maku-kontento na lamang ba siyang alagaan at bantayan ang dalaga na ang turing sa kanya ay isa lamang nakakatandang kapatid? Paano siya mamahalin ng katulad ni Joy na napaka bata pa at wala pang karanasan sa pag-ibig? May ligaya kayang naghihintay sa kanilang dalawa, kahit napaka layo ang agwat ng kanilang mga edad?
Si Jasmine ay laking Probinsya ngunit matalino at may matayog na pangarap. Lahat ng paraan ay ginawa niya upang maka pag-aral siya sa Maynila. Ngunit sa kabila ng kanyang katalinuhan ay mapusok din siya sa ngalan ng pag-ibig. Dahil ng makilala niya si Dylan Altamera, ang unang lalaking nagpatibok sa kanyang puso ay pumayag itong magpakasal sa lalaki sa batang edad. Ano ang kapalaran ang naghihintay sa kanya sa piling ni Dylan? magiging masaya kaya silang dalawa, kung ayaw naman ng pamilya ni Dylan kay Jasmine? paano kung ang pag-aasawa nila ng maaga ay dahilan upang manganib ang kanyang buhay? Dito na rin ba magtatapos ang kanilang masayang pagsasama na punong-puno ng saya at ligaya? Ngunit isang pangyayari ang babago sa buhay ni Jasmine. Dahil isang lihim na matagal na itinago sa kanya ay mabubunyag. Paano ito tatanggapin ni Jasmine? ito rin ba ang maging daan upang magkalayo sila ni Dylan?
Lynnette Fuentes. Lumaki siyang nakukuha ang lahat ng gusto niya. Galing siya sa mayamang angkan o pamilya ng mga Abogado. Lahat din ng member ng pamilya nila ay obligadong mag-aral ng Law at mag-asawa lamang kung Abogado din ang kanilang pakakasalan. Ito ang tradisyon ng pamilya Fuentes na ipinapatupad pa rin ng kanyang mga magulang hanggang ngayon. Ngunit iba ang gusto ni Lynnette, dahil nag mahal siya ng isang lalaking ang hilig lamang ay ang magkalikot ng Computers. Ang kanyang kababata na si Henry Alonzo, isang IT Expert. Lihim ang naging relasyon nila, dahil sa simula pa lang ay tutol na ang mga magulang ni Lynnette kay Henry. Laging sinasabi ng kanyang ama, na wala siyang magandang bukas sa piling ng isang Hacker lamang. Hanggang isang araw ay ipagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng kaibigan nitong Abogado. Tumutol si Lynnette sa kagustuhan ng kanyang ama. Umalis siya sa kanilang tahanan at sumama siya sa kanyang kasintahan. Maging masaya kaya silang dalawa, kung ang lahat ay tutol sa kanilang pag-iibigan? Paano nila ipag lalaban ang kanilang pagmamahalan? Sapat na bang magkasama silang dalawa at magpakalayo sa lahat upang hindi na sila paki alaman? Paano kung isang araw ay mag hirap ang kanyang pamilya at ang makakapag salba lamang sa kanilang kabuhayan ay ang pag papakasal niya sa anak ng kaibigan ng kanyang ama? Makakaya kaya ni Lynnette na isakripesyo ang kanyang kaligahan, para lang maisalba ang kanilang mga kabuhayan? Ano naman ang kayang gawin ni Henry, upang hindi mawala sa kanya ang kanyang mahal? Gagamitin ba niya ang kanyang mga kaalaman upang matulungan ang pamilya ni Lynnette, samantalang sukdulan hanggang langit ang galit nila sa kanya at ang turing sa kanya ng pamilya Fuentes ay isa lamang hamak na Hacker na dapat na makulong upang hindi pamarisan ng iba. Abangan....
Isang magaling at matapang na Abogado si Alfonso "Alfie" Magtibay. Nagtatrabaho din siya bilang isang Secret Agent. Ngunit isang lihim sa kanyang tunay na pagkatao ang nagtatago sa likod ng kanyang mga tagumpay. Bata pa si Alfie ay alam na niya sa sarili niya na siya ay isang pusong babae. Ngunit biglang magbabago ang lahat dahil sa isang gabing magkasama sila ng kanyang kaibigan na si Attorney Evette Marquez na isang broken hearted, dahil niloko ng kanyang boyfriend. Paano nila haharapin ang isa't-isa, matapos ang isang gabing pinagsaluhan nila? may ligaya kayang naghihintay sa kanila kung pareho silang magulo pa ang isipan? Ano ang gagawin ni Alfie, kung malagay sa panganib ang buhay ni Evette? alam naman ni Alfie na siya lamang ang may kakayahang protectahan ang babae.
Samantha Legaspi. Isang dalaga na ang tanging pangarap sa buhay ay makapagtapos ng pag-aaral. Kaya ng alukin siya ng trabaho ng kanyang Ninang, kapalit ng pagpapaaral sa kanya ay agad siyang pumayag. Naging Yaya siya ng apo ng kanyang ninang, habang ipinag papatuloy nito ang kanyang pag-aaral. Mabait ang kanyang Ninang, kaya naging madali para kay Samantha ang kanyang trabaho at pag-aaral. Ulila na sa ina ang batang kanyang inaalagaan at ang ama naman nito ay nasa ibang bansa, dahil hindi nito matanggap ang pagkawala ng kanyang asawa na namatay sa panganganak. Ilang taon din na nanatili sa Mansion ng mga Del Valle si Samantha.Wala naman siyang naging problema dahil napaka bait ng Pamilya Del Valle sa kanya. Hanggang sa Graduating na siya sa Edukasyon. Kaya masayang masaya siya na makakatapos na rin siya sa wakas at isa na siyang ganap ng Guro. Hanggang isang araw ay biglang bumalik sa Pilipinas ang ama ni Faith, ang kanyang alaga. Siya si Nathan Del Valle, ang kilalang Cruel Billionaire na walang awa sa mga nagkakasala sa kanya at napaka lupit na CEO ng ALBERT'S GROUP OF COMPANIES. Sa pagdating ni Nathan ay biglang nagulo ang tahimik na buhay ni Samantha. Dahil iba ang ugali ni Nathan Del Valle sa kanyang mga magulang. Napaka sungit nito at lagi na lang sumisigaw, kaya takot na takot ang lahat sa kanya. Pati ang sarili nitong magulang ay hindi siya kayang suwayin. Ngunit ang pinaka kinatakutan ni Samantha ay ang gabi-gabing pagpasok ni Nathan sa kanyang kuwarto. Dahil kahit ano'ng gawin niya ay hindi niya matanggihan ang lalaki. Ano ang kahihinatnan ng lahat sa pagitan nina Samantha at Nathan? Kaya bang patawarin ni Samantha ang binata, kung ito naman ang dahilan ng kanyang pagkawasak? Sinira ni Nathan ang kanyang buong pagkatao at dangal na iniingatan. Ano naman ang gagawin ni Nathan, kung ang pagkawala ni Samantha sa kanilang bahay ay siya namang maging dahilan, upang mahanap ni Nathan ang kanyang sarili. Saan niya hahanapin ang dalaga na muling nagpatibok at bumihag sa kanyang puso at dahilan ng kanyang pagbabago? Magkikita pa kaya silang dalawa? Mapapatawad pa kaya siya ng dalaga, kung sukdulan hanggang langit ang kasalanan niya dito? Abangan...
Attorney Monalisa Salvador, 28, anak ng dating Judge. Dahil sa maagang pagkamatay ng kanyang asawa, kaya nagbago nang tuloyan si Monalisa. Ang dating masayahin at pala ngiti, ay naging mabagsik at marahas. Matapos mailibing ang kanyang mahal na asawa, ay pumasok din si Monalisa sa Military. Sa tulong ng kanyang tiyuhin na General, ay naging isa siyang magaling na Secret Agent. Nakikipag laban siya sa mga Criminal at salut ng lipunan. Wala siyang awa sa mga taong kanyang hinuhuli. Katwiran niya ay upang mabawasan ang mga masasama sa mundo at wala nang mapinsala ang mga ito. Ngunit isang kaso mula sa FBI sa US ang kanyang hahawakan. At makakasama niya ang isang Hot na Special Agent galing US. Si Special Agent Samuel Parker. Siya ang naatasan upang hanapin ang isang Killer na tumakas sa US, at nagtatago sa Pilipinas. Ang taong kanilang hahanapin ay mayroon ding napakalaking kasalanan kay Monalisa. Nalaman din niya na ang hawak niyang kaso ay may ugnayan sa mga pumatay sa kanyang asawa. Mabibigyan na kaya ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang asawa? paano niya haharapin ang mga taong may napakalaking kasalanan sa kanya? sapat ba na huliin at ipakulong lamang ang mga taong sumira sa kanyang pamilya? Paano kung sa paghahanap nila ng mga Criminal ay maging daan din upang magtagpo ang kanilang damdamin ni Agent Parker? may puwang pa kaya sa buhay ni Monalisa ang pag-ibig? kung ang tanging hangad niya ay makapag higanti. Mababago kaya siya ng pag-ibig ni Agent Parker? May ligaya pa kayang naghihintay sa katulad niyang nabubuhay sa madilim na mundo ng puot at paghihiganti?
Pemela Lopez is an only child, and the sole inheritor of her family's wealth. When her mother died her father remarried. But soon her father also lost his life, due to an illness. Pamela was imprisoned by her Stepmother, in her own home. Her stepmother even planned to marry her to her son, so that they could get all of her wealth. Pamela decides to run away and hide from her Stepmother and Step Brother. Because she doesn't want to marry a man she doesn't love. Pamela left her town, with the promise that she would return in due time, to reclaim everything that was rightfully hers. And for those who served her family faithfully. What a life Pamela will lead in Manila. How can she live alone in the chaotic City? Could she also meet the man she will love here? What step will she take, to recover her Properties that her Stepmother has seized?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.