"Hindi ako nangarap ng sobra. Pero nang makilala kita do'n ko natutunan kung paano mangarap o gustuhin ang isang bagay, pero sa pag-aasam kong 'yon ay do'n ko rin naranasan kung paano ang masaktan." umiwas ng tingin si Sarah. "Mahal kita, eh. Mahal na mahal, pero umabot na ako sa puntong... sa puntong gusto na kitang i-give up." sabay patak ng mga luha nito. "I... I want an a-annulment, Clinton," —SARAH "Huh!?" humalakhak si Clinton. "Annulment? Fine!!! I'll give it to you!!!" —CLINTON Kakapit ka pa ba sa isang relasyong alam mong nakatali ka na at sa pagmamahal na alam mong 'yon ang nararapat, ngunit sa kabila no'n ay nararamdam mong nasa puntong nasasaktan ka na at hindi mo na alam kung dapat pa ba o nararapat ka pa ba sa sitwasyong 'yon, kung alam mo at nararamdaman mong ikaw na lang ang nagbibigay ng halaga. At hanggang saan ka maghihintay sa atensyong nararapat lamang para sa 'yo mula sa 'yong asawa kung ang bawat taong nasa paligid mo'y hinahadlangan ang atensyong dapat ay para sa 'yo lamang, at pilit may humaharang. Kahit ang pagmamahal na hinahangad mo'y pilit na ring inaagaw. "Love is full of sacrifices, and the best sacrifice you've made is to give up his freedom and just be happy for him." –SARAH 'The FIERCE Wife'.
Sabi nila pag nagmahal ka, dapat sundin mo ang kung ano ang idinidikta ng 'yong puso. Pero paano mo susundin ang idinidikta ng iyong puso kung iba naman ang sinasabi ng 'yong isip. At paano mo pakikinggan ang isinisigaw ng iyong isip kung ang taong nilalaman na mismo ng iyong puso ang nagsasabing wala kang puwang sa kanyang mundo, sa mundong una pa lang ay pinangarap mo nang pasukin. "It's just A Piece Of Paper?" Hanggang saan at kailan ka kakapit para sa isang kapirasong papel? Sa isang kapirasong papel na alam mong nasa'yo ang karapatan. Ngunit paano ka lalaban kung ang karapatan mo ay tanging nasa kapirasong papel lamang at wala sa puso ng lalaking isinisigaw ng iyong puso. "It's just A Piece Of Paper, Myra!!" -Victor "Oo, Victor!! At ang kapirasong papel na iyan ang aking patuloy na pinanghahawakan para lang manatili kang akin!!" -Myra
"Sana kahit isang ala-ala lang na tungkol sa akin ay maalala mo, Luke, dahil sa totoo lang hanggang ngayon patuloy pa rin akong naghihintay sa pagkakataong 'yon, na sana, —na sana kahit hindi mo man ako maalala sa 'yong nakaraan, pero sana naman d'yan sa puso mo, makilala at maramdaman mo pa rin ang tungkol sa babaeng pinangakuan mo no'n, sampung taon na ang nakalipas," —Princess "Paano ko aalalahanin ang isang babaeng kagaya ng sinasabi mo sa nakaraang sampung taon, kung wala akong maalalang babaeng aking pinangakuan." —Luke Unang pag-ibig, unang karanasan, at unang pag luha. Paano mo masasabing lahat ng una ay masaya, kung sa unang karanasan ay doon mo rin naranasan kung paano umasa, maghintay at lumuha. Nagmahal sa murang edad, naisuko ang iniingatang dangal, nagtiwala at umasa, ngunit pagdurusa at pagluha ang naging kapalit. Hanggang saan ka aasa, at hanggang kailan ka dapat maghintay. Subalit muling naglaro ang tadhana. Na ang pusong gusto ng lumimot ay muling tumibok. Pinagtagpong muli, at sa pagtatagpong 'yon ay tuloyan na ngang maitatali ang isa't isa sa isang relasyon na ang isa lang ang nagmamahal. Paano ka kakapit sa isang pagsasama na ikaw lang ang nananatiling nakahawak sa taling patuloy na nagbibigkis sa inyo.
Vince Daved S. Montemayor. The eldest of three siblings. Mayaman at kinikilala sa lipunan. Nagmahal at nagtiwala sa isang babaeng unang inibig, ngunit pagkabigo ang naging kapalit. Lumayo upang makalimot, ngunit makalipas ang ilang taon ay muling bumalik sa bansa kung saan niya naranasan ang unang beses magmahal at unang beses masaktan. At sa muling pagbabalik, muli s'yang makakaramdam ng pagtibok sa kanyang puso para sa isang simpleng babae na kahit isa'y wala ang mga katangiang hinahanap niya para sa isang babae. Marie Jhoy G. Vinencio. The second of three siblings. Simpleng babae, masipag at maabilidad, mapagmahal na anak at kapatid. Nagsisikap para sa kanyang pamilya. Ngunit dumating ang pagsubok para sa kanilang pamilya. Nagkasakit ang kanyang ina at kinakailangan niya ng malaking halaga para sa operasyon. Nanilbihan siya sa mansyon ng mga Montemayor bilang isang kasambahay. Subalit ang trabahong dapat lamang niyang gampanan ay magugulo sa pagdating ng isang lalakeng una pa lang ay nagbigay na sa kanya ng kakaibang pakiramdam, pakiramdam na noon pa lang niya naramdaman. Minahal ni Marie si Vince, ngunit ang pagmamahal na iyon ang susubok sa kanyang katatagan. Hanggang saan siya susubok, para sa lalaking una pa lang ay nagmulat na sa kanya kung ano ang kahulugan ng salitang pag-ibig. Hanggang kailan siya lalaban, kung mismong ang sitwasyon na ng kanilang pamumuhay ang nagsasabing hindi sila nababagay o hindi siya nararapat para sa lalaking nagparamdam sa kanya ng kakaibang damdamin, hanggang saan s'ya kakapit at maninindigan para sa patuloy na pag-abot sa lalakeng kanyang minamahal. Ano ang mangyayari sa dalawang tao na ang isa ay sumubok muling magmahal habang ang isa'y sumubok lumaban para sa unang pag-ibig ngunit ang antas ng kanilang pamumuhay ang nagsasabing hindi sila nababagay sa serkulayon ng kanilang ginagalawan.
"Paglaki ko ako naman ang puprotekta sa 'yo, JM, promise! Okay ba iyon? -GENE "Puprotektahan natin ang isa't isa, Gene. Promise!" -JHON MARKUZ Genalyn 'Gene' Lopez. Nangarap na matupad ang kanyang kagustuhan na maprotektahan ang isang lalaking naging protector nyya sa murang edad, kaya naman nagsikap na makapag-aral at makuha ang posisyong nararapat o sapat na para sa kanya upang maibigay ang proteksyon na nais n'yang ibigay sa lalaking minamahal at iniingatan. Si Police Lieutenant General (Deputy Director General) Lopez, na nagsisilbi sa lipunan ng bansa at isa sa pinakamahusay na kawani ng batas, ngunit sa likod no'n ay nakatago siya sa pagiging isang secret agent para sa lalaking lihim na minamahal, na kahit ang sariling batas ay kayang kalabanin alang-alang sa pagmamahal. Jhon Markuz Morrison. A Mafia Leader, a Business Tycoon, and a single father na gagawin ang lahat para mapanatili ang kaligtasan ng isang anak mula sa mga kalaban, ngunit ang pag-iingat na iyon ay hindi niya nagawang panindigan. Nawala ang kanyang anak at sa loob ng limang taong lumipas ay nananatili s'yang waring nangangapa sa dilim, sa kung ano o sino ang nasa likod ng pagdukot sa kanyang anak. FIGHT or LOVE? Ano ang dapat mong piliin at kaya mong panindigan? Hanggang saan ka kakapit at hanggang kailan ka aasa para sa taong pinag-ukulan mo ng 'yong pagmamahal kung kamatayan mo naman ang tanging kaligayahan ng lalaking minamahal. FIGHT for LOVE with the MAFIA 'Jhon & Gene'
[R-18 SPG] ‼️ MATURE CONTENT‼️ Mistress Gold Digger Ambisyosa Babaeng mababa ang lipad Ilan lang iyan sa mga salitang halos araw-araw kong naririnig mula sa mga taong mapanghusga. Ngunit lahat ng iyon ay pikit-mata kong hinaharap at nagbibingi-bingihinan sa mga taong nakapalibot sa akin. Isang simpleng babae lang ako na nagmahal, at alam kong ang pagmamahal ay hindi ipinagbabawal dahil tumitibok ang puso mo para sa isang taong minamahal. Subalit ang pagmamahal kong iyon ang siya ring unti-unting dumudurog sa aking puso at buong pagkatao. "Mahal kita, James, at handa akong makihati, handa akong maging kabit 'wag mo lang akong iwan, dahil– dahil hindi ko kaya, hindi ko kakayanin. Mahal na mahal kita," -JENNIEL "Wala tayong relasyon, Ms. Pajares, at kung ano man ang mga nangyayari sa atin ay parehas nating ginusto. And– and I don't love you. I am a married man." –JAMES Mga salitang tuluyang lumusaw sa kakapirasong pag-asang natitira para sa aking sarili.
Almost perfect. Salitang pagkakakilanlan patungkol sa akin, ngunit ang hindi alam lahat, kawangis lang ako ng isang laruang de-makina. Sunod dito, sunod doon. Tango dito, tango doon. Bawal kang humindi, bawal kang umayaw. Minsan natanung ko na rin ang aking sarili kung tao ba talaga ako o hayop, dahil buong buhay ko wala na akong ginawa kundi sumunod nang sumunod sa mga kagustuhan nila. Wala akong laya o kalayaan, na animo'y isa akong bilanggo. Sundan po natin ang kuwento nina Director Mark Oxford at Alexandra Galliguez, kunh paano magtatagpo ang landas nila ng lalaking babago sa kanyang buhay at pananaw.
"Hindi ko inakaalang mamahalin kita, pero ito na, nangyari na. Isa lang ang pakiusap ko, Miguel. Huwag mong mamantsyan ang pagmamahal ko, at lalong higit ang tiwala ko sa 'yo, dahil oras na malagyan ng mantsa, handa akong bitawan ang pagmamahal na iyon," —Jhona. "I love you and I am willing to give you my name. Will you marry me?" —Miguel
Tatandang dalaga, walang magkakagusto, at hindi kagandahan, mga salitang nakatanim sa aking isipan, na marahil ay 'yan din ang dahilan kung bakit sa edad kong ito ay hindi pa rin nararanasang makipagrelasyon o ang magkanobyo. Sabi nga nila Never been touch, Never been kiss. Yan ako, si Aileen Corpuz. Nakakatawa mang isipin pero totoong hindi ko pa rin nararanasan ang mahalikan o kahit man lang ang mahawakan. Subalit isang lalaking kahit sa panaginip ay hindi ko nakikita ang s'yang nangahas na nagnakaw ng aking unang halik.
Paano ba ang umasa na hindi mo kailangangang lumuha? Paano ba ang maghintay na hindi mo kailangang mapagod? At paano ba ang muling magtiwala ng hindi mo kailangang masaktan? Ako ang asawa, pero ako ang nakikihati. Ako ang nagmamahal, pero iba ang nagpaparamdam. At ako ang pinangakuan ngunit sa iba tinutupad. "Masakit? Oo, sobrang sakit, na sa sobrang sakit ay para bang ultimong paghinga ko'y pinipigilan nito, pero sa kabila no'n hindi ko kailangang mapagod at kailangan kong paulit-ulit umasa at maghintay, dahil mahal ko ang asawa ko. Mahal ko si Jeff, at maghihintay ako hanggang sa tuluyan na s'yang bumalik sa akin."
Ang pagmamahal ba ay kasing-kahulugan ng salitang dignidad at libog o tawag ng laman? Kung totoo mang magkakasing-kahulugan nga ang mga salitang iyan, maaaring isa nga akong babaeng walang prinsipyo sa aking sarili. Isang nirerespetong babae, na kayang ibaba ang prinsipyo alang-alang sa pagmamahal para sa isang lalaking handang ibaba ang dignidad mula sa tawag ng laman.
Isang mahinang babae na binago ng masalimuot na nakaraan. Naging malakas at matapang, lahat ay sinusuong at walang inaatrasang laban. Handang pumatay at mamatay alang-alang sa prinsipyong sinumpaan. Ngunit ang pagbabagong iyon ay muli ring sinubok dahil sa isang pangyayari mula na nakaraan. Ang pagpatay sa kanyang ina na nagtulak sa kanya upang maghiganti. Ang isang malakas at matapang na babae na handang pumatay at mamatay ay naging isang mahina at nawalan ng kumpiyansa at tiwala sa sarili. Isang paghihiganti sa mga taong nagkasala sa kaniya at sa kaniyang pamilya ang siya rin naglagay sa isang masalimuot na sitwasyon ng kanyang buhay at pamilya. Ang tiwala at pagmamahal na muling ibinigay sa kanyang asawang si Clinton ay muling nadungisan dahil sa mga tao na ang hangad ay tuluyan nang mapabagsak ang isang Sophia Sahara Ibañez Ocampo-Oxford bilang si Agent Sky. Ano nga ba ang gagawin nang dalawang tao na muling sinubok ng tadhana. Ang pagmamahalang nasira at muling nabuo, subalit nang dahil sa naging hakbang ni Sophia ay muling nasira ang kanilang pagsasama. Ang pagmamahal at tiwala ay muling nasira at nawalan ng kakayahan upang muling ipaglaban ang mga sinumpaan pangako sa isa't-isa. Tunghayan natin ang huling yugto ng pagmamahalan nina Clinton at Sarah. Hanggang saan nga ba sila muling kakapit at lalaban alang-alang sa pagmamahal sa isa't-isa. BOOK-2 THE FINAL VENGEANCE 'Mr & Mrs. OXFORD'
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.