PROLOGUE...
"Glen, pinaglutuan kita ng paborito mong pinakbet. Alam ko kasing pagod ka kaya naisipan kong mamalengke kanina at iluto yung gusto mong ulam. Halika, samahan mo akong kumain dito. Dapat lagi tayong magkasabay kapag kakain para masanay na tayong dalawa sa isat-isa... Lalo na't ngayon na kasal na tayo," saad ko sa lalaki na kakauwi pa lang ng bahay.
He is Glen... My husband. Ang taong pinangarap kong mapangasawa. Kaya yung nalaman kong siya ang pakakasalan ko ay hindi na ako tumanggi pa dahil alam kong sa kanya sasaya ang puso ko. Arranged marriage ang nangyari sa pagitan namin. Kaya pinipilit kong kunin ang loob niya dahil tila nagkaroon siya ng amnesia at hindi niya maalala na ako yung babaeng hinalikan niya noon.
Matagal na panahon na rin kasi na hindi kami nagkita kaya siguro nakalimutan niya na ito.
"Itapon mo na lang 'yan. Wala akong ganang kumain," he said with a cold voice.
"Pero sayang naman 'to. Alam mo bang nagpaturo pa ako sa kaibigan ko kung pa'no ito gawin? Kasi alam mo na, hindi pa ako expert sa pagluluto. But I'm trying my best para maging magaling na asawa sa'yo," wika ko naman bilang pangungulit.
Matalim niya akong tinitigan dahilan para mapalunok ako ng aking laway.
"Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko at ang kulit mo? Bobo ka ba Steph? Simpleng pag-unawa lang nang sinabi ko ay hindi mo pa maintindihan," irita nitong tanong.
"Gusto ko lang kasi na tikman mo ang niluto ko... I mean, halos ilang buwan na tayong mag-asawa pero ni minsan hindi pa tayo nagkakasabay na kumain. Lagi mo akong iniiwasan. Lagi mo akong tinatanggihan. At lagi mo akong pinagtatabuyan na para bang may nakakahawa akong sakit... Kaya gumagawa ako ng paraan para kahit papaano maging maayos ang pagsasama natin bilang mag-asawa," kinakabahan na turan ko.
"Nagpapatawa ka ba? Hindi kita asawa. Napilitan lang akong pakasalan ka. Kaya tigilan mo na 'yang kahibangan mo sa akin. Hindi kita gusto. At lalong wala akong balak na mahalin ka... Kasal lang tayo sa papel pero pagdating sa mata ko, isa kang hamak na maduming babae at hinding-hindi ko masisikmura na maging asawa ang isang tulad mo," pagwiwika nito.
"K-kung gano'n, bakit ka pa pumayag na magsama na tayo? Ano bang ginawa kong mali sa'yo Glen at ang init ng dugo mo sa akin?" tanong ko sa kanya at pinipilit kong alamin ang rason niya.
"Pumayag akong magsama tayo sa iisang bubong dahil gusto kong pahirapan ka. Gusto kong makitang nasasaktan ka... Dahil sa tuwing nakikita ko ang pag-iyak mo, kinatutuwa ko 'yon," ani nito kasabay nang pagtalikod.
Mapait akong napangiti dahil sa winika niya. Hindi ko alam kung bakit parang ang lalim ng galit niya. Sa pagkakaalala ko ay wala akong naging atraso sa kanya para tratuhin niya ako ng ganito.
Pero ang sakit lang, ang sakit lang dahil tinatrato niya ako na parang isang basura at hindi asawa.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.