Deanna Cervantes, a seventeen-year old girl na nakatira sa isang kubo kasama ng kaniyang lola. Maganda, mapagmahal, at matapang ang dalagita. Kilala ito bilang matapang sa kanilang lugar sa Tabaco City, Bicol. Ipinanganak si Deanna na makinis at maputi kaya naman kapag nakasuot ito ng damit na maayos ay parang anak ng mayaman kung tingnan. Namatay ang kaniyang ina dahil sa pagsilang sa kaniya at ang kaniyang ama naman ay dahil sa heat stroke. Graduate na ng high school ang dalaga. Sa ngayon ay naghihingalo na ang kaniyang lola.
”Lola, kumain naman po kayo. Hindi ba kayo naaawa sa 'kin? Ni ayaw n'yo po magpadala sa ospital. Lola naman, eh. Ang tigas naman po ng ulo n'yo,” nagmamakaawang sabi niya habang hawak ang isang bowl na may lamang pagkain.
”A...po ko, tandaan mong mahal na ma...hal kita. Kung ma-deads man ako, tawagan mo si Doña Estrella. Maging mabuti kang apo sa kan'ya,” bilin nito. Kahit nahihirapan nang magsalita ang kaniyang lola pero minsan nakukuha pa nitong magbiro.
”Lola naman, eh. Hindi pa po kayo ma-de-deads. Naiiyak tuloy ako sa mga pinagsasasabi niyo," maluha-luhang sambit niya rito. Ang lola niya ang nag-alaga sa kaniya simula sanggol pa siya, kaya kung mawawala ito ay parang nawalan na rin ng buhay si Deanna. Ito rin ang nag-iisang kasama niya dahil patay na rin ang kan'yang lolo nang nakaraang taon lang.
”Apo, naki...kita ko na ang liwanag," ani Lola niya.
"Lola naman, eh. Maliwanag naman po talaga dahil umaga ngayon," saad niya, tapos dahan-dahan niyang hinila ang kurtina ng bintana upang matakpan ang init ng araw na nagmumula sa labas.
"Akala ko pa naman langit na. Ex...cited na kasi ako," umuubong sabi nito.
"What? Excited? Lola naman! Bakit kayo excited?" napangiwi siya. Halos araw-araw pinapanalangin niyang bigyan pa ng Diyos ng mahabang buhay ang kaniyang lola pero excited pa pala itong mamatay.
"Siyem...pre, para ma...kasama ko na ang aking abun...jing-abunjing, ang lolo mo," sabi nito habang pinipilit pang ngumiti.
Napakamot ng ulo si Deanna, "Sana all na lang po. Akala ko pa naman gusto niyo pang mabuhay para sa 'kin, pero mas gusto niyo nang matigok kayo para kay Lolo. Bahala kayo, hindi kayo mapupunta sa langit niyan dahil masama ang loob ko," sabi nito at biglang sumimangot ang mukha.
"Apo na...man, mahal kita pero pagbigyan mo naman ako. Miss na miss ko na ang iyong Lolo. 'Wag ka na magtampo, hayaan mo at susunod ka rin naman sa 'min," aniya at ngumiti ito ng nakakaloko.
"Sige na lola, 'di bale na lang ho. Gusto ko pang mabuhay ng matagal. Sige na po Lola, pwede na po kayong mamatay para makasama niyo na si Lolo! Pero minus points kayo sa langit kasi nagtatampo talaga ako!" muling saad niya. Inirapan niya ito at tumalikod siya.
Walang tugon ang kaniyang Lola Delilah kaya nilingon niya ito.
Nagtaka siya kaya nilapitan niya ito, "Lola Delilah? Lola?! Lola ko?!!! Hindiiiii!" Niyakap niya ito nang mahigpit.
Ito ang pinakasakit na pangyayari sa buong buhay niya, ang mawala ang kaniyang pinakamamahal na lola sa tabi niya.
"Ang daya mo talaga, Lola! Talagang hindi ka na nagpapigil pa," umiiyak na saad niya habang yakap-yakap niya pa rin ang kanyang Lola. Pagkatapos ng mahigpit na yakap ay lumabas siya upang humingi ng tulong sa mga kapitbahay.
"Tulong! Tulungan n'yo po ako!" sigaw niya ng makalabas siya ng bahay.
"O, anong nangyari Deanna? Bakit ka umiiyak? Nasaan ang Lola mo?" humahangos na tanong ng isa sa mga kapitbahay nila.
"A...ling Cora, wala na po si Lola Delilah. Patay na po ang Lola ko," kuwento niya habang humahagulhol siya sa pag-iyak.
"Diyos ko! Kailan pa? Tara, samahan mo nga ako at titingnan ko!" gulat na tanong nito. Nagpasama rin ito kay Deanna upang tingnan ang matanda.
Maya-maya pa'y marami na rin ang pumunta sa kubo upang upang tulungan at damayan si Deanna.
Pagsapit ng hapon ay may dala nang pang-tolda ang ibang tao. May lumapit na rin sa Kapitan upang humingi ng tulong hanggang sa naembalsamo at naburol na ito.
"Kawawa naman si Deanna, wala na nga siyang ibang kasama tapos nawala pa," sambit ng isang babae.
Nakaupo si Deanna malapit sa kabaong ng kaniyang Lola Delilah. Iyak ito nang iyak, wala rin siyang ganang kumain.
May lumapit sa kaniyang isang babae, si Aling Fe.
"Ganiyan talaga ang buhay, Neng. May nawawala at may dumarating. Lakasan mo lang ang loob mo at magiging maayos lang ang lahat. Nandito lang kami lagi para sa 'yo," sabi ni Aling Fe habang tinapik-tapik siya sa kaniyang balikat.
"Opo, Aling Fe. Salamat po," tugon niya rito habang patuloy pa rin sa pagtulo ang kaniyang mga luha.
Umabot din ng tatlong araw ang burol ni Lola Delilah. Nakiusap si Deanna na ilibing na lang ang kaniyang Lola sa katabi ng kaniyang Lolo, sa likod ng bahay nila. Marami ang taong nakiramay at tumulong sa kaniya.
Nang umuwi na ang mga tao sa kani-kanilang bahay ay mag-isa siyang naiwan sa tapat ng puntod ng Lolo't Lola niya.
"O, Lola! 'Yan na 'yong gustong-gusto mong mangyari. Deads ka na. Magkasama na kayong dalawa ni Lolo. Hmp. Fifty-fifty ka ngayon sa heaven kasi iniwan mo akong nagtatampo sa 'yo. Ang daya mo talaga, Lola. Abunjing-abunjing!" Umirap siya na parang bata. Nakasimangot niyang tinalikuran ang puntod ng kaniyang Lolo't Lola.
Pagpasok niya ng kubo ay mag-isa na lamang siya. Niligpit niya ang lahat ng gamit. Naalala niya ang bilin ng kaniyang Lola na kapag natigok na ito ay tawagan niya si Doña Estrella. Kinuha niya ang kaniyang skeleton keypad phone. Hinanap niya rin doon ang numero at tinawagan iyon.
"Hello. This is Lilia from Ashford de Mansion," bati sa kabilang linya.
Napalunok siya, "Hello. This is Deanna Cervantes, pwede ko po bang makausap si Doña Estrella?"
"Okay, Ma'am. Please hold on for a minute," tugon ng babae.
Grabe! Mukhang yayamanin talaga sila. May pa-english at taga-sagot ng tawag! Mabuti na lang marunong akong umitindi ng English. Hays, ano kaya ang buhay sa Maynila? Sana naman, wala akong magiging problema.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.