Kalilipat pa lang ni Katarina ng boarding house ngunit gusto niya na muling maghanap ng iba dahil sa kakaibang mga tunog na naririnig niya sa kabilang kwarto. Paano ba naman kasi, nabubulabog ang mahimbing niyang tulog dahil sa mga kalabog at kalampag sa kabilang kwarto na katabi ng kaniyang inuupahan. Minsan pang natutulog siya ay tinamaan ang kaniyang mukha ng nahulog na painting mula sa dingding dahil sa malakas na pagyanig ng kung ano sa kabilang kwarto. Ngunit bukod sa pag-aray niya ay may isa pang tila sinasaktan ngunit hindi umaaray sa kwartong pinanggagalingan ng ingay. "Aaahhhh, Ace, it's so good!" Huli na nang malaman niyang ang super gwapo pero sobrang bastos niyang kapit-bahay ay nag-uuwi pala ng mga babaeng sasaktan nito sa ibang paraan na magugustuhan nila. At halos gabi-gabi, nabubulabog siya sa ingay ng mga ito dahil tila ba nagkakaroon na ng parade of women sa kabilang kwarto dahil sa mga kababalaghan na nagaganap. Minsan, naglakas loob siyang komprontahin ang kaniyang kapit-bahay ngunit sa huli ay magsisisi pa yata siya dahil matatagpuan niya ang kaniyang sarili na maakit sa taglay na kagwapuhan ni Ace Aiden. Handa rin ba siyang maranasan ang sakit sa gitna ng kasarapan? Luscious Pain.
Kailan naging masama ang salitang pag-ibig? Isang mapagmahal at butihing asawa si Hector Galvez na ibibigay lahat ng oras, atensyon at pagmamahal sa kanyang pinakamamahal asawa, si Carmina Benedicto - Galvez. Ngunit ang oras, atensyon at pagmamahal na binabalewala ay nauuwi sa paghahanap ng ibang taong makapapansin at makapagbibigay halaga nito. Dahil sa kawalang pakialam ni Carmina kay Hector, mapupunta lahat ng mga iyon kay Martha Angelina Gabriel, isang contract of service employee na sasalo sa mga pangangailangan ni Hector na hindi matugunan ng kanyang asawa. Pagkakamali nga bang matagpuan ng tunay na pag-ibig sa taong itinatakwil ng lipunan dahil sa sila raw ay kabit lamang? Hanggang saan mauuwi ang tagong pagmamahalan nina Hector at Martha? Hanggang sa kadiliman nga ba? Dark Obsession. (Book 1 of the Obsession Trilogy)
Posible nga bang muling tumibok ang puso sa taong minsan nang umiwas at lumamig sa'yo? Pagkatapos malugmok sa pag-iisa at pagbabayad sa kanyang mga nagawang pagkakasala ay babangon si Martha, bilang isang matatag at palabang babae. Pinilit niyang lumaban sa kalupitan ng mga taong nakakakilala sa kanya at sa kanyang nakaraan, alang-alang sa kanyang anak na si Hercules. Apat na taong gulang na ito at nagsisimula nang magtanong tungkol sa kanyang ama. Bilang isang single mom ay isa ito sa mga bagay na hindi kayang sagutin kaagad ni Martha. Mabuti na lamang at hindi nagkukulang ang boss niyang siyang nagpresenta na tumayong ama-amahan ni Hercules kahit pa wala naman silang relasyon. Si Arthur Peñalba, ang CEO ng isang publishing company sa San Gabriel, byudo at walang anak. Ngayon, paano haharapin ni Martha ang mundo kung sa isang iglap ay mawawala si Hercules at si Hector ang makakahanap sa pinakamamahal niyang anak. Paglalapitin ba silang muli ng tadhana? Hard Obsession (Book 2 of Obsession Series)
Dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana, sinubok ng panahon at dinurog ng sakit, dalawang taong hanggang sa huli ay nagmamahalan sa gitna ng lahat ng pasakit. Magagawa nga bang gamutin ng tunay na pag-ibig ang mga nakaraang bumago sa takbo ng buhay nilang dalawa? Paano kung sa mga nakaraang ito ay naitali sila sa mga sitwasyong hindi nila alam kung paano nga ba tatakasan? Magagawa kaya nilang kalagan ang sarili sa mga kadenang nakagapos sa kanila upang pasikretong matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa isa't isa? Ito ang huling yugto ng pagmamahalan nila Hector at Martha na hanggang sa huli ay masusubok dahil sa mga mas mabibigat na rebelasyong kailangan nilang kaharapin ng magkasama. Secret Obsession. Book III of Obsession Series.
Full time : Tricyle Driver Part time: Masungit sa kanto Apat na kilomentro ang layo ng pamilihang bayan ng San Lorenzo sa Calle Adonis. Ang kalyeng ito ay pinamumugaran ng sandamakmak na grupo ng mga gwapong kalalakihan na kalolokohan ng karamihan. Isa na rito si Baste, isang tricycle driver. Sa taglay nitong kagwapuhan, lahat ng sasakay sa tricycle niya ay nanaisin pang tumagal ang byahe kaysa bumaba. Pawisan? Natural producer yata siya ng pabango. Kaskasero? Banayad lang ang maneho pero swabe at ihahatid ka sa lugar kung saan mo gusto. Babaero? Galit siya sa babaeng maaarte at nagpapa-cute sa kanya ng husto. Sino kaya ang maswerteng bibihag sa kanyang puso sa dinami-rami ng taong sa kanya ay nagkakagusto? Baste. Sebastian Corpuz. Binatang taga Calle Adonis. Tricyle Driver. Sasakay ka na ba?
Literal na nagbabaga si Crisanto. Wala akong ibang maisip na salita upang ilarawan siya. Mabigat ang talukap ng mga mata niya habang nakatingin lamang sa akin na para bang gusto niya akong kainin ng buhay. Mas lalong nakadagdag ng kakaibang sensasyon ang dahan dahan niyang pagdila ng kanyang mga labi na para bang nalalasahan niya ako. At nang kagatin niya ang mapula niyang pang-ibabang labi ay para bang nararamdaman ko iyon sa pagitan ng aking mga hita. Kanina ko lamang siya nakita na nagkagat labi ngunit mukhang kabisado ko na kung ano ang nararamdaman niya. Alam ko kung gaano siya kahalimaw at kabangis kapag ganon ang kanyang ginagawa. Isa iyong tingin na naghuhumiyaw ng salitang PAGNANASA. Matindi, malalim,walang katapusan at nakakabaliw. Habang nakatayo siya ay magkahiwalay ang kanyang mga binti, maritmong kumikislot ang matikas at hulmadong katawan habang matagal at mabagal niyang hinahagod ang kaakit akit niyang kadakilaan. Para siyang anghel na nahulog sa lupa at pinarurusahan dahil sa kanyang salang pagnanasa.
Nang muling magdesisyon si Conor na pumasok muli sa isang relasyon matapos ang nangyari sa kanyang nakaraan, akala niya'y magiging madali na ang lahat. Katulad ng normal na ginagawa sa panliligaw, simpleng pagbibigay ng chocolates at bulaklak at pagde-date lang ang kanyang alam para mapasagot si Madget, ang kanyang kababata. Ngunit bakit hindi lang iyon ang requirements ng dalaga para sagutin si Conor sa panliligaw nito? Bakit kailangan pang ipakita ni Conor ang kanyang ari para makuha lang ang matamis nitong oo? Susuko ba siya? O Magpapasubo na lang kaya? Tasty Secret - SPG Book II of Adam's Desire Series
Full Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuting anak ay isa palang chickboy - literal na hinahabol ng mga babaeng kaniyang pinakilig pero hindi inibig. Totoo nga kayang walang maliit na hindi nakapupuwing? Mapupuwing nga lang ba siya o mabubulag ng tuluyan na dulot ng tunay na pag-ibig. Sino ang babaeng bibihag sa puso ng tusong binatang ito? Subaybayan kung paano siya mapaiibig ng dalagang kailanman ay hindi niya lubos maisip na magpapatibok sa mapaglaro niyang puso at isip. Abangan si Leo sa ikalawang libro ng Tambay Pogi Series. Leo. Leonardo Baltazar - Del Monte. Binatang taga Calle Adonis. Cutie -Panadero sa kanto.
Full Time: Studyante Part Time: Suki sa Kanto Vladimir Agoncillo - Enriquez Mas kilala bilang Amir sa Calle Adonis. Popular siya sa nakararami lalung lalo na sa mga binabae na panay ang pacute sa kanya saan man siya pumunta. Kumakayod para makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit madalas siya ay nahuhusgahan dahil galawan niya raw ay di marangal. Ngunit isa ang totoo, pinepreserve niya ang sarili niya para sa kanyang mahal. Bata man kung ituring, ngunit pag nagmahal lubos pa sa salitang 'caring,' Cute. Check. Hunky. Check. Magalang. Check. Medyo Bastos. Big Check. Amir. Hindi tagbente, singkwenta at wampipti mga kasuki. Sapagkat, wala ng mas hihigit pa na presyo nang mahulog siya kay Mayumi. Siya ang bunso sa mga Tambay Pogi.
Full Time: All Around Mekaniko Part Time: Hottie - Dream Guy sa Kanto Laking nanay, tinuruang maging mekaniko ng tatay at all around nice guy kung maituturing si Macario o mas kilala sa pangalang Macky sa Calle Adonis. Sa taglay na kakisigan ay hindi mo aakalaing may marumi pala siyang trabaho. Oopps, iba ang iniisip ninyo. Marumi as in, naghahawak ng grasa, naaalikabukan, namamantsahan ng kalawang, nababasa ng tubig mula sa sirang gripo at nasusugatan sa mga sirang wire sa electricity ninyo. Siya rin ay 'One Call Away Guy'ng mga nasisiraan ng kagamitan o makina ng mga mamamayan ng Calle Adonis kaya't kilala siya sa mga kanto. Tunghayan kung paano aayusin ni Macario ang sugatan at baradong puso ng babaeng astig at walang inuurungan sa kanyang pagiging babaeng unipurmado. Macky. Macario Reyes-Fernandez All Around Mekaniko. Dream Guy sa Kanto. Aayusin ang wasak mong puso.
Callboy Series III Codename Apollo: Laurel's Slaying Arrow Sanay na si Lucas Macapuno sa pakikipag- one night stand sa mga babaeng nakakahook-up niya sa bar. Hindi na rin mabilang ang mga babaeng naikama niya dahil na rin sa kanyang angking kakisigan at pagkakaroon ng magandang pangangatawan. Ngunit iba si Aurora sa lahat. Ito ang babaeng pagbibigyan niya ng kanyang serbisyo bilang isang callboy sa bar ng Queen's Men Lair at ang magiging kliyente niya sa isang masalimuot na sinapit nito matapos pagtangkaan ang buhay nito ng mga taong nagnanais siyang makidnap. Dahil eksperto si Lucas o mas kilala sa codename na Apollo, mabubura sa landas ni Aurora ang mga masasamang taong ito. At tatatak naman sa kanya ang galing at husay ng lalaking madalas pa sa madalas kung magpaligaya sa kanyang mga kagustuhan, ang tawag ng kanyang laman. Ngunit paano kung matapos ang misyon ay matatapos din ang kanilang sikretong relasyon? Pero matatawag nga ba itong relasyon?
"PANGIT!" "Mas pangit ka!" Aba, sumasagot pa ang babaeng ito. Siya na nga itong nakagawa ng kasalanan tapos siya pa itong matapang. Kung paalisin ko kaya siya ngayon. Nakakainis na ang pagmumukha niya dito sa bahay. Bakit ba kasi siya pa ang kinuhang kasama ni nanay sa pagbabantay sa mga pamangkin ko? "Lagot ka sa akin mamaya pag namalengke si nanay," pinagbantaan ko siya. "Isusumbong kita sa tatay mo. Namimihasa ka nang ibinabalibag ako. Babae ako, hindi ako kasing lakas mo," mahina niyang wika saka inagaw sa akin ang hinuhugasan kong baso. Porke't wala pa akong trabaho at kagagraduate ko pa lang ay isang utusan na ako dito sa bahay, may katulong naman. "Buti sinabi mong babae ka, mukha kang malaking mama," tinalsikan ko pa siya ng bula. "Ma'am yung junior niyo oh," sigaw niya. Agad kong tinakpan ang kanyang bibig kaya naman napuno na ito ng bula. "Uuhhmm," reklamo niya. "Hoy kangkarot, huwag mo akong susubukan. Kapag sinumbong mo pa ako, maibabalibag kita ulit," banta kong muli. "Huwag mo akong takutin pangit na walang abs, hindi ako natatakot sa'yo, bleh!" At pinandilatan niya pa ako. Talagang inaasar niya ako ah. "Kaya pala panay ang tingin mo sa akin kapag nakahubad ako dito sa bahay," wika ko pa habang patuloy sa paghuhugas. "Nye nye nye!" Aniya. "Kaya pala naiinis ka kapag nandito ang mga barkada kong babae," dagdag ko pa. "Whatever!" "Kaya pala wala ka pang boyfriend dahil umaasa ka sa akin," sinasadya kong inisin siya. "Feeling ka, maraming nanliligaw sa akin." "Wala nga ni isa eh." "Baste tumahimik ka na," sa wakas nainis na siya. "Wala ka kasing s*x appeal" Dagdag ko pa. "Isa." "Hindi ka rin sexy." "Dalawa." "Wala ka ring boobs, aray." At saka niya ako binatukan at tumakbo palayo. "Hoy kangkarot bumalik ka dito, kailangan kong gumanti," sigaw ko na ikinalingon ng mga tao sa bahay. "Kangkarot humanda ka pag naabutan kita!" Naiinis ko siyang hinabol hanggang sa labas ng bahay. Kainis!
Full time: Barangay Tanod Part time: Loyal-Hottie sa Kanto Marcus "Arc" de Jesus. Isang 'macho ganadong tanod' ng Calle Adonis sa bayan ng San Lorenzo. Likas na biniyayaan ang barangay na pinagrorondahan nito ng hunky at yummy na mga TAMBAY POGI. At isa na mismo si Arc sa mga ito na masugid na tagapangalaga ng katahimikan at kapayapaan ng barangay. Sa batuta niyang matigas at mahaba na gamit sa pagroronda, siguradong aaray ka, kapag nanlaban ka. Sa kakisigang taglay, mga kababaihan at sangkabaklaan ay bumibigay sa kanya. Nanghuhuli ng taong kasin' tigas ng bato ang ulo, saka ikukulong at uuwing disiplinado. Sino ang bibihag sa mapagronda niyang puso? Tambay Pogi: Arc Nanaisin mo na lang maging tarantado, Makulong lang sa kanyang puso.
Full Time: Water Station Boy/Owner Part Time: Hunky Guy sa Kanto Kiel. Ezekiel Lopez-Garcia. Binatang may-ari ng water station at siya ring nagmamanage nito. Siya na rin minsan ang tagapaghatid ng orders ng mga taga Calle Adonis kaya naman pamatid uhaw ang presensya niya sa mga customers na kababaihan. Malinis ba ang tubig sa station niya? Oopps, pati nga yata pawis niya ay mineral water na. Tama lang ba ang presyohan nila? Sobra pa sa sulit at inaakala. Pamatid uhaw ba? Kapag siya ang nagdeliver, wala ka ng hahanaping brand na iba. Subaybayan kung paanong ang binatang ito ay nanatiling uhaw sa pag-ibig sa kabila ng atenayong nakukuha sa paligid niya. Lahat ba ng naiiwan ay naghihintay? Kiel. Ezekiel L. Garcia Nauuhaw ka na ba?
Full Time: P.E. Teacher Part Time: Hunky Coach sa Kanto Adrian Macalinga - Peralta Isang binatang guro na nagtuturo ng Physical Education sa San Lorenzo National High School. Ngunit dahil sa pandemic, igugugol niya ang panahon sa pagiging coach ng basketball team ng Calle Adonis sa paliga ng kanilang cluster-barangay. Pawisan. Of course, china-challenge ang players sa pakikisali sa laro. Shooter. Naman, walang daplis, Sharp na Sharp. Violator. No. Smooth siya magdribol at nanaisin mo na lang maging bola para naman mahawakan, masalo, maagaw at maishoot sa ring. Ito ang kwento ng coach na mahuhulog sa patibong ng to the rescue sponsor ng kanilang jersey na si Mariz, ang balik-bayan lady na aali-aligid sa hunky coach ng bayan. May maididribol ba? May masasalo ba? May maaagaw ba? At may maisho-shoot kaya? Tambay Pogi: Adrian.
Nakadadarang ang imaheng nakikita ko mula kay Hugo. Namamawis ang kanyang mukha at nangingintab ang kanyang katawan dahil sa namumuong pawis mula doon na tumutulo pababa sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Nakataas lamang ang sando niya at hantad ang matipuno niyang dibdib na nalalatagan ng munting mga buhok at ng tinta ng kanyang magandang tattoo sa kaliwang dibdib. "Ang mga ginagawa ko ay nakakapagpaligaya sayo. Ang bawat parte ng katawan ko ay nahulma para mahawakan at maramdaman mo. Ang bawat bagay na nailalabas ko ay nagugustuhan at natitikman mo. Ibig sabihin ay ginawa ako para sayo. At ito ako," seryoso niyang wika. Nasabi niya ito matapos niyang ipatikim sa akin ang lasa ng pagnanasang kanyang pinaghirapang ilabas. Sa puntong ito, nagkakasala ako at nagmumula ito sa unang bahagi ng lahat ng aking nararamdaman. Ang pagnanasa ng aking mga mata sa kanya.
Full Time: Hardinero Part Time: Hunkie sa Kanto Nathan o Nathaniel Francisco. Isang binatang hardinero sa pamilya ng Trinidad. Magtanggal ng d**o? Expert yata siya sa pagtatabas. Magdilig ng halaman? Siguradong mamumukadkad ang bulaklak sa araw araw niyang dilig sa mga halaman. Mag-ayos ng bakuran? Giginhawa ang pakiramdam mo pag siya ang nakita mong pawisang nagtatrabaho sa halamanan. Subaybayan kung paanong ang simpleng binata ay maging sentro ng atensyon ng isang masungit na bubuyog na aali-aligid sa kanyang harapan. Nathan. Nathaniel Lopez-Francisco. Tatabas na.
Tahimik ang buhay ni Nicholas Mendez habang seryosong nagtatrabaho bilang tagapamahala ng ubasan at gawaan ng alak sa Hacienda Guerrero. Ngunit nagulo ito nang dumating si Jimena Guerrero Lopez, ang anak ni Juancho Guerrero. Maaakit siya nito at mahuhumaling sa kanya kahit pa hindi naman siya gumagawa ng mga bagay na ikagugusto nito. Paano ba naman kasi, natural na makisig ang binata at sa tuwing kasama niya ito ay nais niya na lamang manood at magpantasya. Hanggang sa mahulog sila sa isa't isa. Ngunit may problema. Kasal na pala si Jimena. At malalaman ni Nicholas na hindi pala Mendez ang kanyang apelyido kundi Buenavista, ngunit hindi bilang pamangkin ni Simoun Buenavista na siyang tunay na ama ni Jimena. Mauulit bang muli ang away ng kanilang pamilya? Maghihiganti rin ba siya? Ngunit paano kung sa mga halik ni Kulas ay nalalason na si Jimena? Unang yugto na nga ba ito ng paghihiganti niya? Lason Mong Halik: Nicholas Buenavista.
On Duty: Maprinsipyong Nurse sa SLMC Off Duty: Makulit na Pilyo at medyo Naughty Gandang Lalaki: Antonio Calaunan Hindi siya nagpapaapi kanino man. Mga biro niya ay pang malakasan. Ang kahit na anong laban, Ay di niya uurungan. Ang kanyang kakisigan, Di mo kayang iwasan, Dahil kapag ikaw ay kanyang niligawan, Tiyak na 'Oo' ang iyong kasagutan. Kaya kapag siya ay ipinaglaban, Hinding hindi ka niya iiwanan. Dahil pag-ibig niya ay makahulugan, Kahit siya'y mamatay man, peksman. Kaya't kahit ikaw ay masaktan, Sa bagay na hindi niya nalalaman, Huwag kang mag-alinlangan Dahil ikaw pa rin naman ang kanyang uuwian. Gandang Lalaki: Antonio Calaunan. Masusubukang buksan, Ang pusong sugatan. Dahil sa panunusok ng kanyang tunay na nararamdaman Tiyak ito'y malulunasan.
Mula pagkabata ay isa lamang ang gustong mangyari ni Simoun Buenavista sa kanyang buhay, ito ay ang pagbayarin ang mga taong nagbigay ng malaking pilat sa kanyang likuran at lalung lalo na ang mga taong nagbigay ng mapait na pangyayari sa kanyang nakaraan. Pumasok siya sa Hacienda Guerrero bilang isang katiwala sa malawak na taniman ng manga ng maimpluwensyang pamilyang ito. Hanggang sa dumating si Celeste. Pinagbigyan niya muna ang sariling mahumaling sa babaeng ito na apo ng taong dahilan ng kanyang mapait na nakaraan bago niya ito iiwan na parang bula. Ito ay matapos matuklasan ng dalaga ang tunay na pakay ni Simoun sa kanyang pamilya. Ngunit paano kung wala nang balak magsumbong ang dalaga dahil sa mga halik pa lang ni Simoun ay nalalasing at nalalason na ang damdamin niya? Lason Mong Halik: Simoun Buenavista
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.