BLURB: "Saan ka pupunta?" "Sa lugar kung sa'n puwede akong mag-isip," sagot nya habang nakatalikod dito. "Saan? Sa lalaki mo?" Hindi na sya nakapagpigil. Lumapit sya rito at pinaghahampas ang dibdib nito. "Ano bang pinagsasasabi mo? Bakit mo ba ko palaging sinasabihan na may lalaki? Ano bang kasalanan ko sa'yo?" tanong nya sa gitna ng paghampas sa dibdib ni steve. Iyak pa rin sya nang iyak dahil nasasaktan sya sa tuwing sasabihan nito sya ng ganoon. Hinuli ni steve ang mga kamay nyang humahampas sa dibdib nito. "Anong kasalanan mo? Seryoso ka ba sa tanong mo?" Imbis na tumigil sya ay mas lalo nya itong pinaghahampas. "Oo na! Alam ko naman na malaki ang kasalanan ko sa iyo. Pero hindi naman sapat na babastusin mo `ko!" Umiiyak pa rin nyang sabi. "Bakit malinis ka ba?" Isang sampal na naman ang ginawa sa pisngi nito. This time, mas malakas. Mas mapuwersa. "Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko. Oo, hindi na ako malinis. Pero wala kang karapatan na sabihan ako nang ganyan." Hilam ang mga mata nyang wika.
Simple ang buhay ni Gianna Serano kahit walang lalaki sa buhay nya. Tinagurian syang No Boyfriend Since Birth sa kadahilanang galit sya sa mga kalalakihan. Hindi kasi maganda ang naging karanasan ng kanyang ina, kapatid at mga kaibigan sa lahi ni Adan. Ngunit hindi nya maintindihan ang sarili mula nang makilala nya ang babaeng si Arisia de Lara—Ang sopitikada at glamorosa pero antipatikang pinsan ng kanyang matalik na kaibigan. May kakaiba syang nararamdaman patungkol dito sa dalaga at hindi sya pamilyar dito. Ngayon lang sya nagkaroon ng kakaibang atraksyon sa kapwa nya babae. Noong una, tumatanggi sya at pilit na umiiwas. Nalilito man, hinayaan nya pa rin ang nararamdaman ng puso lalo na nang magsimula silang magkasundo at kapwa magtulungan kung paano gagabayan at aalagaan ang buntis na kaibigan na si Candy. Hindi na maikakailang mahal nila ang isa't isa hanggang sa tuluyan na silang pumasok sa isang relasyon. Noong una, naging mahirap iyon sa kanilang dalawa dahil hindi pabor ang ina ni Gianna sa kung anong klaseng relasyon mayroon sila na kapwa babae. Hindi sila sumuko hanggang sa makuha nila ang blessing nito at nang mapagtagumpayan nila, saka naman may isang pangyayari ang sumubok sa kanilang relasyon. Mabibisto ni Gianna na isa palang Secret Agent ng isang pribadong organisasyon itong si Arisia at matagal na syang pinamamanmanan dahil konektado siya sa target ng grupong kinabibilangan nito—ang kanyang ama—na isang druglord. Ano ang gagawin ni Gianna sa oras na malaman nyang hindi basta tadhana ang gumawa ng paraan upang magtagpo sila ni Arisia? Ipagpapatuloy pa ba nya ang pagtitiwala dalaga? Hanggang kailan nya titiisin ang sakit na dinulot ng unang babaeng minahal nya nang sobra? Mapapatawad pa ba nya si Arisia at matatanggap itong muli? Muli pa kaya nyang hahayaan ang puso na magmahal ulit kahit na labis syang nasaktan?
Zairene Fiona Mendez is the youngest of three children of famous actor Zachary Mendez. She is the Cheerleader of her own pep squad and she is said to be one of the 'Queen B's' considered on their campus. On the first day of the class, she met a wise man and unfortunately, there are classmates—Clark Vincent Romualdez. She couldn't stop falling for the young man and finally, have a special feeling for him. On the other hand, Zairene was orphaned at a young age. Seven years later, it was thought to be part of his daddy's relationship with a woman named Clara. What will he do when he learns that Clara and Clark have a connection? How does she feel about it? Will she fight for it even if her own family is the obstacle? Will she be able to resist even when her father is hurt? Or she just sacrifices and is ready to be hurt even the replacement of it is her own happiness?
"I-Ivo..." mahina lamang ang tawag nyang iyon sa pangalan ng binata pero tila narinig nito iyon. Lumingon iyon sa gawi nya. "Who are you?" Hindi nakasagot si Euna. Nakatitig lamang sya sa mukha ng dating kaibigan. Tinititigan nya ang dating gwapong mukha nito na ngayon ay may malaking pilat sa mukha. Sa kanang bahagi ng mukha nito, may malaking peklat iyon na naglandas pababa at nadaanan ang kilay, talukap, kanang mata hanggang sa kanang pisngi nito. Malaki iyon at talagang halata. Ang mas kinatakot ni Euna ay ang kanang mata nito na tila walang buhay. Ang dati nitong normal na kulay brown na mata ay ngayon ay puti na. "I'm asking you! Who the hell are you!?" sigaw ni Ivo nang makitang nakatitig sya. Mahigpit ang hawak dito ngayon ng lalaking unang lumabas kanina ng sasakyan. Napaatras sya nang sigawan sya nito. Nanlalaki ang mga mata nya nang mag-iwas dito ng tingin. Napalingon sya sa mga magulang nito nang awatin nito ito. "Ivo, stop it!" "Then she should've not stared at me like that!" sigaw na naman nito.
PROLOGUE "EMBER, UUWI na ang Daddy mo sa Hacienda De Lara," anunsyo ng ina ni Ember sa kaniya habang abala siya sa pagbabasa ng makapal na libro sa loob ng kaniyang silid. Hindi niya ito tinapunan ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa. "Anak," tawag ni Catherine. Kahit nasa mid-forties na ito ay mukhang bata pa rin dahil sa natural nitong ganda. Nakasakay ito sa wheelchair at gamit ang sariling mga kamay, ito mismo ang kumikilos upang maiusad iyon. "What's new, Mom?" "Anak, hanggang ngayon ba naman ay ayaw na ayaw mong umuuwi ang Daddy mo sa ancestral house nila?" tanong nito na nakakunot ang noo. Sinara ni Ember ang libro at umayos ng upo sa kama. Inalis ang suot na reading glass at pinatong sa nightstand. "Look, Mom. Ayos lang na umuwi siya roon. Promise!" sarkatiko niyang wika. Unti-unting bumabangon ang inis sa kaniyang dibdib. "Anak, it's been three months nang huling umuwi ang Daddy mo," turan ng kaniyang ina. Nakatayo ito sa kaniyang harapan habang nakapameywang. Nakatingin ito ng diretso sa anak. "E, 'di umuwi siya, Mommy. Walang pipigil sa kaniya." "Cadence Ember! Huwag kang magsalita ng ganiyan sa ama mo!" Bahagyang tumaas ang boses nito. "Whatever. Iwanan na po muna ninyo ako at kailangan ko pang tapusin ang binabasa ko." She rolled her eyes out of irritation. Muli niyang inabot ang salamin sa mata pati ang libro. Umayos siya ng upo at sumandal sa headboard ng kama bago binuklat ang babasahin. Naramdaman niya ang mabigat na paghinga ng kaniyang ina bago lumabas ng kwarto at iwanan siya. Ang tagal nilang hinintay na mabuntis ulit ito pero dahil sa kapabayaan ng ama n’ya, nakunan tuloy ang mommy n’ya. "Anak, maghanda ka. Uuwi tayo ng Hacienda De Lara ngayon." Lalong kumunot ang kaniyang noo. "B-bakit? Hindi ako sasama. Kayo—" "Anak, your Abuela Aitana..." Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil napayuko ito. "Dad? Anong nangyari kay Abuela?" "Anak, kailangan tayo roon. P-p-lease, sumama ka sa amin ng Mommy mo."
Si Charlotte Agatha Valencia ay pangalawang anak nina Carolyn at Amando Valencia na isang grade 12 student. Mayroon syang kapatid ngunit patay na ito—si Ate Charlene Azalea. Hindi nya ito naabutan dahil maaga itong pumanaw sa edad na labin-limang taong gulang dahil sa atake sa puso. Madalas sya makapanaginip ng kakaiba. Palagi syang may napapanaginipan na isang lalaki na malabo ang mukha. Hindi nya ito mamukhaan kung sino at ano nga ba ang itsura nito. Pero sa panaginip nya, tila kilalang-kilala nya ito at parang ang saya nya sa tuwing magkasama sila. May mga lugar din na never pa nya napuntahan pero sa panaginip nya, tila iyon ang paborito nyang lugar. Iba rin ang pakiramdam nya sa tuwing magigising sya pagkaraan nya mapanaginipan ang taong iyon. Malungkot ang kanyang pakiramdam at tila may galit. Pero hindi nya maintindihan kung kanino at ano ang dahilan. Isang gabi, habang nagkakasiyahan ang apat na magpipinsan, napansin nila na may kakaibang bagay ang kanilang tiningnan sa loob ng lumang kwarto na nasa gilid ng hagdan na matagal nang hindi napapasok ng mga taong nakatira sa ancestral house. Isang Ouija board ang kanilang nakita. Noong una ay ayaw nila kuhanin iyon pero sadyang malakas ang loob nitong si Charlotte. Inaya nya ang mga pinsan upang laruin iyon dahil naiintriga sya sa board. Sa kanilang paglalaro, hindi inaasahang matatawag nila ang kaluluwa ng isang lalaki na si Franco Sontillano—ang kasuotan nito ay may kakatwang style. Kulay puti na t-shirt panloob, blazer at trouser na kulay asul. Ang sapatos nito ay gawa sa leather na kulay brown. Dahil sa hindi inaasahang pagtawag sa kaluluwa ni Franco, susunod ito kay Charlotte at hihingi ng tulong dahil hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin ito na narereincarnate. Ayon dito, naiinip na ito at gusto na nitong mareincarnate. Tutulungan ba ni Charlotte si Franco? Saan mauuwi ang pagtatagpo nilang dalawa?