Hardinero noon, tagapagmana na ngayon. Heredera noon, labandera na ngayon. Bilog nga ang mundo, at pinaglaruan sila ng tadhana. Dahil sa isang pagkakamali ay nagkapalit ang kanilang posisyon sa buhay. Ganunpaman, tinanggap ni Natalie ang kanyang kapalaran. Samantalang si Juan ay panay ang paghahanap sa babaeng naglaho na lang na parang bula. Nang muli silang magkita, sinigurado ng lalaki na makabalik si Natalie sa mansion dahil doon ito bagay; bilang personal niyang alalay.
Nang mamatay ang mga magulang ni Meghan Tecson ay kinupkop siya ng kanilang kapitbahay na si Carlos Demakis. Sa paglipas ng panahon ay naging masaya naman siya sa piling ng mga Demakis. Nagsimula lang ang kanyang problema nang makaramdam siya ng kakaiba para kay Nicholas Demakis, ang anak ni Carlos. Lihim siyang umiibig kay Nicholas ngunit nang ma-engage ang lalaki sa kanyang dating kababata na si Margaret Blanco, saka lang niya napagtanto na hindi niya kayang mawala si Nicholas. Gumawa siya ng paraan upang mapasakanya ang lalaki. Magtatagumpay kaya siya?
Gaya ng karamihan ay hindi nakaligtas si Anna mula sa isang mapanakit na cycle ng pag-iibigan. Nagmahal. Binuntis. Iniwan. Sa kagustuhang makabangon muli, gumawa siya ng paraan upang muling makapag-aral at nakilala niya sa unibersidad si Omar Alvarez. Pinagtagpo silang dalawa bilang magkaibigan ngunit humantong sa pag-iibigan. Kaya lang ay takot silang aminin ang kanilang tunay na nararamdaman hanggang sa muling bumalik ang mga taong nanakit sa kanilang dalawa.
Warning: Mature Content so Read at your own Risk! Maganda, sexy at matalino. Higit sa lahat, may datung siya na bunga ng kanyang pagpupursigi sa buhay. Nasobrahan lang talaga siya ng sense of responsibility kasi pati sa pakikipagrelasyon ay sagot niya ang lahat. SUGAR MOMMY ang kanyang peg at proud siyang hindi nagpapalibre kahit piso, pero para sa isang Jake Romero, si Natalia Agravante ay isang DESPERADA. Makukumbinse ba niya si Jake na mali ang pagkilala nito sa kanya? O siya ang makumbinse ng lalaki upang baguhin ang kanyang istilo sa pakikipagrelasyon?
THE SECOND TIME AROUND...She was young nang ma-in love ng todo-todo kay Samuel. Kaya gumawa siya ng paraan upang mapasakanya ang lalaking iniibig. Ang motto niya sa buhay: Life is about kicking ass, not kissing it. Pero pumalpak siya. Seven years later, ay muling nag-krus ang kanilang mga landas and she discovered that Sam's magnetic virility was still as daunting - at mahirap baliwalain. And if given a second chance, will their affair be worth fighting for?
Daniella was desperate to have a child and the bodyguard assigned to her was perfect to become her child's father. She believed that desperate times called for desperate measures but Marcus wasn't a fan of her irresponsible behavior. He wanted her apology but ended up getting married to the woman who abused him.
Isang semester na lang ang kulang at magtatapos na si Erin Monceda sa kursong Business Management. Isinapuso niya ang bilin ng kanyang mga magulang na huwag munang mag-boyfriend hangga't nag-aaral pa kaya NBSB pa rin siya sa edad na bente anyos. Kaya lang, biglang pumasok sa kanyang buhay si Ariel Dalisay, na daig pa si Jose Rizal sa dami ng mga babae nito. Magpapadala kaya siya sa mga matatamis nitong salita at nakakakilig na mga moves? O panindigan ang sariling panata na huwag pumasok sa isang relasyon habang nasa kolehiyo pa?
Anthony Quileopas was considered as a celebrity inside the campus of Saint Augustine Academy. Few of the male students envied his popularity in school, especially with girls. Who wouldn’t fall for Anthony's charms? He wasn’t only good with sports, he’s also smart, and his grandfather was the richest in their neighborhood. He’s the catch among young girls, but Anthony wasn’t interested in girls or the idea of dating. He wanted to prove to his strict grandfather that he wasn't just a pretty boy. He’s tall, handsome, and his eyes were cute. However, things changed after his best friend Jeff Castillo introduced him to Janna Auxtero. It was love at first sight, and Anthony did everything for Janna to fall for him, but Janna fell for her classmate named Rohan at it devastated Anthony in the end. Rohan's sister, Larissa, helped Anthony to move on, and he almost courted her before he discovered she has a hand in his falling out with Janna.
Nagmahal. Na-obsessed. At namikot ng lalaki. Iyon si Jessica Berganza. Sarili lang ang iniisip at wala siyang pakialam sa damdamin ng ibang tao basta makukuha niya lahat ng gusto niya. Huli na nang ma-realize niyang hindi lahat ng nakukuha niya ay magpapasaya sa kanya. Pinakasalan nga siya ni Samuel Velasquez ngunit sa bawat araw ay para siyang nakatira sa impyerno. Hindi lang siya sinaktan ni Samuel kung hindi dinurog pa ng lalaki ang puso niya ng pinong-pino, hanggang sa nahirapan na siyang buuhin itong muli. Lumayo siya pero sa kanilang pagkikitang muli, ang lalaki pa rin pala ang itinitibok ng kanyang puso. Susugal ba ulit siya?
Siya si Kylie Lacsamana. Lubos kung magmahal kaya binigay niya ang lahat sa lalaking pinili ng kanyang puso ngunit sa bandang huli ay nakulangan pa rin si Brent. Hinanap nito sa ibang babae ang kanyang pagkukulang at hindi lang basta babae kundi sa ex-girlfriend nito na si Aika. Tinanggap niya ang kanyang pagkatalo sa pag-ibig pero kung kailan may mahal na siyang iba, saka naman nagpakitang muli si Brent upang makipagbalikan sa kanya. Patatawarin niya ba ang lalaking nanakit sa kanya o ibuhos na lang ang pagmamahal sa bagong itinibok ng kanyang puso?
Nang ikinasal siya kay Nicholas Demakis, inakala ni Meghan Tecson na may happy ending na siya. Hindi niya alam na ang pagpapakasal sa lalaki ay magdudulot lamang ng pasakit sa kanyang buhay. Subaybayan ang buhay ni Meghan at ang kanyang muling pakikipagsapalaran upang mapasakanya ang lalaking lubos na minahal.
Isang beses lang nangyari 'yon na bumigay siya tukso ngunit dahil doon ay nagbago ang pananaw ni Chad Hidalgo sa kanyang buhay. Gwapo at macho, ngunit siya ay may malambot na puso. Aminado siya noon pa man na kakaiba siya kaysa sa mga kapatid na lalaki, ngunit pagkatapos siyang insultuhin ni Jether Macaraeg, pinilit ni Chad na magbago at maging tunay na lalaki. Sa katunayan ay engaged na siya kay Audrey Mendoza nang pumasok sa kanyang buhay si Pasha Macaraeg na siyang dahilan upang mawindang ang kanyang mundo. Dahil kay Pasha ay nagkahiwalay sila ni Audrey, at si Pasha rin ang dahilan kung bakit muling nagtagpo ang kanilang landas ni Jether. Para kay Chad, malas lang ang dulot ni Pasha sa kanyang buhay, lalong-lalo na nang mabuntis ito at siya ang ama. Kung kailan handa na siyang lumagay sa tahimik kasama si Pasha alang-alang sa kanilang magiging anak, muli na namang umeksena si Jether. Utak o puso ba ang kanyang susundin?
Lilian Murillo Nagrebelde sa ina, naglayas at nabuntis ng isang lalaking hindi siya kayang panindigan. Umuwi siyang luhaan at may laman ang tiyan. After two years ay muling nagtagpo ang kanilang landas at idineklara ng lalaki na gusto nitong bigyan ng buong pamilya ang kanilang anak.Nagdalawang-isip siya ngunit pumayag rin sa huli upang makaganti rito. Ngunit muli siyang natukso na mahaling muli ang lalaki at nang maayos na ang lahat, sinabi ng kanyang ina na hindi sila pwede kasi pareho sila ng ama. Alexander Ortega Minsan ay nagmahal rin siya ng lubos at takot na siyang masaktan muli. Nang makilala niya si Lilian, natakot siya dahil alam niyang may babaeng muling nakapasok sa kanyang puso. Pinili niyang lumayo ngunit muli siyang pinagtagpo ng tadhana. Handa na siyang itama ang lahat nang bumalik ang babaeng nanakit sa kanya.
Tyler worked as a consigliere to the Mafia Boss, Philip Madrigal. He’s gay but in a world full of dangerous men, he had to be brave. Things became more complicated when Philip asked him to take over the organization. Things were hectic for Tyler but it was manageable until Enrique Navarro entered into his life. For the first time, he couldn’t control his heart from fluttering whenever he’s around Enrique, the newly-hired driver-slashed bodyguard who was sweet and kind to him.
Note: CURRENTLY EDITING. READ IT LATER!!1 THANK YOU!!! Lubos kung magmahal si Kylie kaya ibinigay niya ang lahat sa lalaking pinili ng kanyang puso ngunit sa bandang huli ay nakulangan pa rin si Brent at ipinagpalit siya sa ibang babae. Dahil sa nangyari ay may trust issue na siya pero ipinaramdam ni Jericho sa kanya na deserve niyang mahalin ng sobra. Muli siyang umibig. Sa isang lalaki na mas bata pa sa kanya ngunit mas matured mag-isip. Kung kailan may mahal na siyang iba, saka naman muling nagparamdam si Brent upang makipagbalikan sa kanya. Papatawarin niya ba si Brent o ibuhos na lang ang lahat ng pagmamahal niya kay Jericho?
Keith Demakis is wealthy. Cassie Anderson is rich. He’s a happy go lucky type of a person, while she’s an achiever! They both have an excellent background but they chose to be different. Keith is a bounty hunter and she’s the key to finding the serial killer he’s been hunting for several years. He believes that if they’ll work together, the serial killing of women will end but in the middle of his investigation, some evidence pointed Cassie as the killer.
Revenge, a love triangle, and a romance between a human princess and a werewolf are all part of this fantastical love story. Bridgette Montgomery, the unpopular princess with exceptional beauty and magical abilities, was drugged by her envious sister, Lucienne. Princess Bridgette was saved, thankfully, by Lord Zacharias Blackwood, a well-known fighter and assassin from a neighbouring noble house. Princess Bridgette fell in love with Lord Blackwood, a half-human, half-werewolf. Will they ever be able to live happily ever after?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.