Nang dahil sa malaking pagkakautang ay napagkasunduan ng ina ni Ellyse at ng Senyora nito na mula sa Hacienda Fernanda ay ipadala ang dalaga sa bahay ni Arthur, ang anak ng Senyora. Bilang pagbabayad utang ay magsisilbing tagapangalaga si Ellyse sa batang si Ice na kinikilala naman ni Arthur bilang anak nito. Naging mahirap ang mga unang araw ni Ellyse sa pamamalagi niya sa bahay ni Arthur. Sa pag-usad ng mga kaganapan ay lilitaw pa ang ilang mga mahahalagang tauhan-sina Celeste at Katrina. Ano nga kaya ang kanilang magiging papel sa buhay ng dalagang si Ellyse? At paano nga kaya hahantong ito sa katanungan na, "makakaya bang itama ng panahon ang isang gabing pagkakamali?"
Maagang kinasal si Tanya kay Mico dahil sa hindi inaasahang pagbubuntis nito. Sinisi ni Mico kay Tanya ang lahat huli na para sa lalaki ang umurong sa kasal nilang dalawa. Tiniis ni Tanya ang pagbabago at pagbabalewala ni Mico, kahit na ang lahat ng paninising binato ng asawa niyakap niya. Maging ang pagdating ni Faye sa buhay nilang dalawa pikit-matang tinanggap ni Tanya, kahit pa na may sadya itong iba sa pagsasama nilang dalawa. Nagbulag-bulagan siya, nagbingi-bingihan sa lahat ng naririnig at nakikita niya. Umaasa siyang sa buhay niya babalik ang Mico na minahal niya higit pa sa kaniyang sarili, ang Mico na masaya noong silang dalawa lang--- ang kuntento sa kaniya. Hanggang kailan kaya magtiis ng isang taong nagmamahal sa isang taong bumitaw na at hindi na muling kakapit pa dahil sa iba nakahawak na. Hanggang kailan hahawak ang ilaw ng tahanan kung may isang anay na handang sumira sa tahanang matatag sana?
BREAKING HER SOFTLY Once a cheater always a cheater. 'Yan ang pinatunayan ni Wade kay Celine sa paulit-ulit nitong panloloko sa asawa, na paulit ulit ring pinagbibigyan ng asawang nagmamahal sa lalaking akala niya magbabago pa. Ngunit ang lahat ng hirap ay may sukdulan nang magising si Celine na wala nang kahit na anong pagmamahal pa kay Wade. The old fashioned wife turns to be goddess ng siya ay maging isang isang sikat na artista sa isang sikat na telebisyon. Ang dating ulirang asawa ay naging isang batong wala ng kahit na sinuman makakapaglambot dito kahit na ang asawa niyang sa t'wina'y pinangako na kaniyang mamahalin sa hirap o ginhawa man. Bumalik si Celine kay Wade, hindi upang dugtungan ang siyang pag-iibigan, kundi bilang tuldukan ang nagdaang pagmamahalan. Bitbit niya ang papel na tuluyang magwawakas sa kanilang sumpaan because Wade, breaking her softly.
MATAGAL ng pangarap ni Farrah Lastimoso ang makilala sa larangan na tinatahak niya. Ang maging isang batikang tattoo artist, kong kaya lahat ay ginagawa niya maabot lang ito. Kahit pa na tutol sa kaniya si Paulo Rodriguez, ang bilyonaryo niyang nobyo. Pinapangako ni Farrah sa sariling maaabot niya ang nais niya, makikilala siya sa buong bansa bilang isa sa pinakamagaling sa pag-ta-tattoo. Hindi ininda ng dalaga, ang pagkakadisgusto ng pamilya ni Paulo. Wala raw siyang mararating, wala raw siyang kinabukasan. Ang mahalaga sa kaniya si Paulo at ang talento niya, kahit marami pang hahadlang sa paligid niya. Pinili siyang pakasalan ni Paulo, kahit na hadlang ang mga magulang nito. Tinago nila ang pagsasama sa lahat at pinagpatuloy ni Farrah ang nais ng puso niya. Patutunayan niya sa pamilya ni Paulo na karapat-dapat siya dito, na matatanggap din siya ng mga ito, hindi ang nais ng mga ito para sa nobyo. Lihim silang nagsama ng asawa. Buong puso't kaluluwang pumayag si Farrah sa set-up nilang dalawa, hangggang sa matanggap siya ng pamilya. Hanggang kailan tatanggapin ni Farrah ang lihim na pagsasama nila nila ni Paulo? Hanggang kailan niya ipaglalaban ang nais ng puso niya? Hanggang kailan siya magbubulag-bulagan na bukod sa kaniya, may isang Marissa na inuuwian ang asawa. Sino nga ba sa kanila ang "The bachelor's secret wife?'
MULA Baguio lumuwas ng Manila si Roxanne--- hindi lang para maghanap ng trabaho o tulungan ang mga natitirang tao sa buhay niya. Gusto niya rin hanapin ang lalaking nanakit sa damdamin ni Summer na tinuring niyang kapatid. Lalaki raw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng depression ang dalaga sa muling pagbabalik nito sa lugar nila. Sinumpa ni Roxanne sa sariling gagawin niya ang lahat mahanap niya lang ang naging dahilan ng paghihirap ng kinilala niyang pamilya. Sa Manila nakilala niya si Trevor Santillan, ang CEO ng kompanyang ng pinag-aplayan niya ng trabaho. Hindi man maayos ang unang paghaharap nilang dalawa, tuluyan pa rin siyang makapasok sa kompanya nito bilang sekretarya ng supladong amo--- antipatiko ang binata para kay Roxanne, dahil wala na itong ginawa kundi inisin siya at sirain ang araw niya. Ngunit lahat gagawin niya para kay Summer at sa nanang niya babawiin niya ang lahat ng sakripisyo ng mga ito sa kaniya. Magtitiis siya hanggang kaya niya, kakayanin niya ang lahat ng ginagawa ng salbahe niyang amo para sa kaniya. Ngunit isang katotohanan ang nalaman niya tungkol kay Trevor na may kaugnayan kay Summer. Matatanggap niya ba ang natuklasan kung mas nakikilala niya na si Trevor sa mga panahong nagiging kasama niya ito. Itutuloy niya pa ba ang plano niya kung hindi niya na namamalayan na napapamahal na sa kaniya ang lalaki? Paano kung hindi na s’ya sigurado kaya pa niyang ituloy ang plano n’yang paghihiganti rito?
Ang panganay na apo ni Don Ignacio Villa Paraiso. Ang apong mistulang wanted na pinaghahanap ng batas sa tuluyan nitong pagtakas mula sa pagiging isang lehitimong apo ni Ignacio. He live by his own nag-aral at nagawang mapagtapos ang sarili. Naging isang matagumpay na engineer sa siyudad ng Baguio malayo mula sa kilala o, tinitingalang pamilya mula sa Cebu. He chose to live in Baguio not as Light Villa Paraiso but as Engr. Kidlat Marundon. Ang lalakeng daig pa ang kidlat makuha lang ang isang nagugustuhang babae, certified boy next door, magpapaiyak ngunit hinding hindi iiyak 'yan ang hinahawakang pangako ng binata sa sarili bilang si Light Paraiso ngunit hindi bilang si Kidlat Marundon na naging marupok sa isang babaeng nakilala niya sa Baguio. Si Trina Vasquez, ang babaeng nagkaroon ng pagkakataong makilala ng binata, ang babaeng nangako sa sariling kahit kailan hinding-hindi mahuhulog kay Kidlat. Hanggang kailan pipigilan ni Trina ang damdamin para sa binata? Hanggang kailan magagawang ipaglaban ni Kidlat ang damdamin para sa dalaga? Hanggang kailan niya maprotektahan ito laban sa mga taong may malaking parte sa buhay nito?
MADALAS na suki si Alexa bilang abay sa lahat ng dinadaluhan niyang kasal. At sa bawat seremonyas walang hiniling ang puso niya mundi ang maikasal sa isang lalaking matagal niyang minahal si Forth Ysmael Enriquez--- ang kamag-aral niya mula pa noong sekondarya. Ipaglalalan ba ni Alexa ang pag-ibig niya sa binata? Pero paano kung sa dulo ng pahina hindi siya magagawang mapatawad ni Forth dahil sa isang pagkakasala. Ikakasal pa kaya si Alexa o, mananatiling abay nalang sa kasal ng iba?
BLURB DALAGITA pa lamang si Sophia Bautista nang hangaan niya at matutunang mahalin si Red Mallari ang bestfriend ng kaniyang Kuya Brian. Kahit hindi man sila magkakilala personal nito ay hindi iyon naging hadlang para matutunan niya itong pahalagahan. Pinangarap ni Sophia na mas makilala si Red, hanggang sa isang kasunduan ang kaniyang tinanggap mula sa kaniyang kapatid sa ina, gawin niya raw ang lahat para mapalapit kay Red para mapatawad ito sa isang pagkakamaling nagawa niya sa lalaking labis niyang hinahangaan. Hilumin niya raw ang puso ni Red at tulungang ibalik ang sigla at saya sa buhay nitong nasira ng dalawang taong may malaking parte sa buhay ng binatilyo. Hindi nag-atubili si Sophia gawin ang pabor para kay Red. Ginawa nya ang lahat na mapalapit dito, kahit na ang magmukha siyang tangang maghabol dito ay hindi niya ininda. Ibabalik niya ang dating Red Mallari na nakilala niya, gagawin niya ang lahat matagpuan lang sa puso nito ang pagpapatawad para sa Kuya Brian niya. Pero paano kung sa mga panahong nagkaroon na siya ng puwang dito may malaman si Red tungkol sa kaniyang pagkatao? Paano kung makarating sa lalaking minahal niya ang kasunduang mayroon sila ni Brian kasama ang babaeng naging dahilan ng pagiging miserable nito? "Hanggang kailan ba dapat ipaglalaban ang pag-ibig kung harap-harapan kang hindi binibigyang halaga?"
MASAYA na sana ang pagsasama ng mag-asawang Candice at Leandro kasama ang anak nilang si Candy. Lahat ay halos nagbago nang dumating sa buhay mag-asawa si Tiffany. Ang anim na taong pagsasama nila ay biglang naglaho. Nagpasya si Leandro na sumama kay Tiffany at iwan ang mag-ina niya. Tinanggap ni Candice ang desisyon ng asawang minahal niya sa mahabang panahon. Isang kundisyon ang siyang hiniling niya rito na manatili itong mabuting ama sa mata ng anak nila at panatilihin ang pagiging mag-asawa nila sa harap ng batang naging bunga ng isang gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Naging maayos ang lahat para sa kanila, ngunit lahat ng pagpapanggap ay may hangganan nang tuluyang pigilan ni Tiffany si Leandro. Labis ang hirap at sakit na naramdaman ni Candice, ngunit para kay Candy siya ay mananatiling malakas sa desisyong tuluyan silang iwan ni Leandro. Hangga't sa isang lihim ang siyang nabunyag sa isang taong biglang dumating sa buhay nila ni Candy. Ang kakambal ni Leandro na si Alejandro--- na hindi alam ni Candice ay may malaking bahagi ng buhay nila ni Candy. Sino nga ba si Alejandro? Ano ang kaugnayan sa mag-inang piniling talikuran ni Leandro? May bago bang pag-ibig ang siyang matatagpuan? O, sila ay matagal ng itinakda ng tadhana?
Unang kita pa lamang ni Gabriel kay Andrea ay nakaramdam na s’ya ng kakaibang damdamin para rito. Para s’yang prinsesa – hindi lang sa ganda, kundi sa pananalita at pagkilos. Hindi nagtagal at ang pagkakaibigan nila ay nauwi sa pagmamahalan. Ipinagkaloob ni Andrea ang kanyang sarili sa binata ng sumapit ang ika-labing walong kaarawan n’ya. Isang bagay na hindi n’ya kailanaman pagsisisihan dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa. Subalit ang magkaibang antas ng kanilang pamumuhay ay naging dahilan para sila ay magkahiwalay. Mayaman ang pamilya ni Andrea habang payak ang pamumuhay ni Gabriel. Muling nagsanga ang kanilang landas pagkalipas ng maraming taon. At sa labis na pangungulila ni Gabriel sa minamahal ay nakahanda s’yang gawin ang lahat -- manumbalik lang ang lahat sa dati. Ang hindi n’ya napaghandaan ay ang bagong pagsubok na dumating – ang pagkawala ng memorya ni Andrea tungkol sa kanilang dalawa. Totoo ba ang kasabihan na ‘the mind forgets but the heart remembers’”
Maganda, matalino, sopistikada, mayaman, matapang ganoon kung ilarawan si Biatrez Rivera ng mga kakilala at mga kaibigan niya. Nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Ibang-iba siya sa kapatid niyang si Maddy; mahina ang loob nito, madalas itong maiwan ng mga lalaking minahal nito, lagi na lamang itong umiiyak dahil sa labis na kabiguan sa pag-ibig. Sinumpa ni Biatrez sa sariling hinding-hindi siya magiging katulad ng kapatid niya kahit kailan, pero kasabay n'on ang sumpang maghihigante siya sa mga lalaking nanakit sa puso nito lalong-lalo na si Pierho Sandoval. Ito lang naman ang nag-iisang lalaking dumurog sa puso ng pinakamamahal niyang kapatid, matapos nitong iwang luhaan si Maddy--- hindi na ito nagpakitang muli sa kapatid niya. Kaya n'ong nagkaroon siya ng pagkakataon na makaharap si Pierho isang dare ng mga kaibigan niya ang tinanggap niya isang gabing hindi makalilimutang pagniniig ang siyang sinakripisyo ni Biatrez. Sinumpa niya sa sariling pagkatapos ng gabing iyon, hinding-hindi siya kakalimutan ni Pierho na ito ang maghahabol sa kaniya gaya ng ginawa ng kapatid niya rito. Sa ganoong paraan maipaghihigante niya na si Maddy. Pero paano kung pagkatapos ng gabing iyon puso niya ang nakataya? Paano kung sa halip na si Pierho ang mahirapang kalimutan siya, siya ang nahirapang kalimutan ito.
Mabait na anak, magalang na tao, mabuting kaibigan at ulirang maybahay ni Ramon Esconde si Leonora Esconde. Sa madaling salita siya ay halos perpekto sa lahat ng nakakakilala sa kaniya. Sino nga ba naman ang hindi hahanga kay Leonora? Mayaman ito, matalino, maganda at may maasahang asawang si Ramon. Ngunit sadyang hindi pala lahat binibigay sa isang tao, dahil sa isang kakulangan ni Leonora. May kulang sa kaniya hindi siya buo at hindi niya kayang ibigay ito kay Ramon kahit na ano pa ang gawin niya. Paano na lang kung hanapin ni Ramon ang bagay na hindi maibigay ni Leonora. Matatanggap niya kaya ang katotohanang siya ay may kulang at sa iba'y nahanap ni Ramon? Paano na ang perpektong Leonora sa mata ng iba kung siya ay ipagpapalit kay Megan ang kaniyang kapatid sa ina.
Si Thunder Paraiso ang pangalawa sa pitong magkakapatid. Nakaatang sa balikat niya ang malaking responsibilidad bilang natirang apo at isang tagapagmana ng "Villa Paradise" ang isa sa pinakamasikat na isla sa Cebu. Thunder, live of his own rule. Walang sino man ang pweding kumalaban sa kaniya, maliban kay Don Ignacio Paraiso ang kanilang lolo. Until he meet Gail Santivez ang babaeng nagpakilala sa kaniya ng ibang mundo. Ang babaeng handa niya ibigay lahat mula sa pangalan hanggang sa karangalan. Ang nagturo sa kaniya paano magmahal at nagparamdam kung paano mahalin. Ang babaeng may ibang plano sa pamilya niya at kailanman hindi niya mapapatawad.
Jenny forget everything maliban sa kaniyang dating kasintahang si Blue Velasco. Ang buong akala niya sila pa rin ng binata ang hindi niya alam niloko niya ito na dumating sa puntong sinumpa siya nito. Ang masaklap sa lahat when Genny, announce everyone na magpapakasal sila ng lalaking kinamumuhian siya. May mabubuo kayang pag-ibig muli sa kanilang dalawa? O, paghihiganti lang ang sadya ni Blue sa buhay ng dalaga.
KABIGUAN sa pag-ibig ang naging daan para makilala ni Marie si Xavier Markus Lardizabal—ang binatang dayo sa lugar niya. Niloko ito ng nobya nitong, pinangarap pakasalan ng lalaki noon pa man. Kirsten is Xavier long-time-girlfriend. Ngunit dahil sa pagtataksil nito sa kay Xavier. Handa ang lalaking kalimutan ang lahat. Sa Isla napadpad si Xavier bilang Markus at d'on ay naging malapit ang loob nila ni Marie sa isa't isa. Hindi lamang pagiging tour guide ang naging papel niya sa binatang dayo sa lugar nila, naging malapit niya rin itong kaibigan sa Isla. Isa si Marie sa naging dahilan kung bakit pansamantala niyang nakalimutan si Kirsten. Pagkakaibigan na hindi niya akalaing—may itataya siyang damdamin. May nangyari sa kanila ni Markus. Buong puso at kaluluwa niyang binigay ang pinakainingatan niyang puri at pagmamahal dito wala siyang tinira para sa sarili niya. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila. Ang inakalang HAPPY ENDING ni Marie—ay hindi nangyari; saklaw ang buong pamilya ni Markus sa kaniya, hindi lang dahil wala silang relasyon ng lalaki kundi dahil mahirap lang ang buhay nila sa Isla. Ngunit, pinaglaban ni Marie ang pagmamahal niya sa lalaki, nanatili siya sa bahay ng mga ito kahit na harap-harapan siya kung ituring ay trapo. Ganoon din si Markus sa kaniya. Tiniis ni Marie ang lahat ang pag-aalipusta ng magulang nito ganoon din ang pag gamit ni Markus sa katawan niya, manatili lang buo ang kaniyang pamilya. Dahil sa puso niya umaasa siyang matatagpuan ni Markus ang pagmamahal nito para sa kanila. Hanggang kailan kakayanin ni Marie ang lahat? Paano kung sa dulo ng kwento may isang lihim na malalantad? Mapapatawad niya ba si Markus sa lahat ng pagkakasala o, mananaig ba ang habambuhay pagmamahal na kaniyang pinangako para sa kaniyang pamilya?
NALAGAY sa kapahamakan ang buhay ni Toni, mula nang tumakas siya sa poder ni Don Sigmundo. Ang matandang mayaman na pinipilit siya nitong pakasalan. Dahil sa malaking pagkakautang ng magulang niya sa matandang hindi niya maatim na makasama ito habambuhay. Mula sa Bicol napadpad siya sa Ilocos--- ang inaakalang ligtas na lugar para sa kaniya ay isa palang pagkakamali. Dahil muling nalagay sa panganib ang buhay ng dalaga. Si Carlitos Magbunga, ang binatang sumagip sa buhay ni Toni. Dinala niya sa Isla na pagmamay-ari niya ang dalaga. Binigay ang kaligtasan nito sa mga lalaking nagtatangka ng masama sa buhay nito. Isang kabayaran ang siningil ni Carlitos sa dalaga. Isang gabing pagniniig nila ang hiningi niyang kapalit mula rito. Agad naman itong binigay sa kaniya ni Anthonette, walang pag-alinlangan makabayad lang sa utang na loob nitong kaligtasan. Isang gabing sandali kapalit ang ilang taong paghahanap ni Carlitos sa dalaga. Paghahanap na may matutuklasan siya sa tunay na katauhan nitong magpapahirap sa buhay niya. “Everything about TONIght. I will not forget you, Toni.”
Marami ng nabingwit na isda si Daryl. Pero isa lang ang hindi niya mahuli — ang babaeng nakilala nya sa barko. Ipinangako nya sa sarili na ito lang ang pag-aalayan ng kanyang apelyido. Subalit sinubok ng langit ang pangako niya ng magkasakit ang kanyang kapatid. Katulad ni Daryl, sinusubukan din si Monica ng pagkakataon. Ang madrastra nya ay natalo sa sugal at ginawang kolateral ang bahay na ipinamana sa kanya ng yumaong ama. Ang tanging paraan lang para matubos ang bahay ay ang sundin ang kondisyon na inilagay ng lola nya sa testamento — ang mag-asawa at manatiling kasal sa loob ng tatlong buwan. Nahanap nila sa Blush Dating Services ang tugon sa kanilang problema. Kaya ba nilang panindigan ang nakasulat sa kontrata kung ang mga puso nila ay nakalaan na noon pa man sa isa't isa?
BUONG buhay ni Desire pakiramdam niya pinaglaruan siya ng lahat. Mula nang iwan siya ng mga magulang niyang hindi niya nakilala sa tabi ng isang simbahan, para sa kaniya wala ng halaga ang buhay niya. Lumaki siya sa lansangan—kung anu ano nalang ang kaniyang ginawa mabuhay lang. Mas naging masalimuot pa ang lahat sa kaniya nang magmahal sa isang lalaking pamilyado na. Pinaasa lang siya nito, dahil hindi man lang nito kayang mahalin maging ang piliin. Labis na sakit ang naramdaman ni Desire. Nagpakalayo-layo siya't pinangako sa sariling babalikan at hahanapin ang lahat ng taong nanakit sa damdamin niya. Kabilang na ang mga magulang niyang para sa kaniya pinabayaan siya. Naging isang sikat na wedding planner sa Pilipinas si Desire. Doon niya nakilala si Henry Mondragon ang lalaking nakatakda ng magpakasal sa matagal na nitong kasintahan—sa matalik niyang kaibigang na si Clarissa. Iyon ang hindi hahayaan ni Desire, dahil sa damdamin niyang lumukob para sa lalaki. Gagawin niya ang lahat hindi lang matuloy ang pag-iisang dibdib ng dalawa at sa kaniya mauuwi si Henry—siya ang dapat manalo. Wala siyang pakialam kung masaktan man si Clarissa—because DESIRE's desire for Henry is beyond her control.
SCHEDULE OF UPDATE : TUESDAY- THURSDAY-SATURDAY KILALANG galit sa mundo si Atasha Silvestre—malaking impact dito ang mga karanasan niya sa mga nagdaang pag-ibig. Ilang lalaki na rin ang halos dumurog sa puso niya, kabilang na dito si Jaseem Francisco ang huling lalaking sinumpa niya sa sariling maghihiganti siya, dahil sa hindi magandang pinaramdam nito sa kaniya noong may relasyon pa silang dalawa—bigla na lamang itong naglaho na parang bula. Kahit saan niya man hanapin hindi niya magawang makita. Nang magpasyang lumuwas ng Manila si Atasha mula Bacolod—muli niyang sinubukang hanapin si Jaseem. Umaasa siyang magkikita pa silang muli, hindi para dugtungan ang naudlot na pagmamahalan kundi para managot ito sa pag-iwan nito sa kaniya ng luhaan. Ganoon na lamang ang pagkamuhing naramdaman niya nang muli itong matagpuan. Hindi pa rin pala nagbabago ang pagkakakilala niya rito, tinaguriang—Mr. Heartbreaker pa rin pala ito. Sa pagkakataong 'yon hindi papayag si Atasha na hindi ito mabigyan ng leksyon. Gagawin niya ang lahat may matutunan lang ito sa pangalawang pagkakataong paghaharap nilang dalawa—pinapangako niyang wala na itong maiwang luhaan pa. She is Atasha Silvestre—and she will seducing Mr. Heartbreaker.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.