Si Mari ang uri ng babaeng di sumusuko sa anumang hamon ng buhay. Kahit lumaki siya sa simpleng pamumuhay ay hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang ninanais niyang pangarap para sa pinakamamahal na ina at ama. At sa kabila din na angking ganda at talino, di niya ito ipinagmamalaki bagkus ay ginamit niya ito upang lalong maging mapagkumbaba sa kanyang kapwa. Si Nathan naman ang tipo ng lalaking ginagawa ang mga bagay na sa tingin niya ay makapagpapasaya sa kanya kahit pa humadlang ang pamilya. Ngunit kaya ba niyang isantabi ang sariling kaligayahan kapag ang mga magulang na ang nasasaktan? Dalawang nilalang, magkaiba ng mundong kinagisnan ngunit pagtatagpuin ng tadhana at kapalaran.
Buong-buhay niya ay wala siyang inasam kundi ang maramdaman ang kung paano ang mahalin ng tunay. Pagmamahal na buong-buo at walang kahati. Pagmamahal na walang hinihinging kapalit o kondisyon. Pagmamahal na handang ialay ang buhay para sa kanya. Siya si Vicka, ulilang lubos at lumaki sa bahay-ampunan hanggang sa magdalaga. Uhaw sa pagmamahal sapagkat parang alila lang siya kung ituring ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hanggang sa may butihing mag-asawang kumupkop sa kanya na buong-akala niya ay magliligtas sa masalimuot niyang buhay sa bahay-ampunan ngunit taliwas pala ito sa inaasahan niya. Sa pagpasok niya sa bagong mundong gagalawan ay makikilala at makakasalamuha niya din ang lalaking magpapatikim ng mas matinding hirap at pasakit sa kanya. Nasaan na ang pag-ibig na matagal na niyang hinihintay? Hanggang pangarap nalang ba ang lahat ng inaasam niya? Bakit kay kay saklap ng buhay niya simula pagkabata? Tuluyan na ba siyang susuko at mawalan ng pag-asa? Mga katanungang hindi niya mahanapan ng kasagutan. Subaybayan ang buhay ng ating bida at maantig sa mga hamon na buong-tapang niyang hinarap upang makamit ang pinakamimithing pagmamahal mula sa taong iniibig.
Spoiled brat, maldita and the worst attitude is selfish. Iyon ang mga lihim niyang naririnig noon sa mga kaklase niyang wala namang lakas ng loob na ipamukha sa kanya ang mga paratang nila laban sa kanya. Siya lang naman si Portia Lopez. The one and only unica hija ng pinakamayaman na mag-asawang negosyante sa lungsod ng Negros. Sino ba sila para husgahan siya? She doesn't care after all. Hindi niya kasalanan ang lumaking may gintong kutsara sa bibig. Ngunit ng dumating ang nag-iisang lalaking pumukaw ng atensyon niya ay nagbago ang lahat ng pananaw niya sa buhay. Handa kaya niyang isakripisyo ang lahat ng tinatamasang yaman upang makuha ang loob nito? Kakayanin ba niyang maranasan ang hirap ng buhay ng dahil lang sa kanyang makasariling pag-ibig dito?
Ako si Vanisa, isang inosente ngunit hindi naman ignorante sa mundong ibabaw dahil narin sa kinalakhang buhay na puno ng pakikibaka upang makaraos sa araw-araw na mga pangangailangan. Inosente dahil kahit wala pang muwang ang aking katawan sa tunay at pisikal na makamundong gawain na aking kinasasadlakan, ngunit ang aking isip ay hindi naman ignorante sa pagbibigay-aliw sa mga lalaking walang ibang hangad kundi ang maangkin ang aking katawan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Kuntento na sana ako sa kasalukuyang takbo ng aking buhay ngunit sa di inaasahan ay titibok aking puso sa lalaking nakilala ko lang din online at walang kaalam-alam ng aking madilim na pinagdadaanan. Kaya niya kaya akong mahalin at tanggapin sa oras na magharap kami at malaman niya ang tunay kong pagkatao? May pag-asa pa kayang magkaroon ng malinis at payapang relasyon ang isang tulad kong dumaan sa maduming trabaho?
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.