COMPLETED ( This is the first installment of my Loving series) Thank you for reading my book.. Ako si Mia Rose, isang simpleng dalaga na namulat sa isang simple pero mayasang pamilya kasama ang nanay at tatay ko. Perpekto. iyon ang tingin ng mga tao sa amin pero iyon ang akala ko, nang dahil sa isang aksidente na naging dahilan kung bakit parehong nawala ang dalawang taong mahalaga sa akin. Doon ko nakilala ang ina ng aking nanay, ang lola ko na mula pagkabata ay ni hindi ko man lang nakilala. At mula ng makilala ko ay mayroon nang mga bagay na unti-unti kong matutuklasan sa pagkatao ko at ang isang lalaking malaki ang magiging bahagi sa buhay ko. Isang lalaking misteryoso at puno ng lihim ang pagkatao.
Bawal ang umibig sa sarili mong kapatid, pero para sa akin ay tama itong nararamdaman ko. Mayroon akong apat na kapatid at ako ang bunso at nag-iisang babae sa pamilya. Mahal nila ako at ibinibigay ang lahat ng maaaring pangarapin ng isang batang babae sa aking edad, ngunit isang pagkakamali na humantong sa ipinagbabawal na pag-iibigan sa pagitan namin ng aking kuya. We broke our bond as brother and sister to a lover, i know that it is a big mistake and sin but it's really feel so right when he touch, love, and kiss me. Ako si Hyacinth at ito ang aking kwento, at kung paano ako nahulog sa sarili kong kapatid. Orihinal na kwento ni: Seirinsky
Pangarap ni Sapphire na makapagtapos ng pag-aaral at makapunta ng Manila para doon magtabaho at makawala sa malupit na buhay na kinagisnan niya. Pero ng gabi na tumakas siya sa bahay nila isang lalake ang nangailangan ng tulong niya at binigay naman niya ito sa abot ng makakakaya niya, pero bigla na lang itong nawala matapos niya itong tulungan. Ilang taon ang lumipas at hindi niya makalimutan ang nangyari, sa paghahanap niya ng trabaho ay napadpad siya sa kumpanya na kailangan ng secretary ng CEO ng kumpanya. Pero ang magiging boss niya ay kilalang-kilala niya walang iba kundi ang lalakeng tinulungan niya ilang taon na ang nakakaraan. Pero hindi naman siya nito nakikilala at ibang-ibang ito sa lalakeng minahal niya ng matagal na panahon, ang boss niya ay isang masungit at malupit na lalake na kinatatakutan ng lahat. Started: Dec 1 2022 Seirinsky
Si Madeline, ay isang simpleng dalaga na ang gusto lang ay magkaroon ng tahimik at masayang pamilya, natagpuan niya ito sa pamilya ng pangalawang asawa ng kanyang ina. Nagkaroon siya ng mga kapatid, mababait ito at itinuring siya ng mga ito na parang totoong kapatid, pwera lang sa panganay na anak ng kanyang tito. Mainit na ang dugo sa kanya nito maging sa kanyang ina sa simula pa lang, at isa sa mga tumutol sa pagpapakasal ng kanilang mga magulang, ginawa niya ang lahat para mapalapit sa binata pero ni minsan ay hindi siya nito pinakitaan ng mabuti bagkus ay puro pangbubully lang ang isinukli sa kanya. Kaya, kaya niyang mapaamo ang mala-lion nitong ugali o siya ang kusang bumigay sa maiinit nitong mga yakap. Original story of mine: Seirinsky
[ Mature Content Inside ] Anak si Rayelle ng kanyang ina sa pagka-dalaga at mula pagkabata ay iniwan na siya nito sa pangangalaga sa kanyang lolo at lola sa probinsya.Nang mag-labing limang taong gulang siya ay namatay sa isang aksidente ang kanyang lolo at lola dahilan upang mapilitan ang kanyang ina na pumayag sa asawa nito na tumira siya sa bahay ng mga ito.Sa pagtira niya sa bahay ng kanyang ina ay hindi niya alam na may asawa na pala ito at dito niya nakilala ang kanyang step-father na mayaman at napaka-gwapo.Sa una nilang pagkikita ay nakaramdam na agad siya ng kakaiba sa lalake at kahit alam niyang bawal ay lihim niya pa rin itong minahal.Pero ang kanyang pantasya ay alam niyang hindi na kailanman mangyayari kaya naman isinantabi na niya ito, pero kung kailan unti-unti na niyang kinakalimutan ang kahibangan niya ay saka naman ito nagpakita ng interes sa kanya.
Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang mga kapatid niya sa pag-aaral. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalaki na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
Si Haze ay isang simpleng dalaga na nagkaroon ng kakaibang karanasan mula ng makilala niya ang isang lalaki na nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hindi niya naranasan sa kanyang sariling pamilya. Sa madaling salita ay hindi pangkaraniwang pagkakataon ang maglalagay sa kanya sa sitwasyong hindi na niya maaring takasan pa. Isang sensual na karanasan sa piling ng isang hari. Hari ng impyerno. Original story by: Seirinsky Date started: July 22 2019.
[ Mature Content Inside ] Read at your own risk! Nakipag-one night stand si Angelina sa isang estranghero na nakilala niya sa isang bar na pinuntahan niya. Lasing siya at hindi alam ang mga pinaggagawa niya kasama ang lalakeng dinala siya ng paulit-ulit sa tinawag nitong langit. Dahil isang beses lang itong nangyari at alam niya na hindi na muling magku-krus ang landas nila ay malakas ang loob niya. Pero sa hindi niya inaasahan na pagkakataon ay muli niya itong makakaharap at sa kanyang pagkagulat ay ito pala ang ama ng kaibigan niya. Paano niya iiwasan ang lalake kung sa tuwing tititigan siya nito ay nag-iinit na ang buo niyang katawan. At alam niya na wala siyang kawala pa sa lalakeng nagparanas sa kanya ng tinatawag nilang langit.
Galit at paghihiganti ang naging kanlungan ni Gianna matapos siyang traydurin at muntik ng patayin ng lalakeng pinakamamahal niya. Ang akala niya ay hindi na siya muli pang makakabangon pero may isang tao na tumulong sa kanya ang kapalit ay magpanggap siya na asawa ng doktor na tumulong sa kanya at ipahiram ang mukha ng namatay nitong asawa. Hanggang saan ang galit na dadalhin niya kung unti-unti na niyang natutuklasan ang katotohanan ng totoong nangyari sa kanyang pamilya. May pagpapatawad pa ba sa puso niya o habang buhay na niya itong dadalhin kahit na nasasaktan na rin niya ang lalakeng lihim siyang iniibig. Original work of mine Seirinsky Book cover design by: Hera Venice Arts
( Under Revision ) Seirin and Kazami love story Seirin has a complicated life ever since she is still young, due to her family background. Her life is full of joy, despite of being the daughter of one of the most powerful mafia family in whole Asia. Her family is not a simple as the other but she loves her family.Until she met a man who will change her life forever, and the man who will stand in her family to be with her even if she is the daughter of Mafioso Clan. Will they still until the end? Or one of them will give up and forget the love they share for each other? Original story by: Seirinsky
[ Mature Content Inside ] Magkababata si Diamond at Kenji kahit na limang taon ang agwat ng kanilang edad ay hindi ito naging hadlang sa kanila. Bagkus ay minahal nila ang isa't isa sa kabila ng kanilang batang edad at nangako sa bawat isa na magpapakasal sila at bubuo ng pamilya at kasamang tatanda. Pero isang trahedya ang nangyari kay Kenji dahilan para magkahiwalay sila at labis na nasaktan si Diamond. Makalipas ang ilang taon ay hindi pa rin nakalimutan ni Diamond ang pinakamamahal nitong lalake, pero isang araw ay bumalik ito pero hindi siya nito natatandaan. Ito ang bagong substitute teacher sa university na pinapasukan niya at kahit hindi siya nito matandaan ay nagkaroon pa rin siya ng mainit na sandali sa kanyang teacher, at nagkaroon siya ng lihim na relasyon dito kahit na alam niya na hanggang dito lang ang papel niya sa lalake ang ibsan ang init ng katawan nila sa bawat isa.
Pagmamalupit at pang-aabuso ang naranasan ni Emilia sa kanyang tiyahin mula pagkabata niya ito na lang kasi ang tanging kaanak na meron siya kaya tiniis niya ang lahat ng paghihirap niya rito.Sa ika-labing walong taon na kaarawan niya ay binenta siya ng kanyang tiya sa isang bar at dito ay halos hindi niya kinaya ang magiging kapalaran niya. Dito niya nakilala si Ralph ang misteryosong lalaki na nagligtas sa kanya sa isang costumer na pinagtangkaan siyang saktan.Dinala siya nito sa probinsya kung saan ay nagmamay-ari ito ng isang napakalaking lupain dahil alam niya na mabuti itong tao sa pagkakaligtas sa kanya ay labis-labis ang pasasalamat niya rito.Pero sa pagdating niya sa lugar ay marami siyang matutuklasan kasama na rito ang totoong pagkatao ni Ralph at maging sa totoong niyang pagkatao.Original Fantasy/Romance story by: Seirinsky
Loving Allaric is not easy, pero dahil nag-take ako ng risk ay sinubukan ko pa rin kahit na masasaktan lang ako sa huli.Minahal ko siya ng sobra na halos binigay ko na lahat pero yong puso niya ay nanatili pa rin na nagmamahal sa isang babae na hindi na kayang suklian ang pagmamahal niya.Kahit anong gawin ko ay hindi ko siya mapaibig at hindi ko makuha ang atensyon na kailangan ko, pero kung kailan gusto ko nang sumuko ay saka naman siya nagpakita ng interes sa akin.Pero yong interes na alam ko na ako pa rin ang masasaktan sa huli pero susubukan ko ulit sa huling pagkakataon.Original story by: Seirinsky
( Mature Content Inside ) Si Serenety ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay, na kahit imposible ay naniniwala siyang matutupad iyon. Isa na doon ay ang makapunta ng kabayanan at makapasyal sa kapatagan, dahil lumaki siya at nagkaisip sa isla kasama ang kanyang ina na ni minsan ay hindi siya isinama paalis ng isla upang magbenta ng kanilang ani. Nauunawaan niya iyon ayaw ng kanyang ina na makatagpo siya ng masasamang tao.Pero isang araw ay may dumating na bisita sa kanilang tahimik na tahanan ang lalaking natagpuan niya sa dalampasigan walang malay at may mga sugat katawan na halos ikamatay na nito. Mula ng araw na iyon ng makilala niya ang lalaki ay nagkaroon na ng kulay ang kanyang buhay dahil marami itong naituro sa kanya isa na doon ang kung paano umibig ang bata niyang puso.SEIRINSKYBook cover design by: Hera Venice Arts ALL RIGHTS RESERVED JUNE 2020
Nicholas Ivanov is an epitome of perpect male alpha.Nasa kanya na ang lahat, gwapo, bachelor, kapangyarihan at ang napakagandang katawan na halos luhuran ng mga babae.Pero ang lahat ng ito ay balewala sa lalake na sa totoong buhay ay isang arogante at may masamang ugali na kinatatakutan ng lahat na nakakakilala dito.Pero isang babae lang ang hindi niya matakot at dito siya naiintimida, ang sekretarya na binigay sa kanya ng kanyang ama.Isang manang manamit, may malaking salamin at tingin na tila napakasama na niyang tao.Nakikita niya dito ang isang babae sa kanyang alaala ang babaeng nakatalik ng isang gabi at hindi niya makalimutan, ang babaeng nagbigay sa kanya ng satispaksyon na hindi kayang ibigay ng ibang babae.
In the midts of a cold winter there is a star who gives hope in every passer by.The lady who will capture the lonely heart of the king who is the ruler of Wisteria Kingdom.Meet Azalea the kind and gentle lady yet she has the mysterious past and the one who is the faith queen of the Wisteria Kingdom.
Maagang naulila si Lira dahil namatay sa aksidente ang kanyang buong pamilya, at siya lang ang tanging nakaligtas.Dahil sa nangyari ay apat na taon siyang nakaratay sa hospital, at ang taong hindi siya sinukuan ay ang matalik na kaibigan ng kanyang ama.Ang ninong niya na napakagwapo at unang kita pa lang niya ay nabihag na ang bata niyang puso.Ngayon ay gagawin niya ang lahat para makita siya nito hindi bilang isang batang babae, kundi isang ganap na babae at gagawin niya ang lahat para lang maakit niya ito.
Posible kaya na ma-inlove ka sa taong kinaiinisan mo una palang ng pagtatagpo niyo. Ganito sina Raniyah at Achilles. Wala na itong ibang ginawa kundi ang hayagang pagtatapat sa kanya ng pag-ibig nito para sa kanya, pero ang malabato niyang puso ay hindi matunaw tunaw at inis lang ang nararamdaman para sa lalaki. Pero isang araw ay kinidnap siya nito at doon ay unti-unti nitong nalaman ang tunay niyang pagkatao, ang madilim na nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Started: March 8 2019 Original story by: Seirinsky
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.