Her Sweet Vengeance
Share:

Her Sweet Vengeance

READING AGE 18+

dloveOdyssey Steamy Stories

0 read

“Brayan... ayoko na. Uuwi na ako. Pakawalan niyo na ako...” pakiusap niya kay Brayan. Naramdaman niya ang pagkahapo ng kanyang katawan. Pero hindi siya dapat panghinaan ng loob.
Lumapit sa kanya si Brayan at tumigil sa harap niya. Hinawakan nito ang pisngi niya pagkatapos ay pinisil. “I’m sorry Ava pero hindi ka na namin mapapakawalan pa. Siguradong magsusumbong ka na.”
Sunod-sunod siyang umiling. “Hindi! Hindi ako magsusumbong. P-Pangako. B-Basta pakawalan niyo lang ako. Walang makakaalam ng pangyayaring ito. Basta brayan, pakawalan mo lang ako... nakikiusap ako.” Patuloy ang naging pag-iyak niya. Takot na takot na siya.
“Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo?”
“Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ginagawa ito? Mahal kita. Totoong mahal kita. At nasasaktan ako sa ginagawa mong ito.”
Inilapiit nito ang mukha sa kanya at mahinang nagsalita. “Walang lalaking seseryoso sa iyo, Ava. Tandaan mo iyan.”
Natulala siya sa lahat ng sinabi nito. Ang sakit na nararamdaman niya ngayon sa anyang puso ay wala pa sa sakit ng katawan niya ngayon. Hindi siya kailanman minahal ni Brayan. Ng taong totoong minahal kita. Ah! Ang sakit-sakit! Sobrang sakit na para siyang sinasaksak sa puso.
“H-Hindi mo ako minahal k-kahit kaunti?” tanga siya dahil itinanong pa niya iyon.
Mapakla itong tumawa. “Siguro meron naman akong naramdaamn sa iyo kahit kaunti. Pero ang isang kagaya mo ay hindi kaseryo-seryoso. At hindi ka matatanggap ng pamilya ko. Pareho naman nating alam na hindi rin magtatagal ang relasyon natin, hindi ba?”
“K-Kung ganon, pakawalan mo nalang ako. Ako na ang lalayo sa iyo.” Ilang beses siyang humikbi.
Umiling-iling ito. “Pasensiya ka na pero hindi na kita mapapakawalan pa. Hala sige. Kayo na ang bahala sa kanya. Tutal ilang beses ko na siyang natikman. Sa ibaba muna ako.” Iyon lang at tinalikuran na siya nito.
“Brayan!” malakas niyang tawag dito. “Huwag mong gawin sa akin ito! Mahal kita! Please, pakawalan mo ako!”
Pero hindi na siya pinakinggan ng lalaki. Iniwan siya nito sa kamay ng mga lalaking nakapalibot sa kanya. Alam niyang katapusan na niya...
----------------------------
Babaeng pinatay ng lalaking mahal niya dahil sa kanyang kagandahan, muling magbabalik upang mang-akit at maghiganti.
Ako si Ava. Pinatay nila ako. Hindi ako muling nabuhay para sa wala. Papatayin ko silang lahat! SA SARAP!

Unfold

Tags: darkbadgirltragedytwistedheavyseriousmysterydisappearancesecretspunishment
Latest Updated
Kabanata 170

TAHIMIK na tahimik ang paligid. Mag-isa ni Aki sa harap ng dalampasigan. Nakapantulog na siya at tapos na ang reception na ginanap kanina. Dapat ay kasama niya ngayon si Lance pero dahil may kailangan silang pag-usapan ni Ava ay sandali siyang nagpaalam sa asawa.

Asawa. Hindi siya makapaniwalang asawa na ang tawag niya kay Lance. Ni ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.