VICTIMS OF LOVE (COMPLETED)
Share:

VICTIMS OF LOVE (COMPLETED)

READING AGE 12+

Joemar Ancheta (Pinagpala) LGBT+

0 read

Si CLINT ay isang tapat sa serbisyo niya bilang isang batang opisyal ng kapulisan. Wala siyang inaatrsan sa laban. May paninindigan at puno ng paniniwalang kaya niyang tuldukan ang krimen sa kanyang nasasakupan. lilipulin niya ang mga sindikato at pananatilihin ang kaayusan. Ngunit may banta ang katahimikan at kaayusan. Sinisikap niyang malaman kung sino ang mga malalaking tao na nasa likod ng naturang sindikato. Sa ngalan ng serbiyso, gagawin niya ang lahat. Nakahanda niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa kanyang sinumpaang tungkulin.

Dumating si Erron sa buhay ni Clint. Binago nito ang kanyang mundo. Nagulo ang dati ay tahimik nitong pagkatao. Ngunit may sikretong bumabalot sa trabaho ni Erron. Kung kailan nabuo ang kanilang nasimulang pagmamahalan ay nalaman ni Erron na si Clint pala ang susunod niyang assignment. Bilang isa sa pinakamahusay at pinagkakatiwalaan, na assassin kailangan niyang gampanan ang tungkulin dahil siya ang malilintikan at itutumba nang napasukang sindikato. Paano niya isasakatuparan ang kanyang misyon? Madali na lang sa kanyang patayin si Clint pero kaya ba ng kanyang puso na gawin iyon? Hanggang saan sila dadalhin ng magkalaban nilang grupo? Ano ang kayang isakripisyo ng pusong tunay na nagmamahal? Paano nila lalabanan ang umiiral na kanser ng lipunang kanilang ginagalawan.

Unfold

Tags: kidnapdramabxbmxbbisexualmysteryenemies to loverstorturedmxm
Latest Updated
VICTIMS OF LOVE... NO MORE

CHAPTER 31

Final Chapter SECOND PART

 

Natigilan siya. Kilalang-kilala niya ang naggigitara sa silong ng niyog, may kalayuan sa dalampasigan. Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito? Huminga siya ng malalim. Nagdalawang-isip. Pero baka hindi siya. Kailangan niyang lumapit ba ng bahagya para makila……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.