Sharp and Shiny 2: Iustitia
Sa paghihiwalay ng landas ni Acutus at Nitidus ay kapwa tuluyang magbabago ang lahat sa pagitan nilang dalawa at mag-iiwan ito ng palaisipan tungkol sa isang pulseras na isa sa nawawalang alahas ng angkan ng Sugatzu.
Dahil sa paghahanap sa naturang pulseras ay tatahakin niya ang landas patungo sa Regia Mundi at hindi niya inaasahan na makikilala ang isang babaeng may pambihirang lakas na nagtatago sa katauhan ng isang lalake.
Ngunit sino nga ba ang babaeng ito?
At ano ang koneksyon nito sa kaniyang pinagmulang angkan?
Isa ba itong kaibigan o kaaway?
O bagong nilalang na magpapatibok sa kaniyang puso?
Unfold
Acutus' POV
"ACUTUS!"
Titig na titig ako sa taong nasa aking harapan.
"I-Immitis..."
"Buhay pa siya, Ginoong Lux!" sabi niya at dali-dali namang lumapit si Ginoong Lux sa amin.
"Acutus, mabuti na lang talaga at nautusan kami ni Vis na sundan ka rito kung hindi, ……
Waiting for the first comment……