That Thing Called
Share:

That Thing Called

READING AGE 16+

LADY JEZA YA&Teenfiction

0 read

COMPLETED

Hindi pa man ipinapanganak ay "ibinigay" na siya ng kaniyang mga magulang sa Diyos bilang "pambayad-utang". Dati kasing seminarista ang kaniyang ama at madre naman ang ina. Nagkagustuhan ang mga ito at parehong tinalikuran ang mga tungkulin. Pero kapalit niyon ay ang pangako na ang magiging anak ang magpapatuloy sa tinalikurang bokasyon. At si Kathleen Grace Ocampo 'yon.

Wala naman sana iyong kaso sa dalagita dahil wala naman siyang nakikitang mali sa pagiging alagad ng Diyos. At isa pa, sa "kapintasan" niya ay imposible rin naman siyang magka-boyfriend.

Kaya lang sa isang iglap ay biglang nagtapat sa kaniya ng pag-ibig ang bestfriend niyang Filipino-Norweigian na si Jakob Eirik Andreassen.
Nawindang ang puso ni Kathleen dahil bukod sa hindi sila bagay ni Jakob ay kaibigan lang talaga ang turing niya rito.

Pero akala lang pala niya iyon.

Dahil "nagpatukso" siya kay Jakob at umibig dito. Buong-puso nitong tinanggap ang kaniyang "kapintasan"na madalas maging dahilan para bully-hin siya ng ibang tao.

Sa kabila ng 'bawal' nilang pag-ibig ay nagpatuloy silang dalawa. Kinalimutan ni Kathleen ang nakatadhana para sa kaniya. Handa na sana siyang ipaglaban sa mga magulang ang kanilang relasyon. Pero may isang pangyayari ang nangangailangan ng himala.

"Nakipagkasundo" siya sa Langit at ang ipinalit niya ay ang pagmamahalan nilang dalawa ni Jakob.

Natuloy sa kumbento si Kathleen. Pero nang isang hakbang na lang sana para maging ganap siyang madre ay muli silang nagtagpo ng binata. At muli itong nagtapat ng pag-ibig.

Handa kaya siyang baliin ang "kasunduan" nila ng Langit para sa taong itinadhana sa kaniya at mahal na mahal niya?

Unfold

Tags: second chancegoodgirlstudentdramabxghighschoolchubby
Latest Updated
LAST CHAPTER

"Jakob..." nag-angat ito ng ulo nang marinig siya. Napangiti ito at punong-puno ng sigla na kinuha ang hawak niyang maleta. "Nakatulog ka ba sa kahihintay sa'kin?"

            

"Hindi. Ipinagdasal ko lang na sana huwag magbago ang isip mo. Hindi kaya ako makahinga habang hinihintay ang paglabas mo." Nakangisi nitong tugon.

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.