Bachelor's Pad series 8: Reviving The Charmer
Share:

Bachelor's Pad series 8: Reviving The Charmer

READING AGE 16+

KELLY HART Romance

0 read

May manipis na linya sa pagitan ng unconditional love at katangahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging assistant ni Charlene kay Art Mendez, isang sikat na film director, buo ang paniwala niya na unconditional love ang nagtutulak sa kanya na gawin ang lahat para sa binata. Mula sa pagre-resign sa dati niyang trabaho para maging assistant ni Art, hanggang sa pagiging punong abala sa preparasyon ng kasal nito. Bale-wala sa kanya kahit sa tingin ng iba, pagpapakatanga ang ginagawa niya.

Hanggang isang aksidente ang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ni Art. lyon din ang naging dahilan kaya nagkalapit si Charlene at ang binata. Ipinangako niya na hindi ito iiwan hanggang sa maka-recover. Unti-unti ay nakita niya ang recovery ni Art. Unti-unti rin ay naging higit pa sa dati ang relasyon nila. When he kissed her, she felt like her feelings would finally be reciprocated. Nagkaroon siya ng pag-asa. Na agad ding gumuho dahil bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Art.

Unfold

Tags: arrogantgoodgirlsweetbxg
Latest Updated
EPILOGUE

“So, nagdesisyon si Art na tuluyang talikuran ang nakaraan at nagkaroon na talaga ng closure sa ex niya. E ikaw? Hindi ka pa rin magmo-move on?”

Napabuntong hininga si Derek at tinapunan ng tingin si Keith na ngingiti-ngiti pa habang pinagmamasdan siya sa pagbabasa ng mga online article sa ipad.

“Keith, ayokong sabihin sa iyo kung ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.