Bachelor's Obsession : TREVOR SANTILLAN
Share:

Bachelor's Obsession : TREVOR SANTILLAN

READING AGE 16+

Bam Gregorio Romance

0 read

MULA Baguio lumuwas ng Manila si Roxanne--- hindi lang para maghanap ng trabaho o tulungan ang mga natitirang tao sa buhay niya. Gusto niya rin hanapin ang lalaking nanakit sa damdamin ni Summer na tinuring niyang kapatid.
Lalaki raw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng depression ang dalaga sa muling pagbabalik nito sa lugar nila. Sinumpa ni Roxanne sa sariling gagawin niya ang lahat mahanap niya lang ang naging dahilan ng paghihirap ng kinilala niyang pamilya.

Sa Manila nakilala niya si Trevor Santillan, ang CEO ng kompanyang ng pinag-aplayan niya ng trabaho.

Hindi man maayos ang unang paghaharap nilang dalawa, tuluyan pa rin siyang makapasok sa kompanya nito bilang sekretarya ng supladong amo--- antipatiko ang binata para kay Roxanne, dahil wala na itong ginawa kundi inisin siya at sirain ang araw niya. Ngunit lahat gagawin niya para kay Summer at sa nanang niya babawiin niya ang lahat ng sakripisyo ng mga ito sa kaniya.

Magtitiis siya hanggang kaya niya, kakayanin niya ang lahat ng ginagawa ng salbahe niyang amo para sa kaniya.
Ngunit isang katotohanan ang nalaman niya tungkol kay Trevor na may kaugnayan kay Summer.

Matatanggap niya ba ang natuklasan kung mas nakikilala niya na si Trevor sa mga panahong nagiging kasama niya ito.
Itutuloy niya pa ba ang plano niya kung hindi niya na namamalayan na napapamahal na sa kaniya ang lalaki? Paano kung hindi na s’ya sigurado kaya pa niyang ituloy ang plano n’yang paghihiganti rito?

Unfold

Tags: revengedarkfamilydominantindependentdare to love and hatedramatragedybxgfirst love
Latest Updated
LAST PART

MASAYANG nagsalo ang lahat sa pagkaing hinanda ni Trevor para sa kanilang lahat; sa pamilya niya at sa pamilya nito.

Masayang masaya ang puso niya habang pinagmamasdan si Chacha at Summer--- napalagay agad ang loob ng bata sa kapatid niya na labis niyang pinagpapasalamat.

Nagtaas ng tingin ang lahat nang tumayo si Trevor kasa……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.