My Hot Pervert Stalker
Naka-dress ako at flat sandals. Gusto kong maging maganda sa paningin niya sa buong araw at sa akin lang sya titingin .
Naisipan naming mag-kape at habang nasa coffee shop ay nag-iba ang timpla niya. May ka-text siya at mukhang seryoso.
“May problema ba?” tanong ko.
“W-wala naman. May inaasikaso lang. “
Naging busy sya sa kanyang phone. Ako naman ay paunti-unting kinakain na lang ang cake na binili niya at iniinom ang kape. Umalis pa nga sya para sagutin ang tawag niya sa phone na ayaw iparinig sa akin pero bumalik rin sya makaraan ang ilang minuto.
“Pinapauwi na ako ni Dad,” saad niya na may pag-aalala.
“Sige, uwi na tayo,” wala na akong nagawa. Pero sabi niya wala na ang daddy nya.
Sa byahe ay tahimik lang sya. Focus sa pagda-drive at di ako pinapansin kahit panay ang sulyap ko sa kanya.
“May problema ba?” ulit kong tanong sa kanya.
“Si Dad kasi, ano. Basta. Hindi ko pa sure pero may sasabihin daw syang importante.”
“Ok. Si papa pala, gusto nya na magkwentuhan daw kayong dalawa kelan ka pupunta ng maaga sa bahay?”
“S-sige, next time kamo,” halata ang pagkabalisa niya at pagmamadali.
Ako naman ay nakadungaw lang sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan hanggang sa makarating sa aking bahay. Agad din syang umalis pagkababa ko. Walang kiss o kahit na kaway.
“Ang aga mo akala ko mamayang gabi ka pa.” saad ni Papa.
“Eh, nagkayayaan na po eh. Nagmamadali nga si Angelo.”
“Ok, magbihis ka na at magmerieda.
Wala syang message that night kaya ako na ang nagtext sa kanya.
Me: Hi babe. How are you? How’s your dad? Nakauwi ka na ba?
Ano kayang nangyari? Nagka-emergency ba sila sa bahay? Bakit ayaw niyang sumagot sa message ko. Nag-aalala tuloy ako ng buong gabi na yun.. Umaga ng magising ako ay wala pa rin syang message. Nag-ayos na ako para maagang makita sya.
I’m so excited dahil for sure nasa lobby nanaman yun at hinihintay ako.
Hwag ka nang magpabulaklak Angelo ha. Wala na yung atraso mo sa akin kahapon. Isang kiss lang ok na ako at wala na ang tampo ko.
Kilig na nag-iimagine ako habang naliligo. Todo ngiti ang mga labi ko na aabot na yata sa tenga. Miss ko na ang mokong na yun na di man lang angtext kagabi.
“Wow! Ang ganda ng anak ko ha. Blooming. Inlove na inlove yan.”
“Papa talaga. Blooming naman ako palagi.”
Sa jeep ay di pa rin mawala ang mga ngiti ko. Baka akalain pa ng ibang pasahero ay naloloka na ako. Halos patakbo akong pumasok na sa building. Hinanap agad siya ng mata ko pero bakit ganoon? Wala sya.
Hindi ba sya pumasok? Baka nga nagkaemergency sa bahay nila.
Sa elevator ay malungkot akong sumakay at habang umaakyat ay naiimagine kong magkahawak kami ng kamay. Binati ko ang aking mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho saka nagsimula na sa aking mga gagawin.
Plano kong mamayang lunch break ay kausapin at tanungin ang friends niya sa tambayan nila kung bakit wala si Angelo. Nagmadali akong pumunta sa canteen pero wala sya. Wala din ang mga friends niya.Nag-aalala talaga ako sa lalaking yun. Di naman sya ganun at lagi pa ngang nagpapapansin sa akin pero bakit wala sya ngayon?
Sa tambayan nila ay sumilip ako. Nakita ko muna si Dion dahil sa lapad ng likod nito. Malaking lalaki kasi ito at sa tabi nya ay si Angelo. Kilala ko na rin ito kahit nakatalikod. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ito at nandoon lang pala.
“Angelo,” tawag ko sa aking nobyo.
“A-alice,” gulat na saad nito.
“Who is she babe?” saad ng isang babae na di ko napansin na nakaupo pala sa tabi nito.
“A friend. Si Alice.” pakilala sa akin ni Angelo sa babae. Bakit biglang naging friends lang kami. Ano bang nangyayari?
“Hi! I’m Patty, Angelo’s girlfriend,” pakilala ng babae sa akin at para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
“Hi!” bati ko. Nakatingin ako sa babae at pagkatapos ay tumingin ako kay Angelo na may pagtataka sa aking mukha.
“May kailangan ka sa boyfriend ko?” tanong ng babae sa akin. Boyfriend niya ang boyfriend ko?
“May itatanong lang sana ako pero nakalimutan ko. Aalis na ako. Agad akong tumalikod at naglakad paalis,” hindi ko napigilang ang pagbagsak ng aking luha dahil sa sakit. Wala man lang masabi si Angelo at hinayaan lang akong umalis.
f.bi.page sami-romance story writer
Unfold
After ilang days ay tatanggalin na rin ang pagkakasemento ng mga binti at braso niya. Sa wakas ay makakagalaw na ito at unti unting babalik sa normal. Aalwan na rin ang trabaho ko sa bahay at pwede na naming makasama ang dalawang bata. Maaaalagaan na namin sila at mabubuo na kaming pamilya.
Di pa muna ako babalik sa aking neg……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……