RCBS 2- My Boss is my Ex- R18+ I SPG (TAGALOG)
Share:

RCBS 2- My Boss is my Ex- R18+ I SPG (TAGALOG)

READING AGE 18+

Lirah Romance

26378 reads

Dale & Jhanna - story


"Mag-aaway lang tayo...Pero hinding-hindi tayo maghihiwalay! Tandaan mo 'yan, Jhanna..."


Pangarap ni Jhanna ang makapagtapos sa pag-aaral sa kahit ano pa man ang mangyari. Hanggang sa makilala niya ang kaklase niyang si Dale na wala ng ginawa kundi buwisitin siya na parang aso't pusa na laging nagbabangayan tuwing nagkakasalubong.

Ngunit sa paglipas ng panahon ang dating inis na nararamdaman niya para kay Dale ay napalitan na ito ng lihim na paghanga. Lingid sa kaalaman niya ganun na rin pala ito sa kanya.

Isang araw, nagulat nalang siya nang bigla nalang siya nitong halikan at sabihing may gusto ito sa kanya. Abot hanggang langit ang kilig ni Jhanna nang malaman iyon.

Naging magboyfriend sila. Masaya sa umpisa pero nang magselos ito ay nauwi sa isang marahas na pangyayari. Ang pangyayaring iyon ay nauwi sa paghihiwalayan nilang dalawa.

Ang pangarap niyang magtapos ng pag-aaral ay hindi na natuloy buhat nang magkasakit ang kanyang ama at ma-diagnose ito ng liver cancer.

Ang akala niya ay hindi na muli magkukrus ang landas nila. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Nais ng lalaki na maging katulong siya sa condo unit nito kapalit ang malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ama.

Tatanggapin niya ba ang alok nito o hahayaan nalang niyang mamatay ang kanyang ama?

Unfold

Tags: second chancearrogantbossstudentdramasweetschool
Latest Updated
CHAPTER 3- KICK

Habang naghihintay sa susunod na subject si Jhanna naririnig niya ang pag-uusap nina Dale at Sharon sa kanyang likuran. Niyaya ito ni Sharon na kumain sa labas at treat pa nito. Napataas ang kilay niya sa mga naririnig.

"Ay! Grabe si Ateng! Siya pa talaga ang nagyaya sa lalaki? Hindi ba pwedeng hintayin na lang niya kung kailan siya……

Comment