THE BROKEN ANGEL- LIBERTY
Share:

THE BROKEN ANGEL- LIBERTY

READING AGE 18+

Ms.Blackrose01 Realistic Urban

0 read


Nagmula sa isang mahirap na pamilya, isang kahid isang tuka. Kinamulatan at lumaki sa paligid na kilala sa tawag na squaters area. Salat sa lahat ng bagay at kung papalarin minsan ay maswerte na ang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Hindi nakapagtapos ng high school dahil narin sa kahirapan ng buhay. Pinilit man na mamuhay ng marangal at may dignidad ay sadyang hihilahin parin paibaba sa putikan na nakasanayan dahil sa kakulangan sa abilidad at pinag-aralan. Madalas laitin ng nakararami dahil sa pinagmulan na labis na nagtulak para pasukin ang isang bagay na ni sa panaginip ay hindi ninais. Iba't-ibang kalalakihan ang nagpakasasa at nagsawa sa katawan para maitawid lamang ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Binalewala ang mga kutya at lait ng mga mapaghusgang mga mata alang-alang sa mga taong labis na minamahal. Pinangako na balang-araw ay aahon sa putikan, na balang-araw ay makakaalis sa deliryo ng kahirapan, na balang-araw ay may isang taong sasagip mula sa marumi at nakakadiring propesyon at balang-araw darating ang panahon kung saan hindi na kailangan pang magbenta ng laman para lang makakain at mabili ang mga nais na makamtan. Isang pangarap na kaginhawahan at isang pag-asa na hindi na muling malulugmok pa sa kumunoy ng kahirapan.

Ako si Liberty Dela Riva. At proud akong sabihin na isa akong call girl o mas tanyag sa tawag na puta at isang kalapating mababa ang lipad.

------,--'-,-{

Unfold

Tags: love-triangleone-night standbadgirldramabxgrealistic earthprostituteexpirencedseductivewild
Latest Updated
Chapter 95 (Finale)

Chapter 95 (Finale)


“Masaya ka ba, Mahal?” napatingin ako sa katabi ko. Nakatingin siya sa akin habang hawak ang isang kamay ko. Nandito kami ngayon sa veranda ng garden namin habang nagpapahinga. 


“Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?” may himig na paglalambing na tanong ko pabalik. 

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.