The Girl Who Doesn't Know Me
Share:

The Girl Who Doesn't Know Me

READING AGE 16+

A. Jacintha ChickLit

7900 reads

Iba't ibang tao ang ating nakakasalamuha sa araw-araw.

Iba't ibang mukha ang ating nakakaharap.

Ngunit, paano kung sa 'di inaasahang pagkakataon, masangkot ka sa isang trahedyang magpapabago sa buong buhay mo?

Isang aksidenteng ayaw nang alalahanin pa ni Janice Montalban ang naging dahilan ng pagkakaroon niya ng Prosopagnosia (face blindness) o ang kawalan ng kakayahang makakilala ng mukha.

Pero kahit ganoon, pursigido pa rin siya na maitaguyod si Sasha—ang nag-iisang alaalang naiwan ng kapatid.

Sa kabilang banda, dahil sa kasikatan, batid ni Nathan De Guzman na walang tao sa Pilipinas ang hindi nakakakilala sa kaniya, ngunit laking pagtataka niya nang makaharap si Janice.

Imagine, sikat siya at tinitingalang aktor, pero ang babaeng 'yon, hindi siya kilala?

Unfold

Tags: familyfriends to loversindependentconfidentdramabxghumorousillnessassistantactor
Latest Updated
Chapter 166

 

***

 

Napakatahimik sa silid ngunit kapansin-pansin ang tensyon sa paligid. Mabigat ang paghinga ni Emily, habang ang asawang si Ariel, panay ang pagbuntong-hininga habang nakaupo sa monobloc. Pinagmamasdan nito ang anak na si Janice na naroon pa rin sa kama, at tila nasa malalim lamang na paghimbing.

 

Comment