MY PLAYFUL LOVE
Share:

MY PLAYFUL LOVE

READING AGE 16+

Kontessa1620 Romance

0 read

Wala sa interes at isip ni Kisses ang magka-boyfriend dahil sa oras naman na sabihin niya na may anak na siya ay parang mga bulang naglalaho ang mga dyablo sa harap niya at nawawala ang mga iniaalok na pagsintang pururot ng mga ‘yon. Sino nga ba naman ang magkakagusto sa isang babae na may anak na at wala namang maipagmamalaki sa buhay?
Itataya niya ang puso niya at kaluluwa kapag may isang lalaki na nagparamdam sa kanya ng tunay na interes dahil alam niyang wala na sa panahon ngayon ang gugusto sa kanya at mas gugusto sa anak niya. Sa praktikal na lalaki na maisip at makasarili ay walang makukuha ni katiting na interes na bumuhay ng bata na hindi naman galing sa similya noon, pero hindi ang isang Grieco Antonio de la Cueva na nakilala niya dahil sa katangahan nang mapadpad siya sa isang race school at para siyang suicidal na palaka na masasagasaan pa sana ng humaharurot na isang Ferrari.
He showed great her great interest and who will not gonna fall for a man as perfectly hot as a sin? Iyon lang ay playboy ang lalaki at maharot na sobra kaya duda siya kung seryoso ba iyon sa ipinakikita sa kanyang concern lalo na sa anak niya. At ang masakit na isipin ay hindi kayang tanggapin ng mundong kinalakihan ni Grieco ang estado niya sa buhay lalo na ang pagiging dalagang ina niya.
At mas lalo lang na gumulo ang lahat ng dumating ang tunay na ama ng anak niyang si Czarina na naglabas ng lahat ng katotohanan na nakasakit sa kalooban niya.



Unfold

Tags: billionaireplayboykickass heroineindependentsweetbxglightheartedvirgin
Latest Updated
EPILOGUE

EPILOGUE

Mula sa pagkakamasid sa napakalawak na bakuran ng mansyon ay may tumapik sa balikat ni Grieco Antonio kaya agad siyang lumingon.

Ang nakangiting ama ang sumalubong sa kanya kaya ngumiti rin siya. “Pa,”

“Why are you here?” tumingin din ito sa paligid at direktang napako ang mga mata sa……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.